TLPT #28- Goodbye

6.1K 234 7
                                    

A/N: Hi po! Gusto ko lang po sabihin na Ate Elle o Ate Sky na lang po itawag niyo sakin. Pero mas prefer ko po yung Ate Sky. Hahaha. Pero okay lang din po kung wala ng ate. Haha :)

Enjoy Reading! Mwuaaaps! :*

Chapter 28- Goodbye

Nylla POV

Dalawang linggo na ang nakalipas. At sa dalawang linggong yun. Pakiramdam ko ang daming nagbago. Although, hindi maalis nun na hanggang ngayon. Madami parin akong iniisip at gulong gulo parin yung utak ko.

Tulad ng, sino yung tatay ko na nakasulat doon sa medyo basag na salamin? Sino yung pumatay kay Faith? Dahil inaamin ko na hanggang ngayon, sinisisi ko ang sarili ko sa pagkamatay niya kahit hindi naman talaga ako yung pumatay sa kanya. Ako kasi yung huli niyang nakasama bago siya mamatay. Ang hirap kasi iexplain yung pakiramdam eh. Lalo na kapag nakikita ko si Daniel. Buti na lang sinasamahan siya ni Shaina kaya medyo ngumingiti at tumatawa na ulit siya. Idagdag mo pa na iritang irita ako dahil buong school yata ay pinaguusapan ako dahil lang dun. Medyo umunti na rin naman ngayon yung mga naguusap usap tungkol sa topic na yun kaya medyo nakakaginhawa na ako. Ayokong ayoko kasi sa lahat yung pinaguusapan ako.

Tapos ito pa, kung ang King of Death nga ang kalaban namin dito tulad ng sinabi ni Madam Sofia. Bakit sakin nangyari ang lahat ng yun? Eh kasali ako sa Wagners ah. Idagdag mo pa na ama siya ng boyfriend ko at siya na din mismo ang tumayong parang tatay ko. Galit ba sila samin ni Nylla dahil akala nila tinatalikuran na namin sila?

Tapos yung tungkol sa pagkatao ko. Hanggang ngayon may mga napapanigipan parin ako. Hindi ko alam kung totoo ba talaga lahat yun o hindi. Hindi ko parin naman kasi nakikita yung mga mukha nila eh. Pero may ibang boses sa panaginip ko na parang familiar.

And last but not the least, ang nararamdaman ko. Yup. Sa mga nakaraang linggo kasi, si ano. Si Jared na demonyo, akalain mong MEDYO mabait din pala? Pero medyo lang ah. Sinasamahan niya kasi ako minsan pagkatapos nung pagkamatay ni Faith. Tapos ang sabi pa niya nun, ginagawa niya yun para protektahan ako. Sa mga araw na kasama ko siya, aaminin ko laging may karera yata yung puso ko. Sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko kapag nakikita ko siya o nakikita ko lang siyang nakangiti. Parang nakikiliti din na ewan yung tiyan ko. At inaamin ko, kapag inaasar ako ni Andrea kay Jared na yun, kinikilig ako. Ugh. Alam kong hindi pwede at mali ito dahil may boyfriend na ako at siya pa yung Hari. Pero nakakainis. Sa tingin ko kasi, gusto ko na siya. Pinigilan ko naman eh. Damn! Heaven knows I really damn tried. Pero kasi... Pano ko mapipigilan kung nangyari na?

"Oy, Shea. Lutang ka na naman! Ano na naman bang dineday dreams mo ha? Wag kang magalala, hindi ako sasabay sa inyo sa awasan. Baka sabay na naman kasi ulit kayo ni Jared tapos makaistorbo pa ako kapag sumabay pa ko. Hahaha" rinig kong sabi ni Andrea. Nasabi ko na bang kasama ko siya ngayon? Oh well, pabalik na kasi kami ngayon sa classrooms namin. Kakalunch lang namin sa cafeteria.

"Tss. Bahala ka" sabi ko at pumasok na sa classroom ko. Hindi kasi kami magkaklase. Tsaka hindi ko nga alam kung sabay ulit kami ngayong araw. Wala naman siyang sinabi kahapon at ano. Aissh. Naalala ko na naman eh! Nakakainis!

Aksidente naman kasi yun eh!

Nadulas kasi ako kahapon habang nagmamop ako sa isang room. Punishment kasi sakin na linisin yung isang classroom dito sa school. Inaway ko kasi ng sobra nung isang araw yung isang grupo ng mga babae na tinawag akong mamamatay tao. Aissh! Tapos muntik na akong madulas at hindi ko alam na kakapasok lang ni Jared nun kaya mabilis niya akong sinalo pero nadulas din siya pero nasalo niya parin ako kaya ang ending, nasa ilalim ko siya habang nakaibabaw ako sa kanya at mas lalo ding lumaki yung mga mata namin ng naglapat pala yung mga labi namin.

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon