KABANATA 24

74 4 9
                                    

Katanghaling tapat. Sinundo ako ni Mang Jorge sa bahay dahil may biglaang photoshoot magazine ang Synthesia. Ayaw na rin nga ako payagan ni Dos na pumunta pero nagpumilit pa rin dahil kahit naman na nagkabalikan kami at kasintahan ko na siya. May trabaho pa rin ako sa kanila na kailangan kong gampanan. Kaya naman pinadala niya si Mang Jorge upang sunduin ako. Doon ko lang nalaman na personal driver pala niya si Mang Jorge.

Anyway, almost one month na kaming hindi nagkikita ni Dos dahil may Europe Tour ang Synthesia. Kasama talaga dapat ako roon pero wala kasing magbabantay at mag-aalaga kay Mama. Balik pasukan na at hindi ko na pinayagan si Ginger na mag-alaga kay Mama. Kahit na nagpumilit ang bata na kaya naman daw niyang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho.

S'yempre agad akong tumutol hindi sa ayaw, katunayan gusto ko si Ginger na mag-alaga kay mama bukod sa madaldal at masayahin. Alam ko na maganda ang pagpapalaki sa kanya ng lolo niya. At alam ko rin kasi kung gaano kahirap na maging working student. Pero nangako ako sa bata na tutulungan ko siya sa mga gastusin niya sa kolehiyo.

Bago lumipad pa-Europe ang banda, bumisita si Dos sa bahay. At hindi na ako magugulat kung kilala na siya ni mama at Pringles. Hindi dahil sa siyang sikat na artista at bokalista ng bandang Synthesia. Minsan nang bumibisita sa bahay si Dos after niyang pumupunta para tumambay sa Barangay Hall—kay lola.
Doon ako napabilib nang sobra-sobra ni Dos hindi ko alam kung paano niya nama-manage ang kanyang oras nang mga panahon na 'yon. Gaya nang sabi ko noon, napakahigpit ng oras ng isang Engineering Student.

Kaya pala ni minsan hindi nagtatanong sa akin si Pringles kung may nanliligaw na sa akin or kasintahan. Hindi sa gusto ko na magmahal ng iba bukod kay Dos. Pininta ko na sa aking puso at utak na ang pangalan niya. Hindi ako magmamahal ng iba kung hindi si Dos iyon. May mga times din pala nag-uusap silang dalawa ni Pringles nang hindi ko nalalaman. Gusto ko nga'ng matampo pero aking naisip din— hiwalay na nga pala kami ng mga panahong iyon.

But still, Dos stayed and patiently waiting for me to comeback to him.

Tumunog ang phone ni Mang Jorge dahil naka-loudspeaker 'yon alam ko si Dos ang nasa kabilang linya.

"Mang Jorge..." Dos seriously said.

"Yes po, sir Dos?" Mang Jorge asked.

Matagal bago nakasagot si Dos kaya naman rinig na rinig namin ang ingay sa kabilang linya. Ang galit na galit na boses ni Mr. Tan at kuya Uno. At boses ng iba't ibang tao na galing sa media.

A-Anong nangyayari?

Marahas na bumuga ng hangin si Dos. "Nasa'n na po kayo ni Shin? Naririnig po ba niya ako ngayon?"

"Nasa Monumento na po kami, Sir Dos.." Mabilis na sagot ni Mang Jorge.

"Huwag na po kayong tumuloy dito. Ibalik ninyo po sa Paombong si Shin.." Dos demanded.

"Po?" ang nalilitong si Mang Jorge.

Doon na ako kumilos dahil nararamdaman kong may mali. Hindi lang ito dahil lang sa ayaw niya akong payagan. May kakaiba sa boses ni Dos na para bang nagpipigil sa pagsabog. Galit?

At ang nakakapagtaka pa, bakit may mga media ngayon sa Studio? Hindi nagpapatawag ng media ang management sa mga photoshoot ng Synthesia. Kaya nga ginagawang pribado ang bawat photoshoot ng lima na hindi makakatunog ang sino man sa press.

"Pahiram po ako ng phone ninyo, Mang Jorge." pakiusap ko sa kanya. Agad naman na inabot sa akin ni Mang Jorge.

Hindi pa pinapatay ni Dos ang tawag dahil rinig na rinig ko pa ang nagkakagulo at maiingay na mga media. Pero kumunot ang aking noo nang marinig ko ang aking pangalan.

S#1 SOMEBODY TO LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now