Agad naman umalis si Mang Jorge pagkahatid niya sa akin sa bahay. Bago siya umalis, humingi pa siya ng paumanhin dahil hindi niya ako natulungan. Pero mas okay nga na hindi dahil baka mapano pa siya, malalaking tao ang mga alagad ni Mrs. Chu. Medyo may katandaan pa naman na si Mang Jorge.
Atleast, walang nangyari sa amin lahat at may katiting naman pala na kabutihan ang matandang iyon.
Agad naman na naghiwa-hiwalay ang mga pinadalang tauhan ni Dos sa bahay. Pinalibutan talaga nila ang buong bahay namin. Ang dami tuloy mga usisero at usisera na tumitingin sa amin.
Kumunot ang aking noo nang may napansin ako na may mga pulis din na nagbabantay sa bahay namin. At napansin ko rin ang isang kotseng puti na nakaparada sa tabi ng aming bahay.
May bisita ba kami?
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nagtagpo ang tingin namin, nang hindi ko inaasahan tao na nandito sa bahay namin. Agad siyang napatayo sa pagkakaupo niya sa sala.
Agad sumiklab ang namumuong galit sa puso ko.
"Ma! Ma! Pringles!" I shouted.
"Don't worry, hindi ko kukuhanin si Pringles. Mananatili siya dito. Dahil sa inyo siya." He assuredly said.
Binigyan ko siyang nang isang matalim na tingin.
"Ano ho ang ginagawa ninyo rito? Papalayuin ninyo rin po ba ako gaya ng nanay ninyo kay Dos? Dahil mahal siya ng anak ninyo?"
Hindi ko maitago ang lungkot na namumuo sa aking puso. Ang tagal-tagal na ng panahon nang makita ko siya. Hindi ko na matandaan. Kaya siguro agad siya nakilala dahil nakikita ko na ang itsura ni Pring, kapag tumanda na siya. Iisa lang ang hulma ng buong mukha nilang dalawa, e. At lalo na ang mga mata.
Hindi rin naman kasi ako nakakapanood ng TV. Kaya hindi ko rin alam ang pagbabago ng itsura niya. At saka iniiwasan ko rin kasi na makita o makasagap ako ng balita na may kaugnayan sa kanya. Kaya nga noon, wala rin akong hilig sa kahit saang social media dahil sa kanya. Kung hindi lang dahil kay Dos at doon ako makakakuha ng balita sa kanya. Hinding-hindi ako gagawa ng kahit anong account.
I pretend that it doesn't bother at all. But the truth is -it's tearing me apart.
Nasasaktan pa rin ako dahil ang unang lalaki na minahal ko. Iniwan ako.
Ang sakit-sakit sa akin dahil wala siya noong mga panahon na nahihirapan si mama na buhayin kami ni Pring.
Mga panahon na nagtatanong sa amin si Pringles kung bakit kaming tatlong lang. Kung bakit wala siya.
At kahit anong pilit ko na hindi maging apektado. Sa tuwing nakikita ko si Vernice, sumamagi sa aking alaala.
Naiisip niya rin ba na may isa pa siyang anak na babae?
Naiisip rin kaya niya na hindi lang isa ang kanyang anak?
Nakaramdam man lang ba siya nang konsensya sa pag-iwan sa amin?
Ni minsan ba sumagi sa isip niya na kumustahin kami? Kung kumakain pa ba kami nang tatlong beses sa isang araw.
Dahil sobrang sakit na habang lumalaki ako, may mga pagkakataon na hinihintay ko pa rin ang pagbabalik niya-gaya ng kanyang pinangako sa akin.
Pero ang pinakamasakit sa lahat, wala siya nang panahon na inalipusta kami ng kanyang ina lalo na si mama. Wala siya noong panahon na tinakot ako upang hiwalayan ko si Dos. Kahit sana sa oras lang na iyon nandoon siya upang ipagtanggol ako. Sana.. Sana hindi kami naghiwalay ni Dos. Sana hindi ko siya nasaktan.
Tanggap ko naman na hindi kami ang orihinal na pamilya nguni't dugo't at laman niya ang nananalaytay sa amin ni Pringles.
Hindi siya nakaimik pero malungkot lang na umiling sa akin.
YOU ARE READING
S#1 SOMEBODY TO LOVE[COMPLETED]
RomanceSOMEBODY SERIES#1 PRETZEL SHINHIARA COLANZA Being the eldest, Pretzel followed her own rules and learned what was right and wrong. Can LOVE replace and heal many hardships and judgement? Started Date: August 13, 2023 Finished Date: August 24, 2023