KABANATA 4

87 9 1
                                    

"So, it's true nga ang balita na nag-shift ng course si Dos..." one of my girl TA classmates asked na nasa aking likod.

Rinig ko ang tinis na nanggaling sa sahig dahil sa paghila ng bakal na upuan.

"Ang pogi niya, girl! Sino siya? Kilala ninyo ba siya? Magiging kaklase ba natin siya?" kinikilig na sabi nang gumawa ng ingay sa sahig.

"His name is Dos Valderama. And nope, girl engineering student siya." sagot ng aking katabi. Kung hindi ako nagkakamali. Milca ang kanyang ngalan.

Rinig ko ang pagkadismaya nilang tatlo para sa lalaki na kanilang pinag-uusapan.

"If he is engineering student. Why he was here in our first class?" tanong ng unang nagsalita kanina.

That's I want to know, too!

Tumahimik ang lahat nang pumasok ang Prof namin sa Mass Communication. Her brown curly hair that reached under her shoulder. She is so beautiful and suits her naturally curly hair. And she has a fair skin. Parehas naman kaming maputi pero mas pinkish ang kanyang pisngi. While me, madalas akong namumutla lalo na kapag kulang na kulang ako sa tulog.

Base sa nakalagay sa Certificate of Registration ang ngalan niya'y Miss Paris Sharina Carangan.

"Good morning, Class!" she said and smiled. "I am sorry kung 'di ko kayo na-meet noong first day of class. Anyway, just call me Miss Sharina,"

"Good morning po, Ma'm!" sabay-sabay bati ng aking mga kaklase except sa akin.

Bahagyang tumango si Miss Sharina at nilibot ang tingin sa buong silid. Kita ko ang mga kaklase ko na panay ang pagtitig sa propesora na nagsasalita sa harapan. Kita ko pa ang paglunok ng laway ng isa kong kaklase. Tila yata'y nabighani sa kakaibang ganda ang aming propesora.

"Is he already here? I mean, Dosrandrei Martin Valderama. Can you stand up for a moment?"

Umingay ang upuang bakal, tanda na tumayo ang tinutukoy ni Miss Sharina. Napansin ko ang lahat ng mga kaklase ko na nanonood sa kanyang galaw. Samantalang ako, mata ko lang ang gumagalaw. Pero katapat lang siya ng row na inuupuan ko. Kaya kahit hindi ako tumingin, makikita ko pa rin ang ginagawa niya.

Tamad at suplado siyang tumayo.

"There is no need to mention my full name, Miss. Just Dos Valderama..." malamig ang kanyang boses ng sambitin iyon.

Panigurado na malamig at buryo din siyang tumingin sa lahat.

Miss Sharina smiled. "Makakasama ninyo si Dos sa buong semestre."

Sino nga ba ang lalaking ito?

Yeah, siya lang naman ang isa sa pamangkin ng kasalukuyan na nakaupong Presidente ng BulSu. Sikat na sikat siya sa buong Unibersidad, bilang bokalista ng binuo nilang limang magkakapatid. Ang tawag sa kanilang banda ay Synesthesia.

Hindi ko naman na ipagkakaila na guwapo nga talaga si Dos, saka sanay naman na maka-appreciate ang aking mata ng magandang tanawin

Dos always looked neat. Iyan agad ang una kong napapansin sa kanya. Since the first time I saw him kahit yata uminit ang panahon, hindi mahahalata sa kanya na pinagpapawisan. I mean, fresh pa rin at halatang mabango.

S#1 SOMEBODY TO LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now