TLPT #16- The Deal

5.3K 237 10
                                    

A/N: Guys, kapag may hindi kayo naiintindihan sa story. Tanungin niyo lang po ako. Haha. Hindi naman po ako nangangagat. Lol.

MUST READ!!!:

Gusto ko lang po ulit sabihin na yung POV ni Nylla, Katauhan po talaga iyon ni Nylla. Kaso nga lang po nagpalit ng katawan si Shea at Nylla diba? Tsaka walang maalala si Nylla at ang akala niya pa ay siya si Shea. Haha. Tapos yung magiging POV po ni Shea, si Shea po talaga yun kahit nasa katawan siya ni Nylla. To make it short, Nylla POV will remain Nylla POV kahit ang alam ni Nylla ay siya si Shea.

Sorry, short UD toh XD

Chapter 16- The Deal

Jared POV

"A-Anak" maluha luhang sabi ng ni Tito Harold habang nakatingin sa katabi ko. Si Nylla. Ngumiti si Tito at tinaas ang dalawang kamay, lumapit naman si Nylla at niyakap si Tito Harold.

Napangiti na lamang ako. Kitang kita ko sa mga mata ni Tito Harold ang umaapaw na kasiyahan. Hindi ko naman siya masisisi, nagkahiwalay sila ng anak niya na si Nylla sa mahabang panahon.

"K-Kamusta ka na? Masaya akong nakabalik ka na, anak" sabi ni Tito Harold habang hinahaplos si Nylla sa buhok.

"A-Ayos lang po ako, P-papa" sagot naman ni Nylla.

"*Ehem* Paumanhin po pero kailangan na po munang magpahinga ni Master Harold sa ganitong oras" sabi nung isa sa mga nagaalaga kay Tito Harold.

"Sige po. Aalis na po kami. Magpahinga na po kayo" magalang na sabi ni Nylla.

Tumango tango naman ng marahan si Tito Harold at humiga na sa kama niya. Inalalayan naman siya ni Nylla paghiga. Nakaupo kasi sila kanina sa couch. Ako? Nakatayo lang sa isang tabi.

Pagpikit ng Tito, hinalikan ni Nylla ang noo nito. Napangiti na lang ulit ako. Ako din, masaya akong nagbalik na si Nylla- ang babaeng mahal ko. Pero nakakainis kasi wala siyang maalala katulad ni Shea. Pero bakit parang may iba? Tss. Tsaka hindi ko pa rin siya natatanong kung bakit nasa Harvard siya kasi nga wala siyang maalala.

"Balik na tayo sa Dream High. May pasok ba bukas" sabi ni Nylla.

"You don't need to study in Dream High again. Home study ka na like me. Dito ka na rin titira sa palasyo" sabi ko. Pero umiling siya.

"Ayoko. Gusto kong bumalik sa Dream High at doon magaral" mariin na sabi niya. Napabuntong hininga na lang ako. May magagawa pa ba ako? Tss.

"Fine. Let's go" sabi ko at hinawakan yung kamay niya. Kinuha ko na yung portal sa bulsa ng pantalon ko gamit yung free hand ko at nilagay na sa sahig. Pagkatapos ay pumasok na kami.

"If hindi na magbabago yung isip mo. Then dito na rin ulit ako magaaral. Ayokong mawala ka pa ulit" sabi ko. Nasa tapat na kami ngayon nang Girl's Dormitory. Tumango tango naman siya.

"Okay. Goodnight" sabi niya at ngumiti ng tipid at pumasok na sa loob. Ngumiti din ako ng tipid. Ewan ko, parang may kulang. Or should I say, parang may mali? Tsk. Nang pumasok na sa loob si Nylla, tumingin ako sa langit at nakita ang buwan. Hindi pa naman full moon. Mukhang 8pm o 7pm pa lang yata.

Napatingin ako sa hallway ng makarinig ng ingay. Konti na lang kasi yung mga estudyanteng naggagala sa hallway dahil malapit na rin yung curfew. Pero napakunot yung noo ko nang makita ang kuya ko habang nakaakbay kay Shia. Wtf? Kailan pa sila naging close? Kaya nandito si Kuya ay dahil ang alam ko, nagapply siyang teacher dito. Hindi ko alam pero parang nainis ako bigla? Tsk. Tsaka bakit ibang iba na yung ugali ngayon ni Shea sa dati niyang ugali? Parang siya si Nylla dati eh. Tss.

Nylla POV

"Shea. Date tayo bukas ah?"

Bakit ganun? Parang ang dami kong hindi ko alam sa buhay ko? Naguguluhan na talaga ako. Kanina kasi habang naglalakad ako sa hallway, may nakabunggo ako na teacher yata dito. Nagtatago kasi ako nun dahil tinakasan ko si Jason. Amputek kasi, ayaw akong tantanan! Tapos ayun, sabi nung teacher pagkakita sakin. Welcome back daw sa Dream High. Bakit ba lahat na lang ng tao dito sa Dream High sinasabi na naging estudyante na ako dito? Na nagaral na ako dito? Ugggh. Gulong gulo na ako!

Pero nabalik ako sa katinuan ko nang may humablot bigla sa braso ko at kinaladkad ako. The fvck?! Si Jared! Punyemas. Kanina si Jason ang sumalot sa buhay ko, ngayon naman si Jared?! Damn!

"Hoy, san mo ba ako dadalhin ha?!" Sigaw ko at nagpupumiglas sa hawak niya sa braso ko. Kaso ang higpit. Leche =____=

Nang tumigil kami, hindi ko alam kung saan ito pero nakakatakot yung nasa isang side namin. Parang likod yata ito ng school. Binitawan na rin ni Jared yung kaliwang braso ko.

"Why are you with my brother? Tsaka bakit nakaakbay pa siya sayo? At Kailan pa kayo naging close, huh?" Sunod sunod na tanong niya.

Napagasp naman ako. Yun ba ang dahilan kung bakit niya ako kinaladkad kanina?! Tsaka ano sabi niya? Nakaakbay sakin si Jason? At tama nga ako? Na kapatid niya si Jason? Tss. Mga salot sa lipunan eh.

"Slow down. You sounds a jealous boyfriend. Haha. Tsaka hindi ko nga alam na nakaakbay na sakin yung baliw na yun, ang alam ko lang sumabay siya sakin sa paglalakad. Masyadong occupied yung mind ko kaya hindi ko na siya napansin pa" sabi ko. Bakit ba nagpapaliwanag ako sa kanya? -____-

"Tss. Stay away from him. Playboy yun" sabi niya. Napasmirk naman ako.

"It's damn obvious. Tsaka hindi ako pumapatol sa baliw. Anyway, Can I have a favor?" Tanong ko at naglunok ng laway. Sana pumayag siya.

Tss. Hindi naman talaga ako titigil hanggat hindi siya pumapayag. Aba, binaba ko na yung pride ko at bawal tanggihan ang isang katulad ko.

"No" sabi niya at tatalikuran na sana ako nang hawakan ko siya agad sa braso.

"Hindi ko pa nga sinasabi kung ano yung favor ko, tatanggi ka na agad?!" Inis na sabi ko. Umirap lang naman si Jared. Seriously?!

"C'mmon. Gusto ko lang.... Gusto ko lang ikwento mo sakin yung dating Shea na kilala mo. Yung Shea na nagaaral dati dito sa Dream High. I wanna know everything. Gulong gulo na kasi ako. Tsaka feeling ko kasi, ikaw ang mas nakakaalam kung sino yung dating Shea" sabi ko.

Feeling ko rin kasi may kulang at may mali sa pagkatao ko. Nung una ko pa yun nararamdaman, hindi ko lang masyado pinansin kasi sabi ko baka wala lang yun pero ngayong nasa Dream High na ako. Sigurado na ako sa kakaibang nararamdaman ko sa sarili ko.

"Hmm, in one condition" sabi niya at ngumiti ng nakakaloko. Napalunok na lang ulit ako. Shit. Ano naman kaya yun?!

"Fine. What's that?"

"You will be my slave for about... Three weeks?" Sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko.

"One week!" Protesta ko.

"Two weeks and that's final" sabi niya. Uggh. Damn this guy!

"Deal?" Tanong niya at nagsmirk. Nilahad niya pa yung kamay sakin. Napabuntong hininga na lang ako. Wala nang atrasan toh.

"Fine. Deal" sabi ko.

"I want to ask something to you now" sabi ko agad pagkatapos namin maghandshake.

"K"

Tss. K lang talaga? -____- Hindi naman siya niyan tamad magsalita? Tsk.

"Talaga bang dito ako nagaral dati?" Tanong ko.

"Yup"

"Paano ako napunta sa Harvard?" Tanong ko ulit.

"Ang alam ko, ikaw mismo ang naginsist na lumipat nang ibang school. Yun kasi ang sabi sakin ni Liam nung tinanong ko siya pagkabalik ko sa palasyo galing Harvard" sabi niya at nagkibit balikat pa.

What? Leche. Wala talaga akong matandaan kahit isang maliit na tuldok doon sa sinabi niya. Uggh. Sasabog na yata yung utak ko.

"Geh. Babalik na ako sa dorm ko" sabi ko at iniwan na siya.

Aissh! Ang gulo naman ng pagkatao ko! =____=

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon