That night, October 26, 2015. Saksi ang nagkikinangan na mga bituin sa kalangitan at tanging mga maiingay na kuliglig ang nakakarinig. Hinding-hindi ko makakalimutan kung gaano kasaya ang mukha ni Dos nang araw na iyon.
Ang supladong sikat na lead vocalist ng Synesthesia ay pinaiyak ng gaya ko na isang ordinaryo babae lamang. Dahil sinagot ko na siya at kami na.
Doon ko lang mas napagtanto na may lalaki pa rin na mapagpapaalala sa akin na hindi totoong hindi ako kapili-pili. At kamahal-mahal. At siya iyon. Si Dos iyon. At gusto ko na siya lang ang magpaparamdam ng lahat nang iyon sa akin. Ayoko nang iba.
Nagulo lang ang tahimik na relasyon namin ni Dos when Vernice Chu came out in the picture.
Masyadong siyang bulgar at over confident to confessed her true feelings for Dos.She was broadcasting student from UST. Pero gayumpaman, hindi lang sa BSU sikat na sikat ang bandang Synthesia at mas lalo si Dos. Maging sa iba't ibang Universities. Hindi naman na kataka-taka iyon dahil nalilibot na ng Synesthesia ang buong Pilipinas upang tumugtog. At nakakasama na nga sila sa malalaking music events sa Metro Manila.
Pero madalang akong nakakasama sa mga gig ng banda dahil nga sa may trabaho pa ako noon. But Dos always understood our situation way back then. Minsan kapag sa Manila lang sila tumutugtog after their gigs. He has always patiently waiting me to end my shift hours. Tatambay saglit habang umiinom ng mainit na kape saka niya lang ako ihahatid sa bahay.
Small things. Small efforts. But it's means a lot to me. I really appreciate his quality time to be with me. Because I have Dos that is always there with me. And that's good enough for me.
And those are the reasons why I love him so much.
Sometimes, I knew 'di ko nagagampaman ang pagiging girlfriend ko sa kanya. And yes, I decided to kept our relationship privately kahit alam ko naman na deep inside hindi pabor kay Dos. Pero inintindi niya pa rin ako. Lagi.
No one knows that I'm the proud girlfriend of the famous lead vocalist of Synesthesia. Kahit kay Bridgette hindi ko nagawang ikuwento sa kanya. Dahil may times din hindi kami nakakapag-usap na dalawa. Parehas kami na busy sa mga ganap sa aming buhay.
Maybe kuya Uno and ate Sharina know something. But they let us to have our privacy.
Dahil nga walang nakakaalam na boyfriend ko si Dos may kumalat na isyu, na may girlfriend siya but it wasn't me.
It was the famous broadcasting student from University of Santos Thomas. It's Vernice Chu.
Apelido pa lang niya, isa na iyon sa dahilan upang mabahala ako para sa aming relasyon ni Dos.
Palaging may nakakakita kay Vernice sa mga gig nila Dos. Kahit sa anong bar or resto bar iyan. Lagi siyang always present. Palagi rin siyang may stolen shots ni Dos sa kanyang Instagram Account.
Ano bang laban ko sa isang Vernice Chu? Bukod sa famous din siya sa aming University palagi pa siyang nananalo sa mgs kilalang patimpalak ng beauty pageant. She is known to be only daughter of the owner and President of Multimedia Network. Alejandro Chen Chu.
And the only known half chinese grand daughter of the owner of big hotels in Parañaque and other places in the Philippines. Ameranda Chu.
Pero gayunpaman, sa kabila ng takot na unti-unting sumisiklab sa aking puso. Dahil sa angkan ng pamilya ni Vernice, kahit ayoko nang balikan ang isa pinakamasakit na alaala sa nakaraan.
Buo ang tiwala ko kay Dos. At walang makakasira no'n kahit sino pa.
Inakala ko kasi na simpleng infatuated lang ang nararamdaman niya para kay Dos gaya ng ibang babae. Kapag nakakita ng guwapo, may crush na agad. Lalo na sa tuwing hawak na ni Dos ang mikropono at inaangkin ang buong entablado. Kaya naman sa mga buwan na iyon, nagpakampante ako.
YOU ARE READING
S#1 SOMEBODY TO LOVE[COMPLETED]
RomanceSOMEBODY SERIES#1 PRETZEL SHINHIARA COLANZA Being the eldest, Pretzel followed her own rules and learned what was right and wrong. Can LOVE replace and heal many hardships and judgement? Started Date: August 13, 2023 Finished Date: August 24, 2023