Kulay dilaw na ang humahalo sa kalangitan nang tumawid ako sakayan ng jeep. Tanda na magpapakita na si Haring Araw. Hindi akong magsasawang pagmasdan ang paglitaw nito sa umaga—maging ang paglubog niya sa hapon. Ang ganito klaseng imahe ang nagpapaalala sa akin na kahit ilang beses man akong mabigo—o madapa sa hamon ng buhay. Ako'y babangon muli para sa panibagong pag-asa na pinagkaloob sa akin.
Madami nang tao ang kaliwa't kanan na nagsisipaglakad. May ibang papauwi na galing sa Pamilihan. Ang iba nama'y papunta pa lang. May iilan nage-ehersisyo sa umaga. May mga estudyante rin ako na nakasabayan sa pagtawid. Ang iilan naman ay mga empleyado sa Munisipyo.
Katabi lang nito ang Pamahalaan ng Munisipyo nasa kaliwa nito ang malaking parokya sa Paombong. Ang St. Santiago Apostol Parish.
Araw ng Lunes. Ika-15 ng Hunyo 2015. Pangalawang Linggo na ngayon simula nang nagsimula ang pasukan sa Bulacan State University. Kung saan ako nag-aaral ng kolehiyo.
Linapitan ko ang barker na nagtatawag ng mga pasahero. Kilala ko siya dahil malapit lang ang bahay nila sa amin.
"kuya Jhong, saan po ang ruta ng Jeep? Sa Catmon Road po ba?" I asked.
"Oo, Pretzel. Doon ang daan ng jeep. Sa harapan ka na sumakay." aniya.
I nodded. "Salamat po, kuya Jhong.."
Ngumiti siya sa akin.
Agad na akong sumakay sa tabi ni manong driver na umiinom ngayon ng kape na binibili sa machine, kung saan maghuhulog lang ng limang piso. Minsan nasubukan na namin ni Pring ang tsokolate at masarap naman.
Dumukot ako ng otso pesos sa bulsa ng aking bag. At inabot kay manong na kakatapos lang na ubusin ang kanyang kape.
Tumingin ako sa maliit na salamin sa gilid para ayusin ang malapit nang matuyo kong buhok. Hanggang balikat lang ito na tuwid na napag-tripan kong kulayan ng bleach. Kahapon ko lang din kinulayan ito kaya medyo nalalanghap ko pa, ang gamot ng shampoo na aking nilagay.
Medyo nagdalawang isip pa ako na gawin dahil DIY lang nga ito. Baka kako 'di maganda ang kalabasan baka mas lamang pa rin ang itim kaysa sa bleach. Malalaman ko ito kapag nasikatan ng araw mamaya..
Nilagay ko sa aking kandungan ang itim kong shoulder bag. At inayos ang medyo nalukot kong uniporme. Kakabili lang namin ni Mama kahapon sa Bayan ng Malolos. Gusto pa nga niya na gawing tatlong pares para 'di na ako magsalitan sa pagsusuot at maglaba na rin.
Ngunit agad akong humindi sa kanya. Okay na akin ang dalawang pares. Agad ko na lang lalabhan sa gabi. Saka every Wednesday naman ay Wash Day sa BulSu.
Narinig ko si kuya Jhong nang isigaw niya na isa na lang at lalarga na ang dyip. Kaya naman nang marinig ko na may sumakay na, umayos na ako sa pagkakaupo.
Kapag 'di napapansin ni manong ang mga nagbabayad. Ako na mismo ang kumukuha no'n at nag-aabot sa kanya.
Binuksan ni manong ang kanyang radyo at nasaktuhan pa na kumakanta si Kim Chui sa kanyang sikat na kantang Mr. Right.
Napatingala ako nang makita ang boundary sa pagitan ng Paombong at Malolos. Nakatore sa itaas ang "Maligayang Pagdating sa Malolos". At kapag papabalik naman, mababasa ang nakatore sa taas na "Maligayang Pagdating sa Paombong"
YOU ARE READING
S#1 SOMEBODY TO LOVE[COMPLETED]
RomanceSOMEBODY SERIES#1 PRETZEL SHINHIARA COLANZA Being the eldest, Pretzel followed her own rules and learned what was right and wrong. Can LOVE replace and heal many hardships and judgement? Started Date: August 13, 2023 Finished Date: August 24, 2023