Nagising ako sa maingay na tunog. Tamad akong bumangon at dinampot ang kanina pang nagri-ring kong phone.
Bakit tumatawag nang ganito kaaga si Mr. Tan?
"Finally! Goodmorning, Pret. Naabala ko yata ang pagtulog mo." bungad niya.
"Hindi po, kakagising ko lang nang tumawag ka, Manager." sagot ko na lang
Tumikhim siya. "Mang Jorge was driving right now on the way to your house."
"Po? Day off ko po ngayon." naguguluhan kong pagtatanong sa kanya.
"I know, I know. But I had a favor to you." maarte niyang sabi. "Susunduin ka diyan at ihahatid ka niya sa bahay ng Valderama." pagpapatuloy niyang saad.
Nanlaki ang aking mata. Anong gagawin ko sa Forbes Park? This is the first time kasi na makakapunta ako roon. Palagi lang kasi sa bahay ni Mr. Tan o hindi kaya'y sa studio ang lokasyon.
Isa rin kasi sa pinagbabawal ang pagpunta sa roon. Isa iyon sa privacy ng lima. Bawal ang media o mga fans doon. Kaya nakakagulat lang na pinapapunta ako roon. Alam ba ito ng magkakapatid?
"Are you still there, Pret? Nakatulog ka na yata diyan." natatawa niyang sabi.
Napaubo ako. "But Why, Manager? I mean, alam ba ito ng lima? Baka magulat sila 'pag nakita nila ako roon!"
Mas lalo siyang natawa. "Chill, Sissy. Tres knew. Katunayan, inaasahan ka niya ngayong umaga sa bahay nila. So paano, dress up ka na. Mamaya lang nandiyan na si Mang Jorge. Ingat!" saka niya binaba ang tawag.
Napabuntong hininga na lang ako. Anong kinalaman ni Tres dito? Naguguluhan ako.
Pupungas-pungas akong lumabas ng aking kuwarto. Nabungaran ko si Pringles, trese anyos na siya ngayon. Nakaupo siya sa single sofa at tutok na tutok sa panonood ng NBA.
Tumikhim ako.
Napalingon siya sa akin at lumiwanag ang mukha. "Good morning, ate! Bakit gising ka na po? Di ba day off mo po ngayon."
Mahimbing na kasi siya ang tulog niya nang makauwi ako. Lumapit siya sa akin at humalik sa aking pisngi.Napangiti ako.
Napakalambing talaga ng kapatid kong 'to. I watched him intently habang bumabalik sa panonood. Nagbibinata na siya. Konti na lang, matataasan na niya ako. Magkahawig kami pero magkaiba ang hugis ng mata naming dalawa. Singkit ang mga mata ni Pring at may pagka-pinkish ang kanyang labi. Sa kutis ng balat lang talaga kami naging parehas.
Nilibot ko ang aking tingin sa buong bahay.
"Nasa'n si mama, Pring? tanong ko sa kanya.
"Nasa labas po sila ni ate Ginger. Nage-exercise po yata sila." sagot niya. Nakatutok pa rin sa pinapanood.
Ang tinutukoy niya si Gingehara ang nagbabantay kay mama, kapag wala ako sa bahay at nasa school naman si Pring. Dise syete anyos na siya at pangarap daw niyang maging pulis.
"Kumain ka na ba?"
"Opo, Ate!"
Dumiretso ako sa kusina upang mag-toothbrush at magtimpla na rin ng kape. Pagkatapos, pinuntahan ko sila mama sa labasan.
Marami nang nagbago sa bayan namin sa pagkalipas nang limang taon. Kung dati, walang sariling bangko dito sa amin. Noong nakaraang taon lang, nagbukas ang land bank sa pangunguna ng aming alkalde.
Meron na ring LBC Padala na katapat ng Pamilihan ng Paombong. May malaking puwesto pa rin kami sa loob ng palengke pero hindi na si mama ang tindera. Kundi may dalawang tao na kami na nagbabantay roon.
YOU ARE READING
S#1 SOMEBODY TO LOVE[COMPLETED]
RomanceSOMEBODY SERIES#1 PRETZEL SHINHIARA COLANZA Being the eldest, Pretzel followed her own rules and learned what was right and wrong. Can LOVE replace and heal many hardships and judgement? Started Date: August 13, 2023 Finished Date: August 24, 2023