TLPT #9- He's my Date? or Not?

6.9K 256 9
                                    

A/N: Huhuhu. Yung feeling na, first week of school days pa lang namin pero lahat na nang subjects may assignment T^T

K. Share lungszxc. Hahaha.

Enjoy Reading! Mwuaps! :*

Chapter 9- He's my date? or not?

Nylla POV

"Tss. San ba tayo pupunta?" Bagot na tanong ko kay Ynnah na nakangiti ng wagas.

Wala daw muna kaming klase ngayon dahil Acquaintance Party bukas. Hindi ko nga alam kung bakit pati ngayong araw, walang pasok eh bukas pa naman yung party. Tss. Kailangan pa daw kasi paghandaan, wow lang =____=

"Duh! Edi sa Eco Room! Kailangan nating gumawa nang gifts!" Excited na sabi ni Ynnah. Ang Eco room or Economics Room ay ang silid para sa pagluluto. Tinuturuan din kasi kami kung paano magluto. Pero hindi kasali ang mga abilities namin o mga kapangyarihan.

"Ynnah, here!" Masayang kumaway samin si Majoy. Pumunta naman kami sa side niya. Maraming tao ang nandito ngayon sa Eco Room. It's either nagluluto sila or nagbebake. At lahat ay mga babae.

"Tss. Anong meron? Bakit tayo gagawa nang gift?" Curious na tanong ko.

"Ano ka ba! Hindi ka pa ba nakakaranas nang acquaintance party?!" Sabi ni Majoy sakin. Tsk tsk. Ewan ko. Wala akong matandaan.

"Tuwing darating kasi ang acquaintance, pinaghahandaan ito nang lahat ng estudyante. Especially ng girls. Gumagawa kami nang mga gifts para sa mga lalaki. Simbolo na din yung gift na yun na parang gusto mong maging date ang lalaking iyon sa party. At kapag tinanggap niya yung regalo mo, ibig sabihin payag siyang maging date mo" sabi ni Ynnah habang naghahanda na nang mga gagamitin niya.

"Tss. Aalis na ako" sabi ko. Pero hinawakan nila ako sa magkabilang balikat.

"Nope! Hindi pwede! Hindi ka aalis hangga't wala ka pang magiging date sa party" sabi ni Majoy.

"Oo nga. Tsaka kung si King Jared na lang kaya ang bigyan mo? Yiiee. May chemistry kasi kayo! Hihihi" sabi ni Ynnah.

"Oo nga! Kinilig ako nun nung moment niyo sa cafeteria! Hihihi!" Pagsangayon naman ni Majoy. Aba, kelan pa sila naging close? -____-

"Tss. Pano kung ayokong umattend acquaintance party?" Tanong ko. Buti sana kung kasama ko si Raven eh. Kaso hindi pa siya bumabalik. Nalimutan kong itanong sa kanya kung kailan siya makakabalik dito sa Harvard kasama si Nylla.

"Edi tanggal ka na sa The Shadow Devils and that means na hindi ka na makakasali sa Tradition Game. Kasi ang Shadow Devils, umaattend kami sa mga kahit anong okasyon ng school" sabi ni Majoy. Napabuntong hininga na lang ako. Wala akong choice. Tss.

"Tsk. Fine" sabi ko at inagaw yung hinanda ni Ynnah na cookie dough na nasa isang bowl.

"Hey, that's mine!" Reklamo ni Ynnah.

"Tch. May pangalan mo ba?" Bwisit na sabi ko.

Nakakainis! Bakit ba kailangan pa ito?! And especially bakit yung manyak na bakulaw pa na yun! Tss. At bakit kasi wala na akong ibang kaclose na lalaki dito sa Harvard. For the first place, hindi din naman kami close nung manyakis. Tsk. Kapag si Third naman ang binigyan ko, siguradong magagalit si Majoy dahil sila kaya =_____=

Pagkatapos kong bilugin yung mga cookie dough ay nilagay ko na ito sa tray at pinasok sa oven. Pagkatapos ay inagaw ko ulit yung dough na bagong gawa ni Ynnah. Nakita kong sumimangot na naman yung mukha niya.

"Haaistt! Lalagyan ko na talaga nang pangalan yung next na dough ko!" Inis na sabi niya.

Napatawa na lang ako ng mahina. Nakakatawa kasi yung reaksiyon niya. Hinati hati ko yung bilog na dough na inagaw ko kay Ynnah. Pagkatapos ay kinorte ko ito nang mga letters. Hindi naman masyadong malaki. Alam niyo nilagay ko? Eto, MANYAK. Nang tumunog na yung oven, naglagay muna ako nang kitchen gloves para hindi ako mapaso pagkuha ko nang tray sa loob. Kumuha din ako nang isang cute na box sa gilid ng table. Ilalagay ko itong cookies sa gilid para may design. Habang yung MANYAK na binake kong tinapay ay ilalagay ko sa gitna. Pero syempre, nilagay ko muna iyon sa oven.

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon