TLPT #30- The Truth

6.7K 236 20
                                    


Chapter 30- The Truth

Nylla POV

Unti unti akong nagising ng may kumatok sa pinto ng tatlong beses. Hindi naman talaga ako natulog, siguro idlip lang. Pumasok ang isang matangkad at malaki ang pangangatawan na lalaki. Pero nakamaskara siya habang may bitbit na tray ng pagkain. Pumasok na lang siya basta basta sa loob at basta ding nilapag ang tray ng pagkain sa lamesa at mabilis na umalis. Napabuntong hininga na lang ako.

Pagkatapos nung nangyari kagabi, dinala kami ni Tito Morgan dito sa Wagners Kingdom. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may mali sa mga nangyayari. Tsaka diba dapat masaya ako na nakatakas at nakabalik na ako dito sa Wagners? Pero bakit parang gusto kong bumalik? Tss.

Napabuntong hininga na lang ulit ako at bumangon na para makakain ng breakfast. Yung dala nung lalaking nakamaskara. Ayoko munang masyadong magisip dahil tuwing magiisip ako, lagi kasama siya sa mga naiisip ko. At ayoko na siyang isipin pa dahil nangako akong kakalimutan ko na siya simula nang tumakas kami sa Dream High ni Raven.

Napatigil naman ako sa pagsubo ng pagkain ng maalala ko si Raven. Pinaghiwalay kasi kami ng landas na pagdadalhan simula nang makarating kami dito sa Wagners Kingdom. Kailangan ko siyang makausap pagkatapos nito. Ang pinagtataka ko lang, bakit siya galit na galit kay Tito Morgan? At mukhang ayaw niya pa kaming makabalik muli sa Wagners.

Pagkatapos kong kumain ay naligo na agad ako para mahanap na agad si Raven. May mga damit naman na nakalapag na sa kama. Wala nga pala akong nadalang damit o gamit nung tumakas kami ni Raven dahil ang sabi niya nun, wala na daw oras.

Pero nang paalis na ako sa kwarto, nahagip ng mata ko yung lamesa na kinainan ko kanina. Ngayon ko lang napansin na may papel pala doon sa tray. Mukhang masyadong malalim ang mga iniisip ko kanina kaya hindi ko napansin nung kumakain ako.

Dali-dali akong pumunta sa may lamesa at binasa ang nakalagay na note sa papel.

Meet me at my office after this.

-Your Father

Napakunot naman yung noo ko. My father? Ibig sabihin si Tito Miguel ito? Tsk. Totoo ba talaga yung mga sinabi ni Raven kagabi? O panaginip lang lahat yun? Pero sigurado akong totoo lahat yun. Atsaka alam kong hindi magiimbento ng kwento si Raven. Ano naman mapapala niya kung sasabihin niya na totong ama ko si Tito Miguel kung nagbibiro nga lang siya? Hindi rin naman magandang biro iyon.

Pagkalabas ko, may dalawang lalaking matatangkad at maskulado ang nagbabantay yata sa labas ng kwarto ko.

"Follow me" sabi nung isang lalaki at nauna ng maglakad yung nasa kanan kong lalaki. Sumunod naman ako habang nasa likod ko yung isa pang lalaking nakamaskara.

Naglalakad kami ngayon sa corridor yata ito ng palasyo. Kulay itim ang carpet na dinadaanan namin. Halos wala din kabuhay buhay ang mga kulay ng kagamitan dito. May mga furnitures na design pero puro may mga bungo o kaya may mga sungay. Wala din ibang tao na naglalakad ngayon sa corridor. Masyadong tahimik na ang maririnig mo lang ay mga yapak namin.

Tumigil na ang nasa harapan kong lalaki sa paglalakad kaya tumigil na din ako. Pagkatapos ay kumatok siya sa pintuan na nasa tapat namin. Unti unti namang kumalabog yung puso ko. Alam kong nandyan na siya sa loob. Hindi ko alam kung anong gagawin at sasabihin ko kapag nakita ko na siya ulit.

"Pumasok ka na" sabi nung lalaki sa harapan ko. Pinikit ko muna yung mga mata ko at malalim na nagbuntong hininga bago pumasok ng silid.

Pagkapasok ko, nakakita ako ng isang lalaking nakatalikod sa direksyon ko at nakaharap sa malaking salamin sa harapan niya. Nilibot ko naman ang paningin ko. Malaki ang office niya at malinis. Iba rin ang naramdaman ko ng makapasok ako dito sa loob. May kakaibang aura ang silid na ito.

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon