KABANATA 9

59 4 4
                                    

Inis ako akong napalingon kay Dos na panay sunod sa akin. Naglalakad na kami papalabas ng BSU pero napagdesisyunan ko na sa Gate 3 na lang na dumaan. Dahil hetong supladong Valderama'ng ito, ilang beses ko nang tinanggihan na huwag akong ihatid sa terminal ng jeep. Nguni't heto ang lalaking ito napaka kulit talaga. Hindi kami maaaring dumaan sa Gate 1 dahil labasan ng mga estudyante ngayon. Takaw atensyon ang lokong ito lalo na't maraming nakakakilala sa kanya.

Alas sais ipunto pa lang kasi nakatapos na kami sa ginawa namin report. Hindi pala namin. Si Dos lang ang gumawa ng report at maging ng power point presentation. Hindi ko alam kung paano niya naisip na gawin iyon sa loob lamang nang maikling oras. At iyong mga papel pala na binigay niya kila Lyndon ay mga keywords at explanation para sa report.

After namin matapos saka lang binigay ni Dos ang papel sa akin. Ako ang magsasalita para sa introduction ng reporting namin. Wala naman problema sa akin iyon dahil mas gusto ko nga na mauna na akong magsalita at bukod doon, hindi mahaba ang ginawang introduction ni Dos.

Heto lang ang kaya kong maimbag sa aking grupo. Tanging si Bridgette lang ang nakakaalam nito, pero mabilis akong magkabisa kahit gaano pa kahaba ang mga salitang kakabisaduhin.

Ang kailangan ko lang gawin ay bigyan ng magandang introduksyon ang aming report.

Nakarating na kami sa labas ng Gate 3. I turned my eyes to Dos na kalmado lamang na nakasunod sa akin. Parang wala sa isip niya na may susunod pa siyang klase.

Tumingin ako sa suot kong relo."Hanggang dito mo na lang ako ihatid. Bumalik ka na sa building ninyo. Malapit na ang sunod na klase mo." ani ko sa walang pakialam na si Dos. Nilampasan niya ako at nauna na sa akin.

Inis akong napasinghap. Ang tigas ng ulo ng supladong ito! Bahala na nga siya! Siya naman ang mamomoblema sa hindi niya pagdalo sa kanyang huling klase. Mukhang matalino naman siya dahil kung hindi ba naman halata. Hindi niya matatapos ang report namin na walang tulong mula sa amin.

Binilisan ko ang aking lakad at nilampasan ang nakapamulsang si Dos habang nakasabit sa kanang balikat, ang black jansport niyang bag.

Narinig ko ang malutong na tawa mula sa kanya. After a while, mahina siyang sumisipol mula sa aking likuran.

"Mas masungit ka pa sa akin." He said amusedly. Buti alam mo! "Halikan kita diyan, sige ka." He whispered the last sentence. Maririnig ko pa rin sana iyon kung hindi ako mabilis na tumawid papasok nang terminal ng jeep.

Subalit napahinto kami parehas ni Dos sa haba nang pila lalo na ang sasakyan na pa-Hagonoy. Wala naman kasing karatula rito na hanggang Paombong lang. Pero dahil unang madadaanan naman ang aming bayan, sa karatulang Hagonoy akong sumasakay. Meron naman another option kung gugustuhin ko at hindi na rin ako pipila pa. Kung magdedesisyon ako na sumakay ng tricycle. Kaya lang ang mahal kasi na maningil ng mga tricycle driver dito. Naiintindihan ko naman ang side nila dahil tumataas na ang gasolina pero nagtitipid kasi ako sa pamasahe. So, titiisin ko na lang ang mahabang pilang ito.

Pumila na ako sa pinakadulo ng pila. Nilingon ko si Dos na nililibot ang tingin sa buong terminal. Ngayon lang ba siya nakapunta rito? Sabagay, sa harap kasi ang sakayan ng jeep nang papuntang Grand Royale. Nasa pinaka likod kasi ng Puregold Malolos ang terminal na ito.

"Dos, sige na. Bumalik ka sa building ninyo. Mag-a-alas syete na." pakiusap ko sa kanya.

Tinaasan niya lang akong ng kilay sabay iling.

"Haynaku! Bahala ka na nga diyan!" pagrereklamo ko.

Hindi niya ako sinagot dahil wala sa akin ang kanyang atensyon kundi sa mga kalalakihang estudyante na nakatingin sa amin. Nasa pila sila papauwi nang Marilao. May binulong ang isa na kanyang katabi sa pila sabay nguso sa akin. Nahihiyang nagbawi siya ng tingin nang mahuli ko na nakatingin din ako sa kanila.

S#1 SOMEBODY TO LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now