TLPT #2- New body, New memories

13.4K 385 81
                                    


Chapter 2- New body, New memories

Nylla POV

*Mulat Mulat*

Ang sakit ng buong katawan at ulo ko. Tsaka parang natuyuan na yata ako ng laway. Tsk. Nasan ba ako? Tumingin tingin ako sa paligid. Nasa isa akong kwarto. Pano ako napunta dito? Ang huli kong naalala, kinokontrol ko ang malakas na mahika ng powerful chest nang bigla akong natumba sa sahig. Napaupo naman ako agad ng maalala ko sila Demon, Tricia at Shaina. Pero napatingin ako sa may pintuan dahil bumukas iyon. P-Pumasok si Raven.

"Buti naman at nagising ka na" sabi niya at ngumiti ng pilit. I can also saw sadness in his eyes.

"A-anong nangyari?" Tanong ko.

"Nahimatay ka pagkatapos mong ipalabas ang King of Death sa powerful chest. Well, six days kang tulog. Akala nga namin patay ka na pero tumitibok pa naman ang puso mo. Siguro side effects lang yun" sabi niya.

"S-sila Demon, Shaina at Tricia. Kamusta sila?" Tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ako nakikipagusap sa kanya. It's just that, ang gaan ng loob ko sa kanya. May because he's still my first love even if he's a traitor now?

"Ayos na sila. Nakabalik na sila sa Dream High. Kumain ka na muna. Siguradong nagugutom ka na" sabi niya at nilapag na ang isang tray nang pagkain na hawak niya kanina pagpasok dito sa kwarto. Tumayo naman ako at lumapit sa lamesa.

"Diba nailabas ko na ang King of Death sa powerful chest? Bakit hawak niyo parin ako? Ano pa bang kailangan niyo sakin, ha?!" Pasigaw na tanong ko. Gusto ko nang makabalik ng Dream High. Napabuntong hininga naman siya at pumunta sa may pintuan. Pero bago siya tuluyang lumabas...

"Im sorry" sabi niya at lumabas na ng tuluyan.

Bakit ba siya nagsosorry? Nakokonsensya ba siya sa mga pinaggagagawa niya? Or baka pinilit lang siya na maging isang Wagners? Tss. Baka nga. Kumain na muna ako. Grabe, parang isang taon akong hindi nakakain. Ngayon ko lang naramdaman yung sobrang kagutuman.

Pagkatapos kong kumain, sakto namang bumukas yung pinto. Pumasok ang dalawang taong nakacloak. Haay. Sila na naman. Pwersahan nila akong tinayo at hinila para lumakad. Ang sakit! Shit lang. Ang bibilis pa nila maglakad. Tch. Ano bang gagawin nila sakin? Bibitayin ba nila ako? Pumasok naman kami sa isang kwarto. Dalawang silya lang ang nandoon sa loob ng silid. Pinaupo nila ako sa isang silya at tinalian. O-okay?

"A-anong gagawin niyo sakin?!" Tanong ko. Pero hindi sila sumagot. Nakita kong bumukas yung pinto. Pumasok yung hayop na Morgan, isang babaeng hindi ko kilala, at s-si Shea?! Oo, si Shea na anghel!

"S-Shea? What are you doing here?!" Tanong ko sa kanya nang umupo siya sa katabing silya. Pero hindi niya ako sinagot. Naguguluhan na ako! Ano bang nangyayari?! Tsaka bakit si Shea hindi tinalian kagaya ko?!

"Let's start" sabi nung hayop na Morgan. May isang babae naman na lumapit saming dalawa ni Shea. Mga nasa mid30's na yata siya.

"A-ano pong gagawin niyo?" Tanong ko. Ngumiti naman ng tipid yung babae.

"Body Insertion. Ipagpapalit ko kayo ng mga kaluluwa. Magiging ikaw siya, at magiging siya ikaw. Pero mananatili ang mga ability niyo sa mga katawan niyo. Hindi ito kasali kapag nagpalit na kayo. Ang soul, heart and mind niyo nga lang pala ang magkakapalit" paliwanag nung babae na ikinatigil ko. Wth?!

"B-bakit kailangan niyo pa kami pagpalitin ng mga kaluluwa?!" Pasigaw na tanong ko. Tumawa naman yung hayup na Morgan. A devil laugh.

"Wag ka nang magtanong diyan. Simulan mo na" sabi nung hayup na Morgan doon sa babae. Napabuntong hininga na lang ulit yung babae then mouthed 'im sorry.'

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon