Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ang malakas na pag-iyak mula kay lola.
"Anong kapalit ng pagtulong niya? Hindi ako naniniwala na walang kapalit dahil sukdulan ang sama ng ugali ng chinese na hilaw na iyon!" may gigil na tanong ni lola sa pagitan ng kanyang pag-iyak.
Hindi agad na nakasagot si mama dahil kinakapos nang hininga dahil sa pag-iyak.
"Kailangan kong ibigay si Austin sa kanila kapag dise otso anyos na. Pag-aaralin at bibigyan daw nila ng magandang kinabukasan ang aking anak. Na hindi ko kailanman na maibibigay sa kanya." basag na boses nang sambitin niya iyon.
"Hindi sa pumapayag ako na kuhanin nila ang aking apo. Paano si Shinhiara? Apo din niya iyon."
Umiling na umiiyak lang si mama. "Awang-awa na po ako para sa panganay ko, 'nay. Hindi niya deserve ang lahat ng hirap na kanyang nararanasan ngayon. Ang aking Shinhiara na hindi kailanman pinili ang kanyang sarili para sa mga taong mahal niya. Kaya..." Pagsilip ko sa kanila ang nakita ko madiin na paghawak ni mama sa kanyang dibdib. Kaya napatayo agad ako.
"K-Kahit h-hindi ko k-kaya na ipaako ang aking responsibilidad bilang i-ina..."
Hindi na natapos ang gustong sabihin ni mama dahil muntik na siyang mabuwal habang hawak ang kanyang dibdib. Mabuti na lang at naging mabilis si lola at nasalo ang aking ina.
Nabato ako sa aking kinatatayuan at nabingi. Ramdam ko ang mabagal at biglang bilis ng pagtibok ng aking puso.
Habang pinapanood na hirap na hirap sa paghinga na si mama. Na unti-unting nawawalan ng malay. Ang malakas na pag-iyak ni Pringles habang yakap-yakap ang aming ina. Ang mabagal na paulit-ulit na pagtapik ni lola sa pisngi ni mama na tuluyan nang nawalan ng malay.
Galit akong binalingan ng tingin ni lola.
"Ano pang tinatayo mo diyan, Shinhiara?! Tumawag ka ng tulong! Magmadali ka!"
Sa sigaw lang ni lola ako'y natauhan. At mabilis na tumakbo papalabas ng aming bahay upang humingi ng tulong.
Iniwan ko saglit si Pringles para magbantay kay mama. Sa Secred Heart Hospital namin sinugod si mama. Tinawagan ko naman si Brid para may makakasama ang aking kapatid. Kanina ko pa kasi hindi nakikita si lola. Matapos na ipasok sa emergency si mama bigla na lang siyang nawala sa paningin ko. Wala rin naman kasi ako sa sarili habang mahigpit kong yakap si Pringles na patuloy sa pag-iyak. Parehas kaming nakatingin sa ER na umaasa sa magandang balita na maging maayos ang kalagayan ng aming ina.
Umuwi ako sa bahay upang kumuha ng kinakailangan na mga gamit ni mama. Kumunot ang aking noo dahil sa sobrang dilim ng buong bahay.
Hindi ba umuwi si lola? Kung ganoon nasa'n siya?
Hindi pa ako tuluyan na nakakalapit sa kanyang kuwarto, rinig na rinig ko ang malakas na hagulgol at hikbi ni lola.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nang aking mabuksan ito. Mula sa aking kinatatayuan ang aking lola linda na nakaupo sa kanyang kama. Mahigpit niyang yakap ang malaking picture frame na may litrato ni lolo. Paulit-ulit niyang hinahagkan iyon habang umiiyak.
"Isarado mo ang pinto." ani ni lola
Kumurap ako at tumango. "Sige po lola, umuwi lang po ako para kumuha ng mga kinakailangan ni mama."
I was about to out nang tawagin niya ako.
"Isarado mo ang pinto at tumabi ka sa akin."utos niya.
Nagulat ako at medyo nakaramdam ng takot. Pagsasabihan din ba niya ako gaya ng mga sinabi ni Mrs. Chu sa akin?
Umiling agad ako.
YOU ARE READING
S#1 SOMEBODY TO LOVE[COMPLETED]
RomanceSOMEBODY SERIES#1 PRETZEL SHINHIARA COLANZA Being the eldest, Pretzel followed her own rules and learned what was right and wrong. Can LOVE replace and heal many hardships and judgement? Started Date: August 13, 2023 Finished Date: August 24, 2023