TLPT #17- Club

5.3K 227 3
                                    


Chapter 17- Club

Nylla POV

"Shea, san ka nga kasing sasaling club?"

"Sa chest club ka ah, para ako coach mo!"

"Huy. Sumagot ka naman"

"Babyyyyy"

"Oy. Teacher mo parin ako. Respeto naman"

Ugggh! Inis na inis na ako ah! Naglalakad na ako ngayon dito sa hallway dahil recess na namin at may kasama akong asong ulul dahil kanina pa ito sunod ng sunod sakin. Pinagtitinginan na nga kami ng mga estudyante dito sa hallway! Bwisit! Ang lakas kasi ng boses niya. Kanina pa ako naiinis at nagagalit pero hindi ko na lang pinapansin. Pero ngayon, ayoko na! Gusto ko nang ipamukha sa kanya na AYOKO SA KANYA!

"Unang una sa lahat, HINDI KA NAMAN KAGALANG GALANG KAYA BAKIT KITA IRERESPETO?! PARA KA NGANG ASONG ULUL E! Hindi pala parang, asong ulul ka talaga. And for the 100 times, LAYUAN MO AKO!" Sigaw ko sa harapan niya. Tutal kanina pa kami pinagtitinginan, susulitin ko na.

At oo, teacher pala iyang asong ulul na lalaking iyan. Weird school talaga itong school na ito. Eh pano ba naman, tinanggap siya dito maging teacher eh mas masahol pa siya sa grade 1. At kung tinatanong niyo pa kung sino yung asong ulul, sino ba yung buntot ng buntot din sakin kahapon?! Edi si Jason! Pero imbis na magalit siya sa mga sinabi ko, nakangiti pa siya at hinawakan ang dalawang kamay ko!

"Baby, wag ka nang pakipot. Pero sige, hindi naman ako susuko sayo eh. Sa ginagawa mo, mas lalo pa kitang minamahal" sabi niya at kumindat pa. Psh. Gwapo naman siya pero pwedeng masuka?!

Sisigawan ko na naman sana siya at tatanggalin yung mga kamay niya sa kamay ko pero may biglang humigit sakin sa kaliwang braso ko. Nabitawan rin ni Jason slash asong ulul yung dalawang kamay ko. Buti naman. Pagtingin ko sa kaliwa ko, si Jared pala.

"Stay away from her" malamig pero mariin na sabi ni Jared. Nakakatakot yung aura niya ngayon. Ngayon ko lang rin nakita yung ganyang mood niya at yung klase ng pananalita niya.

"What If I don't?" Sabi naman ni Jason habang nakangisi pa. Tss. Hindi sa kanya bagay magenglish. Real talk =____=

Imbis na sumagot si Jared sa sinabi ni Jason, tumingin lang sakin si Jared. Bigla naman ako nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa paraan nang pagtitig niya. Nakakatakot. Walang kaemosyon na emosyon na makikita pero mararamdaman mo parin yung salitang takot.

"Let's go" malamig parin na sabi niya at nagsimula nang maglakad papalayo. Uhh, Let's go sabi niya diba? Edi kasama ako? Aissh. Alangan, Shia. Nasan ba yung utak mo ha? Tss.

Susunod na sana ako kay Jared pero nakakaisang hakbang pa lang ako nang hawakan ako ni Jason sa wrist kaya napaharap ako sa kanya. Shit. Mas padami na nang padami yung tao dito sa hallway. We are really making a scene here.

"Don't" sabi ni Jason at umiling pa. Yung mga mata, parang m-malungkot? Tsk.

Tiningnan ko naman ulit si Jared sa kabilang banda, nakatigil na muna siya ngayon sa paglalakad at nakatingin sakin. Napalunok na lang ako nang wala sa oras sa paraan nang pagtingin niya kaya tumingin ako kay Jason at marahang umiling at yumuko. Unti unti ko ding tinanggal yung pagkakahawak niya sa wrist ko.

"I-I can't" sabi ko at sumunod na kay Jared. Uggh. Diba dapat wala akong paki sa mga nangyayari? Bakit parang nagiguilty ako? Shit lang. Ano bang nangyayari sakin? I just followed Jared cuz im his slave remember?

Pagkalapit ko kay Jared, nakita kong nagsmirk siya bago pinagpatuloy muli yung paglalakad. Tss.

"H-Hoy. San ba tayo pupunta?" Tanong ko nang wala na akong makitang ibang estudyante dito sa nilalakad namin. Pero hindi man lang ako sinagot nitong lalaking ito. Ni hindi man lang ako tiningnan! Tch.

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon