TLPT #14- Get Them Back

5.9K 239 5
                                    

A/N: Grabe, napapangitan ako sa mga ginagawa kong updates. Hahaha XD

Chapter 14- Get Them Back

Third Person POV

Pagkatapos manalo nang Harvard Academy laban sa Wagners Academy, nagbago na naman ang paligid. Napapikit silang lahat dahil sa sobrang liwanag na umilaw sa bawat sulok ng lugar. Hanggang sa unti unti nang nawawala ang puting liwanag. Nasa isa silang puting kwarto. Walang mga gamit sa loob ng silid. Pero nandoon din sa loob ng silid ang mga estudyante ng Dream High. Malaki ang kwarto kaya medyo malayo ang pagitan ng Dream High sa Harvard.

Mababasa mo din ang salitang gulat sa mga mata nila Veronica, Brian, Daniel, Liam at pati na rin si Thea. At dahil kulang na sila ng members ay may bago silang nakasama. Ito ay si Liam at Thea. Bawal naman sumali si Jared sa Tradition Game dahil siya na ang Hari. Si Thea naman, Deflecting Ability siya. She can deflect the active powers of others to someone. Enhanced na ang ability niya kaya, kaya niyang gamitin ang pagdeflect ng ibang powers sa ibang power user kahit isa o dalawang oras. Pero hindi pa ito advanced kaya isang tao pa lamang ang kaya ni Thea na madeflectan ng ibang power.

(Nasa book one po si Thea kung hindi niyo na natatandaan. Thea Xavier po yung full name niya. Lol. Sa isang chap lang din po iyon)

Nagtinginan sila Veronica, Brian, Daniel, Liam at Thea. Pagkatapos ay nagtanguan sila isa't isa. Parang bang parepareho sila ng iniisip. Hindi sila nagplano kung ano o paano sila makikipaglaban ngayon. Pero iisa na ang goal nila ngayon, ang ibalik sila Shea at Nylla. Gusto din nila ibalik si Shea dahil alangan, kaibigan din nila ito at pinsan ni Liam si Shea. At gusto din nila makuha sila dahil marami silang katanungan na naiisip.

Dahil nainip na sila Third, Majoy at Nylla. Sumugod na sila. Sumunod na rin na naman sila Shea at Raven. Kaharap na ngayon ni Majoy si Veronica. Nagtataka si Veronica kung bakit hindi pa natira ang kalaban. Gusto niya kasing ang kalaban muna niya ang unang titira bago siya. Hindi rin alam ni Veronica na fear projector ang ability ng kanyang kaharap ngayon.

Nabigla si Veronica nang nasa harap na niya ngayon si Brian na puro galit ang makikita sa kanyang mga mata. Nagtataka si Veronica kung anong nangyayari. Ang alam niya ay nakikipaglaban na dapat ngayon si Brian pero bakit nasa harap niya lang siya ngayon? At bakit silang dalawa na lang ngayon ang nasa puting silid? Nasaan ang iba? Iyon ang mga namumuong katanungan sa isip ni Veronica.

"Malandi ka. Akala ko iba ka, Veronica. Pero nagkamali ako" sabi ni Brian. Natulala naman si Veronica sa sinabi ni Brian.

"Buti na lang hindi naman talaga kita mahal" sabi pa ni Brian na nagpaluha kay Veronica. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Kanina lang naman daw, ok lang silang dalawa.

"W-What? N-No. *huk* I-I know you l-love me, B-Brian! *sniff*" Sabi ni Veronica sa gitna ng pagiyak. Umiling iling naman si Brian.

"Haha, pinaasa lang kita. Sino bang tao ang magkakagusto sayo? Ang arte arte at ang taray mo. Wala ka na lang ginawa kundi manlait ng ibang tao. Tss. Oo, maganda ka. Pero hindi ibig sabihin nun, lahat ng tao o lalaki ay maiinlove sayo. At yun ang pinatunayan ko. Mahal mo na ako right? Pero hindi kita mahal. Hindi kita minahal. At hinding hindi kita mamahalin" sabi pa ni Brian na mas lalong nagpaiyak kay Veronica.

Sobrang sakit ang nararamdaman ni Veronica. Kahit naguguluhan siya sa nangyayari, hindi niya mapigilang umiyak dahil sa mga sinabi ni Brian. Nagflaflashback din sa isip niya yung mga masasayang moments nilang magkasama. Feeling niya, ang hina hina niya. Iyak lang siya ng iyak. Hindi siya makapaniwalang nasabi iyon ni Brian sa kanya ng harapan. At hindi siya makapaniwala na nangyari ang kinakatakot niya, Ang sabihin ni Brian na hindi siya mahal nito.

Tiningnan niya si Brian, nakangisi na ito ngayon. Kahit blurry ang paningin ni Veronica dahil sa pagiyak, nakakakita parin naman ito. Napakunot naman yung noo niya ng unti unting naglalaho si Brian.

Samantala, nakikipalaban naman ngayon si Brian kay Third. Napapaligiran na siya ngayon ng anim na halimaw. Hindi alam ni Brian ang gagawin habang nakangisi lang si Third. Pero nakaisip ng paraan si Brian, sinuntok niya ang sahig dahilan upang tumalsik ang mga halimaw. Dahil sa lakas ng impact, unti unting nagkaroon ng punit punit na papel. Yung iba kasi ay tumama sa pader. Namatay ang limang halimaw. Pero yung isa na pinakamalakas ay nagkaroon lamang ng sugat. Muli namang sumugod ang natirang halimaw kay Brian pero naghanda siya at binato kay Third ang halimaw ng buong lakas habang si Third ay mabilis na nagdradrawing. Pero wala na, tumilapon na si Third at tumama sa pader. Halos mabutas ang pader dahil sa pagtilapon ni Third. Ang halimaw ang unang tumama bago si Third kahit dapat si Third ang unang tatama sa pader dahil pinagpalit ni Third ang posisyon nila nang hinagis sila ni Brian. Pero nawalan ng malay si Third kaya hindi na siya nakalaban pa.

Nilingon naman ni Brian si Veronica, napuno ng galit ang mga mata ni Brian ng makitang umiiyak si Veronica habang nakangisi sa harapan niya si Majoy. Walang kamalay malay na nasuntok si Majoy dahil kay Brian. Nagcoconcentrate kasi si Majoy kaya hindi niya namalayang may ibang power user ang lumapit sa kanya. At dahil babae lang si Majoy, nakatulog siya sa suntok ni Brian kahit hindi naman talaga malakas ang pagkakasuntok sa kanya ni Brian.

Si Raven naman, kalaban niya ngayon si Daniel. As usual, kinokontrol ni Raven ang anino ni Daniel kaya hindi makagalaw si Daniel sa kinatatayuan niya. Gumawa din ng mga maraming shadows si Raven para malito si Daniel kung alin sa kanila ang totoong Raven dahil naging anino muna ngayon si Raven. May isang shadow ang pumulupot sa mga paa ni Daniel dahilan upang pati ang mga paa niya ay hindi niya magalaw. Hanggang umabot na ang shadow sa binti niya. Hindi niya pwedeng patamaan ang sarili niya kaya hindi alam ni Daniel ang gagawin. Tumingin siya sa mga shadows pa na nakapalibot sa kanya. Kinoncentrate niya ang sarili at pinatamaan ang lahat ng shadows na nakapalibot sa kanya gamit ang mahahabang lightning strike. Unti unting naglaho ang mga anino pati na rin ang shadow na pumulupot sa binti niya. Nakahinga si Daniel ng maluwag ng hindi ito nakaabot sa kamay niya.

At si Nylla naman, kalaban niya ngayon si Liam. Nagpapalabas ng mga water spikes, water blades at water balls si Nylla pero sinasangga ito ng same na weapon ni Liam. Pareho rin silang walang sugat o galos man lang kahit kanina pa sila naglalaban. Dahil nga ito kay Shea na shinishield si Nylla habang si Thea naman ay dinedeflect ang nilalabas na kapangyarihan ni Shea at dinedeflect ito kay Liam kaya parang nagkaroon din nang shield si Liam. Nahihirapan silang dalawa sa labanan. Pero mas nahirapan si Nylla nang sumali sa laban si Brian. Si Veronica naman ngayon ay nasa isang tabi lang dahil pinagpahinga muna ito ni Brian.

Pagkatapos naman ni Daniel makipaglaban kay Raven, nakisali na rin siya sa pakikipaglaban kanila Nylla. Habang si Raven ay nanonood lamang at hawak hawak niya ang sugat sa kanyang tiyan. Napangisi na lamang siya sa nakikita.

Dahil 3 vs 1 ang laban at malalakas pa ang tatlo, nakaramdam na ng pagod si Nylla. Unti unti na siyang nanghihina at nawawalan ng concentrate sa laban. Hanggang sa mapaupo na lamang siya sa sahig dahil sa pamamanhid ng buo niyang katawan. May konting sugat na rin siya dahil napapagod na rin si Shea sa paglalabas ng kapangyarihan niya. Hindi pa naman siya sobrang sanay pa sa kapangyarihan niya.

Kinuha na nila Daniel, Brian at Thea ang pagkakataon na mabawi o makuha sila Shea at Nylla. Pero iisa lang din ang katanungan nila sa isip nila, kinuha si Nylla ng mga Wagners. Pero bakit Harvard Academy ang nakalaban nila? At bakit kasama niya si Shea? Ang alam kasi nila, lumipat talaga ng school si Shea dahil yun ang gusto niya. Ayaw naman talaga ni Liam na lumipat si Shea dahil hindi pinagkakatiwalaan ni Liam ang ibang school maliban sa Dream High pero wala siyang nagawa dahil mapilit si Shea. At lumipat si Shea noong nakuha na ng Wagners si Nylla. So, ano ang pwedeng ibig sabihin niyon?


The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon