KABANATA 7

83 6 8
                                    

Another Monday again with Dos.
As I opened the door I met his sleepy eyes. Napaayos siya sa pagkakaupo. Those eyes! Naaalala ko ang pag-uusap namin kahapon nang madaling araw.

Anong oras na kaya siya nakauwi? Halatang inaantok pa siya pero mas maaga pang nakapasok kaysa akin.

Bakit ko ba iniisip iyon? Ang aga-aga pero siya na agad ang nalaman ng isipan ko.

Snap out of it, Pretzel Shinhiara!

Ramdam ko ang pagsunod ng kanyang tingin hanggang sa makaupo ako. Hindi ko na siya nilingon muli pero dahil nga magkalinya lang ang aming inuupuan. Out of the corner of my eye, napapanood ko ang kanyang mga galaw. As asual, nakasuplado mode na naman siya habang buryong tinatapik ang kanyang arm chair.

Padami-dami na kami sa loob kung kaya't umiingay na ang buong silid.

"Kaya atat na atat ako na mag-lunes, dahil makikita ko na naman ang guwapong mukha ni Dos." kinikilig na sabi ng aking katabi na si Joice

I turned to her. Ako ba ang kausap niya?

"Huh?" lito kong sagot sa kanya.

"You think may girlfriend na siya?" she asked at me.

Sa hindi malaman na dahilan agad akong nakaramdam ng kaba.

"H-Hindi ko alam.." I stuttered

Mas lalo ako naging kabado nang tumitig siya sa akin. Don't tell me...

"You know what, Pretzel. You're so pretty. Ikaw ang bet ko na kuhanin nila bilang Miss Cal." nakangiti niyang saad.

I sighed in relief. I thought, ibang paksa ang uusasain niya. I am not assuming here pero akala ko talaga about sa crush thingy ni Dos sa akin.

"Bumagay pa sa'yo ang bleach. Saan mo pinakulayan ang iyong buhok?" tanong niya pa.

"Ako lang ang nagkulay sa sarili ko." I answered as I fix my bleach hair.

Tumango lamang siya at tinutok ang kanyang atensyon sa kanyang phone. Kaya naman umayos ako nang upo at tumahimik.

Bumukas ang pinto at pumasok si Miss Sharina. Kasunod niya sa kanyang likod ang tatlong estudyanteng babae.

"Good morning, Class! Before we start our discussion. These three ladies are officers from Hiraya Koletib. Sila'y naparito upang imbitahan kayo na dumalo sa kanilang event.." Miss Sharina said as she nodded to the three CAL students.

Humakbang sa harap ang isa na sa aking hula'y she is the President of that Club.

"Magandang umaga sa inyong lahat, theater students. Ako pala si Xyra Love Cruz mula sa Malikhaing Pagsulat 1A. At ang bagong naluklok na Pangulo ng Hiraya Kolektib."
She smiled a little as her continue to speak. "Ang Hiraya Kolektib ay publikasyong inilalaan ng Departamento ng Araling Pilipino. Para sa mga estudyante ng Malikhaing Pagsulat at ang mga miyembro nito. Dito binibigyan ng pagkakataong maitanghal ang makukulit ngunit may angas ding imahinasyon. At matapang na pagkamalikhain ng bawat isa na magtatangkang mag-ambag ng kamalayan-sa mga mambabasa nito." She discussed long.

Tumingin siya sa dalawa niyang kasama na may mga dalang papel. At lumapit sa amin upang ipabigay ito.

Nang mabigyan ako, isa palang form para sa mga interesado na sumali sa kanilang Publikasyon.

I folded the paper form. Bukod sa wala akong oras para sumali sa aktibidad dito sa aming Departamento. Wala rin akong hilig na magsulat. Kaya nga hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung ano ang aking gagawin sa kursong ito. Bukod sa nakahiligan ko lang talaga na manood ng mga nagtatanghal sa teatro. Wala na..

S#1 SOMEBODY TO LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now