"Yow! Earth to my bestfriend. Calling... calling, bhabes." ani ni Bridgette
Bridgette?
"Huh? Ba't nandito ka na? Nasaan si Eroy?" nalilito kong tanong kay Brid na umiinom ngayon ng chuckie.
Mariin niya akong tinitigan. Napaiwas ako ng tingin.
Kapag ganito ang kanyang tingin, alam kong binabasa niya ang aking pinapakitang emosyon.
"Isang minuto nang nagpaalam sa'yo si Roy, at isang minuto na rin ako na nasa loob ng store. Hindi mo na lang napansin dahil nakatulala ka diyan." she said while arranging the chocolate bars.
"Ganoon ba.." I said in a low voice.
Nag-angat siya ng tingin. I can see the concern in her eyes.
"Are you alright, bhabes? Nabanggit ni Eroy kanina ang nangyari sa Munisipyo." aniya sa sinseridad na boses.
"Okay lang ako, Brid. Sanay na.." nakangiti kong sabi.
Inis siyang sumandal sa counter. "Ayan ka naman sa okay lang ako! Sanay na! Kahit hindi ka naman talaga okay." panenermon niya.
"Ewan ko ba naman diyan kay lola Linda. Kung bakit ganyan niya kayo tratuhin. Okay fine, let say na may valid reason nga siya. Kaya galit na galit ang lola mo kay Tita." she frowned "Pero pagbalik-baliktarin man niya ang mundo, si Tita Paulita ay kanyang anak pa rin. At mga apo niya kayo."
Pinanood ko ang pagkuha niya ng isang chupachups na lollipop. At may pagkainis niyang nilagay iyon sa kanyang bibig.
Tumaas ang kanyang kilay.
"At oo, galit nga siya kay Tita pero dapat bang damay kayo ni Pringles sa away nila ng mama ninyo." she added.
Bumuntong hininga ako.
"Hindi ko na talaga alam, bhabes. Naiintindihan ko naman si lola, e. Pero ang nangyari kanina, hindi ko maintindihan. Kung bakit umabot sa ganoon ang galit niya para kay mama." madamdamin kong tugon sa kanya.
Pinalalampas at pinatatawad ko na lang si lola dahil nga ang aking alam-sa bahay lang niya pinagsasabihan at pinapagalitan si Mama.
Pero ang malaman na pinahiya niya si mama sa maraming tao. Hindi ko na alam kung aking makakaya pa.
Lagi ko lang kasi iniisip na malaki ang respeto ko sa kanya. Hindi dahil matanda na kundi lola ko siya.
"Tanggapin mo na kasi ang inaalok nila Daddy sa'yo. Tutulungan ko kayo na maglipat ng mga gamit ninyo. Makaalis lang kayo bahay na iyon. At nang matahimik na kayo pare-parehas." pangungumbinsi niya.
Dalawang buwan na ang nakalipas nang alukin ako ng magulang ni Brid ng bahay. May dalawang palapag na apartment kasi na pinagawa ang daddy niya sa Sto Ñino.
Ang mapagkakasunduan, libre ang pangungupahan namin doon. Basta kami ang magbabantay ng apartment nila at tagasingil na rin ng mga nangungupahan doon.
'Yong dati kasing tauhan nila sa apartment. Biglaan na lang umalis at tinangay ang dalawang buwan na nasingil nito sa upa.
Isang beses ko na itong nabanggit kay mama. Pero suntok sa buwan na mapapayag ko siya. Lagi sinasabi sa akin ni mama na hangga't kaya niyang buhayin kami ni Pringles. Hinding-hindi kami hihingi ng tulong sa iba. Masyado nang takot si mama na magkaroon ng utang na loob sa ibang tao.
S'yempre iba naman daw ang tulong na galing sa gobyerno. Isang obligasyon daw ito ng mga nakaupo na tulungan ang kanilang nasasakupan. Lalo na ang mga gaya namin na mas kinakailangan ang tulong nila.
YOU ARE READING
S#1 SOMEBODY TO LOVE[COMPLETED]
RomanceSOMEBODY SERIES#1 PRETZEL SHINHIARA COLANZA Being the eldest, Pretzel followed her own rules and learned what was right and wrong. Can LOVE replace and heal many hardships and judgement? Started Date: August 13, 2023 Finished Date: August 24, 2023