TLPT #7- Trainings for the Tradition Game

6.4K 237 28
                                    


Chapter 7- Trainings for the Tradition Game

Nylla POV

Two weeks passed. Kaya ko na rin makagawa nang mga water balls at water spikes nang tama. Nakaimbento na rin ako nang iba't ibang technic. Hindi naman kasi ako slow learner. Tsaka magaling din kasi ang trainor ko.

"Okay. Next is Shea and Third" sabi ni Sir Agustin. Siya yung nagtretrain samin para sa Tradition Game.

Next week na kasi iyon. Tumayo na ako sa bleachers nang training room at pumasok sa loob ng training orb. Kaming dalawa ngayon ni Third ang maglalaban. Kahapon kasi, Si Raven at si Majoy. Si Nylla naman, may sariling training dahil siya ang pinakamalakas samin. Kaya niyang kontrolin ang isang ability sa isip lang. Idagdag mo pa na may shield ability rin siya. She really has an awesome ability.

"Get Ready!" Rinig kong sigaw ni Sir Agustin.

Napasmirk ako. Nasa loob na kasi kami ngayon ni Third dito sa Training Orb. Magkaharapan kami. Pero may distansiya sa pagitan namin. At syempre dapat maangas ka para matakot ang kalaban mo nang kahit konti.

Nagdrawing siya sa sketch pad niya ng mabilis at inihagis sa ere pagkatapos. May bigla namang lumabas na isang hayop sa papel na inihagis niya. Parang asong malaki. Pero anim ang ulo niya. Kulay pula din yung mga mata nila. May mga matatalas din na ngipin at kuko. Nakakatakot itong tingnan. Nagpalabas ako nang isang malaking water ball at pinatama sa direksiyon nung asong halimaw pero mabilis itong nakaiwas. Nagpalabas din ako nang mga water spikes. This time, natamaan ko na siya kaya napatigil siya at napaungol sa sakit dahil madaming water spikes ang tumama sa kanya. Syempre kinuha ko na ang pagkakataon na iyon at nagrelease ako sa palad ko nang malaking water ball at pinatama sa asong halimaw. Umungol ito ng mas malakas at unti unting naglaho gamit ang papel. Sumabog sa ere ang mga punit punit na mga papel.

*Awoooo*

Napatigil ako nang napapalibutan na pala ako nang mga wolves. Tiningnan ko naman si Third nang masama. Tumatawa lang siya ng mahina. Mahilig kasi mantrip iyang si Third. Nagpalabas ako nang isang mahabang whip na syempre, made of water. Inikot ko ito, dahilan upang matamaan ang apat na wolves na nakapaligid sakin. Umikot din ako at nagpalabas nang mga water spikes sa kanila. Umuungol sila sa sakit. Mukhang nagalit na sila kaya susunggaban na sana ako nung nasa likod ko pero nakita kong susunggaban din ako nung nasa harapan ko na lobo kaya yumuko ako at tumabi ng kaunti. Susunggaban naman sana ako nung nasa kaliwa at nasa kanan ko na lobo pero nagpalabas ako nang water bombs sa magkabilang palad ko. Tulad kanina, unti unti silang naglaho na parang napupunit na papel.

Pero mas nabigla ako nang may isang malaking apoy ang papunta sa direksiyon ko kaya mabilis akong umiwas. Pero nagkapaso ako sa kaliwang braso ko. Tss. Nagdrawing pala nang isang fire dragon si Third. Mukhang enjoy na enjoy siya sa mga nangyayari. Psh. Nagpalabas ako nang isang water hurricane. Hindi ko pa ito masyado kayang kontrolin pero wala akong choice. Hindi ko basta basta matatalo ang Fire Dragon kung mga water balls at water spikes lang. Nagawa kong magpatama nang water hurricane doon sa fire dragon pero masyado itong mahina kaya nung binugahan nang apoy nung fire dragon yung water hurricane, bigla na lang ito naglaho.

Inulit ko ito ng inulit pero walang nangyayari. Nagpaulan na rin ako nang mga water spikes at water blades sa direksiyon niya pero mga galos o maliliit na sugat lang ang naidudulot nito. Nakakaramdam na rin ako nang pagod. Ang dami ko na ring mga paso o sunog sa iba't ibang parte nang katawan.

Hanggang napaluhod na lang ako sa sakit dahil nagpalabas na naman ng fire ball yung fire dragon papunta sa sikmura ko. Hindi na rin ako masyadong makaiwas sa mga atake niya dahil nanghihina na ako.

*Click*

Pero nabigla ako nang may blue na maliliit na ilaw? ang lumitaw sa harap ko. Pagkatapos, unti unti itong nagform nang isang dragon. Sa tingin ko, water dragon ito. Kasing laki rin nito ang fire dragon. Bumuga nang isang malaking apoy yung fire dragon pero naglaho lang nang parang bula yung apoy dahil bumuga din nang malaking water ball yung water dragon.

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon