Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan sa bawat minutong lumilipas. Palakas nang palakas ang pagkabog ng puso ko.
Tumingin ako sa driver seat, seryoso lang siya sa pagda-drive. Saan ba niya ako dadalhin? Alam ba ito ni Manager Tan?
Maya-maya pa'y huminto na ang sasakyan. Wala sa sariling napatingin ako sa labas. At halos maubusan ako ng kulay sa hinintuan namin. Anong ginagawa namin sa gusaling ito?
Naramdaman ko ang mabilis niyang pagbaba ng sasakyan.
"A--Anong ginagawa natin dito? Bakit dinala mo ako rito?" Sunod-sunod ang ginawa kong paglunok.
"I'm sorry for suddenly dragged you here. But this is the only way." He calmly answered me.
Hinawakan niya muli ako ng braso at hinatak papasok sa loob ng mataas na gusali. When we came in, tinanguan lang siya ng babae sa encounter. Mukhang inaasahan na niya ang pagdating namin dito. Gulong-gulo at kabang-kaba ako sumunod sa pagsakay niya sa elevator. Pinindot niya ang 16th floor.
Pamilyar sa akin ang palapag na iyon. Mas lalo akong namutla. Napapikit ako nang mariin. Lumutang ang malutong niyang tawa sa loob ng elevator.
"I'm harmless. Kung ano man ang iniisip mo ngayon, nagkakamali ka nang iniisip." Natatawa niya akong tinignan.
Sinamaan ko siya nang tingin. "Hindi mo pa sinasagot ang mga tanong ko. Anong ginagawa natin dito." medyo tumataas na ang aking boses.
"I will explain later." He only said.
Bumukas ang elevator, dire-diretso siyang naglakad. Hindi ko naman maihakbang ang aking paa. Gusto kong tumakbo at iwan siya rito.
I want to go home.
Sumasakit na ang aking ulo sa daming nangyari ngayong gabi. Dahan-dahan ko siyang sinundan.
Kumatok siya sa isang pamilyar na condo unit. Ramdam ko ang panginginig ng aking kalamnan. Nang dahan-dahang bumubukas ang pinto. Halos mawalan ako nang ulirat when I met his blank stare.
"Siya na lang ang magpapaliwanag sa'yo. Maiwan ko na kayo rito. Babalikan ko pa sila."
Dahan-dahan siyang tinanguan nang nasa harap pero nakatingin pa rin sa akin ang madilim niyang mata.
"I owe you for this, Kuatro." He serious said.
Tinanguan lang siya ni Kuatro.
Binigyan ako nang matamlay na ngiti ni Kuatro bago niya kaming iniwan dalawa. Hindi ako makapaniwalng tinitigan siya at walang buhay na tumawa. Inis kong ginulo ang aking buhok.
"This is all nonsense!" galit kong saad sa kanya.
Tinalikuran ko siya at humakbang papalayo. Inis na inis kong hinubad ang suot-suot kong stilletos. Narinig ko ang mabilis niyang yabag.
Mas binilisan ko ang paglalakad na halos takbuhin na upang makarating sa elevator. Baka maabutan ko pa si Kuatro. Hindi maaari ito. Hindi ito nangyayari!
Nag-echo ang kanyang malulutong na mura sa pasilyo.
"This is all sense!" He shouted.
"Hey! Hey! Don't try me, Shin!" Papalapit na papalapit ang kanyang boses.
Napairap ako kahit hindi niya nakikita. Ilang saglit pa'y nabitawan ko ang hawak kong stilletos. Nang maramdaman kong umangat sa ere.
"Walanghiya ka! Let me go! Put me down!" Naghi-hysterical ko sigaw.
Inayos niya ang pagsampay ng aking katawam sa kanyang matipunong balikat.
"Nah! I will never do that again!" Humalakhak niyang sabi.
Pinagsusuntok ko ang kanyang likod pero hindi man lang siya tinatablan. Dumiin ang paghawak niya sa aking binti. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Ilang saglit pa'y nakikita ko na ang living room ng unit.
Marahan niya akong binaba sa mahabang sofa. Umupo ako nang maayos at inis na inayos ang magulo kong buhok. Sinamaan ko siya nang tingin. Tinaasan niya ako ng kilay at humalukipkip. Nag-iwas ako nang tingin. Hindi ko matumbasan ang mabibigat niyang tingin sa akin.
