KABANATA 2

93 8 5
                                    

Unti-unti kong dinilat ang aking mata at tamad na bumangon. Sinuklay gamit ang aking kamay ang magulo kong buhok. Humihikab akong tumingin sa alarm clock na nasa side table. Narinig ko ang pagtilaok ng mga manok ng aming kapitbahay. Alas singko pa lang nang umaga. Madalas 'di ko na kailangan ng alarm clock dahil mas una pa akong nagiging kaysa sa pag-alarm nito. Mas lalong higit, nauuna rin ako sa pagtilaok ng mga manok.

Matamlay akong napangiti habang inaayos ang aking higaan. Pagkatapos kinuha ko ang naka-hanger kong tuwalya na nakasabit sa aparador.

I rubbed my eyes as I closed the door.

"Ma?" I called.

Tumungo ako sa aming kusina. Binuklat ko ang nakatakip sa mesa. May itlog at hotdog na prito.

Tahimik na ang bahay mukhang nasa palengke na si Mama. Pero nasaan kaya si Pringles?

Dumukot ako ng isang hotdog at naglakad sa kuwarto nila Mama. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, maayos na ang kanilang higaan. Wala na rin ang school bag ng aking kapatid.

Ang aga naman pumasok ng batang iyon?

May nakakabata akong kapatid na lalaki, si Pringles Austin. Walong taong gulang na siya ngayon. Nasa ikalawang taon na siya sa elementarya.

I sighed before I closed the door. Mukhang maaga ngang pinapasok na ni Mama ngayon si Pringles. Wala kasing mag-aasikaso sa kanya dahil 7:30 am ang unang klase ko. Si Mama naman baka alas tres pa lang nang umaga ay gising na siya.

Nagtitinda ng bangus at tilapya si Mama sa Pamilihan ng Paombong, dito sa aming bayan. Kay Ninong Dante ang palaisdaan na pinapandaw pa nila ni Mama sa Gusi. Mabuti na lang at may mabait akong Ninong na pumayag sa kasundaan. I mean, si Mama ang magtitinda ng mga isda at hati sila ni Ninong sa mapagbebentahan.

Minsan, matumal ang benta pero madalas naman na hindi.

Katunayan malapit lang ang palengke sa aming tinitirahan kaya naman 'di masyadong mapapagod si Mama. Maaari lang namin lakarin ang San Isidro 1 kung saan naroroon ang pamilihan.

Hindi rin masyado akong magagahol sa pag-aayos ng aking sarili dahil konti lang ang aking lalakarin, sa sakayan ng jeep.

Pinadlock ko ang pinto at nilagay sa ilalim ng paso ang susi ng bahay.

Hindi sa amin ang tinitirahan namin nila mama sa kanyang magulang ang bahay na ito. Si lola Linda na kapitana sa aming barangay. Kakapanalo lang niya noong nakaraang taon. At noong taon rin iyon na namatay ang kabiyak niya na si lolo Eduardo.

To make a story short, hindi kami okay sa magulang ni mama hanggang sa huling hininga ni lolo. Masama ang loob niya sa amin lalo na kay mama.

Hindi naman sa totally na masama ang pagtrato sa amin. Malamig lang. Siguro mabibilang ko lang sa aking daliri ang may pagkakataon na nakakausap ko sila. Lalo na kapag nauutusan nila ako na mamalengke. Pero nasanay na lang dahil simula't sapol na nagkamuwang ako sa mundong ito. Ganito na ang nakagisnan ko.

Pero madalas akong nasasaktan para kay mama dahil hindi ko kailanman na nakitang kinibo siya ng kanyang magulang. I thought sa pagkawala ni lolo, magkakaroon nang kokonting pagbabago sa bahay. Mas lalo lang lumala dahil mistulang hangin kami para kay lola.

S#1 SOMEBODY TO LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now