Life is unfair...
That's the truth!
Kahit madalas tayo na gumagawa nang paraan upang umangat sa buhay, sapilitan pa rin tayong hinihila pababa. Hindi ba maaari na kahit minsan lang maging patas naman ang mundo? Kahit minsan lang maging patas ito sa mga mas nangangailangan.
Mahina kong tinulak ang babasaging pinto ng convinient store. Wala sa sarili na naglakad sa loob. Naabutan ko si Eroy na nagbibilang ng pera.
Bale rito sa store nila Brid, tatlo kaming nagshi-shift sa trabaho. Ang nakatalaga sa day shift ay si kuya Jomar. Ang pasok niya'y mula alas dose nang madaling araw hanggang alas otso nang umaga. Papalitan siya nitong si Eroy sa noon shift. Mula alas otso nang umaga hanggang alas singko nang hapon. At ako naman, ang kapalitan ni Eroy pagdating ng night shift. Mula alas singko nang hapon hanggang alas dose nang madaling araw.
Wala naman madaling trabaho. Lahat pinagpapaguran at pinaghihirapan. Sa ganito na klaseng trabaho, isa sa kalaban namin ay ang puyat. Pero nasusulit naman ang aming pagod at hirap dahil mabait ang pamilya Castillo at palaging on time kung magpasuweldo. Hindi maramot ang magulang ni Bridgette basta sa usapin ng suweldo. Kung gusto namin na bumale, pinagbibigyan agad kami. Kaya naman agad na pumapasok ang biyaya sa pamilya Castillo. Binabalak na rin kasi ng Daddy ni Brid na magpatayo ng 7/11 sa Malolos.
"Andiyan ka na pala, Pretzel. Ang tahimik mo yata." nakakunot noong wika ni Eroy.
I sighed. Sumandig ako sa counter at humalukipkip. Habang pinapanood ang paroo't parito na mga tao sa labasan.
"Nga pala, galing ang kapatid ko sa inyo. Pinadala ni Lola ang bayad sa kinuha niyang bangus kaninang umaga. Kaya lang hindi naibigay ni Emong kay Tita Paulita. Heto, ikaw na lang ang magbigay sa mama mo." basag ni Eroy sa gitna ng pagiging tahimik ko.
" Salamat, Roy.." mahina kong untag nang makuha ko ang pera.
"Hindi ako tsismosong tao, alam ninyo iyan ni kuya Jomar, Pret. Pero hindi ka na iba sa amin, pamilya na tayo rito. Puwede kang magsabi sa amin ng mga problema mo." aniya pa.
Napalunok ako at kumurap-kurap. Naramdaman kong uminit ang sulok ng aking mga mata.
"Narinig at nakita ba ni Emong?" medyo pumiyok ang aking boses sa tanong kong iyon.
Dahan-dahan niya akong tinanguan. "Pero kahit hindi sinabi ng kapatid ko ang narinig niya sa inyo. Matagal na namin alam ni kuya Jomar ang tungkol sa pagtrato sa inyo ni Kapitana." Pinanood ko ang pagbalik niya ng pera sa kaha. "Halos buong San Isidro 1, may alam sa nangyayari sa bahay ninyo. Ang nakakainis lang dito sa barangay natin, mas kampi pa sa lola mo. Hindi muna nila inaalam ang totoong kuwento. Panay paninira sa kapwa nila!" inis na dagdag niyang sabi.
Matamlay kong nginitian si Eroy. "Salamat sa concern ninyo sa akin, Roy. Pero okay pa naman kami sa bahay. I mean, kahit malamig naman ang pagtrato sa amin ni Lola. Atleast, hindi niya naiisip na palayasin kami sa kanyang pamamahay." biro ko pa. Kahit sa loob-loob ko, nasasaktan na ako.
"Ang babaw lang kasi ng rason ni Kapitana. Dahil lang sa gustong sumali kayo sa 4ps, ipapahiya niya ang mama mo. Napakaraming tao sa Munisipyo kanina, Pret.."
I looked at him in shock while he was wiping the ice cream machine. Tumingin siya sa akin.
"Sa reaksyon mong iyan mukhang wala kang alam. Hindi sinabi sa iyo ng mama mo? Galit na sumugod ang lola mo sa Munisipyo at hinatak papaalis sa pila si Tita Paulita.." untag pa ni Eroy. Mukhang tinatansya niya ang magiging reaksyon ko.
Ngayon lang ba ito nangyari? O nangyayari na ito nang hindi ko nalalaman.
Pinahiya ni lola si mama sa maraming tao?
YOU ARE READING
S#1 SOMEBODY TO LOVE[COMPLETED]
RomanceSOMEBODY SERIES#1 PRETZEL SHINHIARA COLANZA Being the eldest, Pretzel followed her own rules and learned what was right and wrong. Can LOVE replace and heal many hardships and judgement? Started Date: August 13, 2023 Finished Date: August 24, 2023