I can't believe this is really happening right now! Right here!
Wala sa sariling inilibot ko ang aking tingin sa kabuuan ng unit. Unti-unti akong nanlalambot sa aking natuklasan.
Narinig ko ang sunod-sunod niyang pagbuntong-hininga.Binalik ko ang aking tingin sa kanya.
Diretso ko siyang tinitigan. "What the hell is happening? 'Yong nangyari sa parking lot. Ikaw ba ang sumuntok kay Tres?"
Ramdam ko ang pamumuo ng galit sa aking puso. Paano 'pag lumabas sa media ang nangyari? Napakalaking isyu nito. Hindi niya ako sinagot. Pinasadahan niya lang ang kanyang nagulong buhok. Mas lalo akong nainis sa kanya.
"Answer me! Are you the one who punched your brother?" Galit kong paratang sa kanya. Nagagalit ako sa kanya dahil parang wala lang sa kanya ang nangyari. Parang hindi man lang siya binabagabag ng ginawa niya. Kapag lumabas ang nangyari.
Madaming masisira.
Umigting ang kanyang panga. "Yes! The hell I care! The asshole deserve that punched. Sinagad ni Tres ang pasensya ko and that was the last straw!" galit at madiin ang bawat bitaw niya ng salita.
Namilog ang aking mata. "But he's your brother!"
"Basta ikaw ang usapan kahit sino pa at lalong higit kahit kapatid ko pa. Sasagasaan ko. Basta ikaw ang kapalit ng lahat."
Ramdam ko ang sunod-sunod na pagpatak ng peste kong luha.
Goodness! Dos Valderama!
Hindi ko mapigilan alalahanin ang mga masasayang memories na kasama si Dos. Iilang beses lang kami nagkatampuhan at nag-away. Because we're so happy and contented. That time we can handle our time and situation. And ofcourse our relationship.
Yes, four years ago, I and Dos had a relationship. But I chose to break his heart.
Napaiyak ako lalo.
Lumambot ang ekspresyon ni Dos. Nagulat ako nang lumuhod siya sa aking harapan at sinubsob ang kanyang mukha sa aking tiyan. Maya-maya pa'y narinig ko siyang kumanta.
"Labis na naiinip. Nayayamot sa bawat saglit.----" namamaos ang kanyang boses.
"Kapag naaalala ka, wala naman akong magawa.
Bumalik ka na, Baby." pumiyok ang kanyang boses.Mas lalong bumagsak ang pinipigilan kong luha. Ang tagal kong hinintay ito. Ang tagal-tagal kong hinintay na magkasama kami, na kami lang dalawa. Walang kamera. Walang fans. At walang Vernice Chu.
"Hindi na ako sanay nang wala ka.
Mahirap ang mag-isa at sa gabi
Hinahanap-hanap kita."Narinig ko ang sunod-sunod niyang pagsinghot. T-teka, umiiyak ba siya?
Pinilit kong iangat ang kanyang mukha ngunit mas diniinan niya lang ito sa aking tiyan. Rinig na rinig ang pag-iyak naming dalawa sa buong unit.
Ang tagal-tagal ko dineny sa aking sarili na namimiss ko siya. Pero ngayong kasama ko siya na kami lang dalawa.
Miss na miss ko siya!
"Hanggang kailan ako maghihintay na magkasama ka
Sa buhay kong puno ng paghihirap
At tanging ikaw lang ang pumapawi sa mga luha
Naglalagay ng ngiti sa mga labi."Sunod-sunod ang kanyang pagbubuntong-hininga. Mukhang pinapakalma niya ang kanya sarili.
"It's been fvcking four years. Come back to me, Baby. Hindi ko na kaya. Ang sakit-sakit na! I'm sorry for what happened to, Tita Paulita...I'm sorry I wasn't there for lola Linda's death.. I'm sorry.. I wasn't there when you need me the most.. But p-please, baby..bumalik ka na sa akin, Shin. Please!" nanginginig niya sabi sa akin.
Napahagulgol pa ako sa pag-iyak.
YOU ARE READING
S#1 SOMEBODY TO LOVE[COMPLETED]
RomanceSOMEBODY SERIES#1 PRETZEL SHINHIARA COLANZA Being the eldest, Pretzel followed her own rules and learned what was right and wrong. Can LOVE replace and heal many hardships and judgement? Started Date: August 13, 2023 Finished Date: August 24, 2023