KABANATA 22

76 5 1
                                    

Nagmulat ako ng mata at bumungad sa akin ang puting kisame at abong pader. Agaw pansin ang malaking frame na nag-iisang nakapaskil sa kuwarto. Na sobrang pamilyar sa akin. Dahil iyon ang frame na ireregalo ko sana sa kanya noon sa ikalawang taon ng anibersaryo ng  aming relasyon . Itinabi at pinaayos pala niya.

Saka ko naalala na hindi ako pinauwi ni Dos kagabi at dito na kami natulog sa condo niya.
Rinig ko ang mahihinang paghilik ni Dos dahil malapit ang kanyang mukha sa aking batok.
Nakayakap naman nang mahigpit ang kanyang braso sa aking baywang. Halos ayaw niya akong pakawalan baka akala niya'y tatakas ako.

I giggled silently.

Pinagbigay alam ko na kay Mama na hindi ako makakauwi kagabi dahil sa biglaang photoshoot ng banda. I know I lied to my Mother pero sasabihin ko rin sa kanila ni Pringles. Hahanap lang ako ng magandang timing. Ayaw ko lang biglain si Mama na agad akong nagka-boyfriend na hindi niya nalalaman. At hindi lang basta-basta na isang ordinaryo ang aking kasintahan. Pinakasikat pang bokalista sa buong bansa.

Maingat akong pumaling paharap kay Dos upang hindi ko maistorbo ang mahimbing niyang pagtulog.

Noon pa man, I have always asked myself what I did I do to have a Dos Valderama in my life? Bakit may dumating ang isang Dos Valderama sa buhay ng isang simpleng si Pretzel Shin Colanza. Matagal ko nang alam na lupa lang ako at langit siya. Malayo ang agwat ng estado ng pamumuhay naming dalawa. Ni hindi na nga niya kailangan magtrabaho at maaaring tumambay na lamang siya sa buong maghapon sa kanilang mala palasyong bahay.

Hindi gaya kong kailangan kong magdoble kayod para kila mama at Pringles. Dahil wala naman silang aasahan kundi ako lang. Hindi naman ako makahingi ng tulong sa dalawang kapatid ni Mama dahil kapos din sila sa pera. At ang mga kamag-anak naman sa side ni Mama nasa malalayong lugar naman.

Ngunit simula noong inatake si Mama. Pinatigil ko na siya dahil iyon ang mahigpit na bilin ng doctor sa akin. Bawal na kay Mama, ang mga bibigat na mga gawain. At pabor na pabor naman sa akin iyon ang hindi niya pagtatrabaho. Kahit na nahihirapan din ako kung minsan pero kapag umuuwi ako sa bahay na okay si mama at ang masasayang ngiti niya. At ang lambing ni Pring sa akin. Napapanatag na ako. Natatanggal na agad ang pagod ko. Nakakaya ko ang lahat ng hirap basta okay sila parati.

Tinalunton ko gamit ang aking daliri mula noo, pisngi, ilong hanggang sa mapupulang labi ni Dos. Dinaanan ko rin maging ang nag-iisang tattoo niya sa tapat ng kanyang puso, na ang nakatinta' y Semper Fidelis.

Bakit kaya sobrang guwapo ng lalaking ito? Kaya minsan gusto kong siyang ipagdamot eh. I smiled.

Kumunot ang noo ni Dos at dahan-dahang nagmulat ng mata. Hinuli niya ang aking kamay at hinalikan.

"Morning my pretty baby. Why did you wake up early? Matulog ka pa" namamalat pa niyang sabi sa akin.

Isang beses niya akong hinalikan sa aking noo. At pumikit muli, mukhang matutulog pa siya.

"Maaga ka pa diyan. Alas nuebe na po nang umaga." sabay tingin ko sa orasan nasa tabi ng lamp shade.

Nagmulat muli siya ng mata at ngumisi. Mas hinapit niya ako sa kanyang katawan. Uminit ang pisngi ko dahil ramdam ko ang aking dibdib na dumiin sa hubad niyang dibdib. Mabuti na lang, naka-boxer na siya.
Sumagi sa aking aalala ang nangyari kagabi, mas naramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi. But I had no regrets that I gave myself to this man.

S#1 SOMEBODY TO LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now