KABANATA 8

67 6 5
                                    

Eksaktong alas singko nang hapon, lumabas na kami ng FH 112 para sa huli naming klase. Dahil una akong nakalabas, hinintay na lang ang mga kagrupo ko at umupo sa mahabang upuan na bakal.

Muli bumukas ang pinto at lumabas si Lyndon, ang beki na kasama sa amin grupo. Matamis niya akong nginitian sabay upo sa aking tabi.

Pinanood ko ang pagkuha niya ng foundation sa kanyang bag.

"I'm so haggard na, right girl?" malungkot na daing niya sa akin.

Natawa ako nang mahina hindi dahil sa haggard siya kuno kung hindi sa mukhang niyang problemado. Actually, ayos pa naman ang kanyang foundation. Katunayan mas maayos pa ang kilay niya kaysa sa akin na hindi ko na matandaan kung kailan ang huling ayos. Wala naman kasi akong oras na pakialaman pa ang mukha ko. Dahil mas focus ako sa pag-aaral at trabaho.

Si Bridgette na nga lang ang mahilig na pakialaman ang aking mukha. Siya ang nag-ayos ng kilay ko bago ang pagsisimula ng unang araw sa School. Pero nitong nakakaraan, nakakahiligan ko ang manood ng make up tutorials sa youtube. Kapag walang custumer sa Store nila Brid, doon ko inaabala ang aking sarili.

Mas lalo ngayon na kailangan ko talagang matuto dahil kasali pala ang pag-aayos ng mukha at disenyo ng mga damit. Dito sa aming kurso.

Narinig ko ang pagtunog ng labi ni Lyndon dahil naglalagay pala siya pink lipstick. Bumagay naman sa kanya dahil sa white foundation na dinampi niya sa kanyang mukha.

Nakangisi niya akong nilingon. "Oh, pak na, girl. Maganda na ulit ako!"

I giggled softly as I nodded at him.

"Pero walang tatalo pa rin sa beauty mo, girl. Halos sunod-sunod ang klase natin at dalawang oras lang ang break. Nguni't kakaiba ang taglay mong kagandahan, ni hindi kita nakikitang nagpapahid ng kolorete sa mukha." walang prenong niyang saad na isang tipikal sa kanilang mga beki.

"Para sa akin, ikaw ang pinakamaganda sa section natin. Kaya kung ikaw ang mapipili na ilaban sa Miss Cal. Ako na lang ang mag-aayos sa'yo. Pagagandahin pa kita nang bongga-bongga!" aniya pa.

Iyon ang narinig nila Rhoanne nang makalabas sila ng silid namin. Tinaasan niya ng kilay si Lyndon pero agad din niyang iniwas, nang sumunod na lumabas ang maiingay na tatlong lalaki sa aming grupo.

Agad dumapo ang titig sa akin ni Vince. Nahihiya niya akong tinanguan sabay baling sa kanyang kausap.

"Let's go to the Natividad Hall. Baka kanina pa naghihintay si Dos doon." maarteng sambit sa amin ni Rhoanne ngunit kita ko ang galak sa kanyang mata. I just looked away as I stood up. Patiling tumayo rin si Lyndon sa akin tabi sabay angkala sa aking braso. Medyo nagulat ako sa kanyang ginawa but I let him.

"Papa Dos here we come!" He said.

Nauuna sa paglalakad ang tatlong babae na may sarili pinag-uusapan. Nasa gitna naman kami ni Lyndon na nakangkala pa rin sa aking braso. Panay turo ng mga lalaki na sinasabi niyang mga guwapo sa kanyang paningin.Natutuwa ako sa kanya dahil nakikita ko sa personality niya ang bestfriend kong si Brid.

Nasa likod naman namin ang tatlong kalalakihan na balik sa topic nila sa paglalaro ng dota. Dinig ko pa na after ng paggawa namin ng report ay sa computer shop sa Graceland sila mga didiretso.

"Girl, nakatingin sa'yo ang pogi na taga broadcasting na dumaan sa gilid mo." kinikilig na bulong sa akin ni Lyndon.

Natawa naman ako. "Ikaw talaga. Malinaw pala ang mata mo sa ganyang bagay."

Masaya siyang sumandal sa aking balikat. "Tumpak ka, girl! May rasyon kasi sa amin palagi ng kalabasa para mas luminaw ang aking mga mata. See? Sobrang effective dahil ang dami kong nakikitang pogi!"

S#1 SOMEBODY TO LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now