Habang nagsasalita si kuya Uno sa harap, magkakaakbay naman na nakahilera ang apat. Nagtatawanan sina Tres at Kuatro habang si Singko, nakangiti siya ngayon na bibihira niyang ipakita sa lahat. Huling dumako ang mata ko kay Dos na masama ang timpla ng mukha. Masaya siyang tinapik ni Tres sa balikat ngunit sinamaan niya nang tingin ang kanyang kapatid. Labis na kinataka ng mukha ni Tres.
Ano bang nangyari? Mula kaninang umaga ang sama-sama na nang timpla ng mukha niya. Hindi pa siya tapos kumain pero galit na umakyat sa kuwarto niya at hindi na lumabas pa.
Dinaig pa niya ang nakainom ng Suka ng Paombong sa itsura ng mukha niya!
"Thank you so much to all people behind this, to our family, friends and fans. This award is not just for the band. You are behind this success, which is why we are here in front of you. This award is for you too. Special mention to my wife, Paris and my son. And we will never tired of thanking you. The Synesthesia love you all, Guys!" pagtatapos na masayang sabi ni kuya Uno.
Nagkaroon saglit ng commercial break upang mag-ayos ng set up para sa special performance ng Synesthesia. Katunayan pa nga, wala naman nakalagay sa invitation na magtatanghal ang banda. Pero marami raw kasing nagre-request sa audience maging ang mga guest. At higit sa lahat, maging viewers sa Facebook at Youtube Live. Mabuti na lang at palagi ang handa ang lima kahit walang rehearsal.
Muling bumalik sa harapan ang dalawang hosts. Nakita ko pa ang pagbibilang ng Director para sa awarding ngayon gabi. Tanda na, patapos na ang komersyal kaya naman muling gumalaw ang dalawang camera man sa harap. Ang isang camera man ay nandito para sa footage ng audience.
"And we're back. Before we continue our program. Hello to the combined viewers on facebook and youtube viewers with 200k views. Terrible! And it looks like I know why our views are increasing. The fans of this band are really solid, right Sandy?" nakangiting sabi ng lalaking host.
"That's right, Gelo! Kaya huwag na natin patagalin ang kanilang pananabik. Let's call them again for their special performance. Let's give a loud and fancy applause. Ang Artista ng Taon Awardee..."
"The Synesthesia!" the two hosts said.
Muling lumakas ang palakpakan at meron din na humihiyaw na mula sa audience. Ganito na talaga kasikat ang banda maging ang mga artista at TV hosts, kilalang-kilala ang kanilang musika.
Nangunguna sa pag-akyat si Singko at umupo sabay kuha ng drum sticks. Sumunod ang magkaakbay na si kuya Uno at Tres na parehas na may hawak na gitara. Kasunod si Kuatro na balik na naman sa pagiging seryoso. Agad siyang nagtungo sa nakahandang piano para sa kanya. Hindi siya nag-aangat ng tingin at nakakunot ang noo na nakatingin sa mga piyesa ng piano.
Huling umakyat sa entablado si Dos na nakasuot na lamang ng white longsleeves na nakatanggal ang tatlong butones. Hindi na gaano masama ang timpla ng kanyang mukha.
"Babe ko 'yan! I love you so much, Dos!" tiling sabi ni Vernice. Akala naman nito na maririnig siya ng sinabihan niya.
Why does that sound like a bitter word?
Tinapat ng camera man sa makinis na mukha ni Vernice Chu. Mahinhin naman siyang kumaway at ngumiti.
Nag-iwas agad ako ng tingin. Baka mahagip ako ng kamera at mahuling nakatingin ako kay Vernice.
Bumalik ang atensyon ko sa entablado nang magsimula na mag-play si Kuatro na sinundan nang pagtugtog ng gitara ni Tres.
"Amor Omnia Vincit.."malamig na sambit ni Dos.
YOU ARE READING
S#1 SOMEBODY TO LOVE[COMPLETED]
RomanceSOMEBODY SERIES#1 PRETZEL SHINHIARA COLANZA Being the eldest, Pretzel followed her own rules and learned what was right and wrong. Can LOVE replace and heal many hardships and judgement? Started Date: August 13, 2023 Finished Date: August 24, 2023