TLPT #20- Falling

5.7K 229 17
                                    


Chapter 20- Falling

Nylla POV

"Uhh. Why are we following Nylla and Liam?" Tanong ko dito sa katabi ko.

"Tss. Just shut your mouth" sabi naman niya at awtomatikong napairap na lang ako.

Seryoso, kanina pa namin sinusundan si Nylla at Liam. Nakakatatlong booths na sila kaya nakakatatlong booths na rin kami. Para ngang nakakahalata na sila sa ginagawa namin eh.

"Tsk. Your jealous, right?" Pangasar na tanong ko sa kanya. Sinamaan niya lang naman ako ng tingin. Napailing iling na lang din ako sa sagot niya.

Haisst. Kung hindi lang kami nakaposas, kanina ko pa iniwan itong lalaking ito e! Pinagtitinginan pa ako ng masama nang mga babae na nakakasalubong namin. Letche! Gusto ko nang tahimik na buhay. Kung pwede lang sana =____=

"Zipline tayo" sabi ni Jared at tumigil na sa paglalakad kaya napatigil din ako. Napatingin naman ako sa harapan namin, dun kasi siya nakatingin.

"Game!" Sigaw ko agad at ngumiti pa ng malawak. Magiging exciting toh! Pambihira, may Zipline pala dito. Astig lang.

Ang ganda din ng view kapag nagzipline ka. Medyo bangin na kasi ito. Ngayon lang din ako nakarating sa parte ng school na ito. Parang gilid yata ito nang school. Pagnagzipline ka, makakatawid ka papunta doon sa isa pang field nang school sa kabilang dulo. Ang laki pala talaga nang school na ito.

"Ready na po kayo ma'am, sir?" Tanong sa amin nung lalaking nagassemble nang aming safety belts. Siya din yung nagbigay samin nang safety helmet. Sabay kasi kami ni Jared na magzizipline. Tsaka yung position namin ngayon, nakadapa. Yung parang kapag lumilipad ang mga superhero sa kalawakan.

Hmm, nasan kaya sila Nylla at Liam? Nawala sila? Nandito rin kasi sila kanina. Tch, Bahala na nga. Sabay naman kaming tumango ni Jared doon sa lalaki. Pagkatapos nun ay tinulak na kami upang makapagzipline na.

"Whoooo!" Sigaw namin ni Jared.

Ang ganda nang view, ang sarap pa nang simoy ng hangin. Refreshing. Tumingin ako kay Jared, nakatingin siya sa paligid nung una at tumingin bigla sakin.

*Dub Dub Dub Dub*

Bakit parang nagiislow motion yung pagngiti niya? Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Parang sasabog na eh. Umiwas na ako ng tingin dahil hindi ko na kaya pang makipagtitigan sa kanya. Pakiramdam ko, ang pula pula ko na. Napatingin ako sa ibaba nang hindi namamalayan. Pero parang bigla akong nalula kaya tumingin na lang ako nang diretso sa harapan ko.

"Bat parang namutla ka? Hahaha. Scared already? Hahaha" pangaasar na sabi ni Jared kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Uhh kind of. I just can't help myself to think that I might fall"

Pagkasabi ko nang mga salita na iyon, saktong nakarating na kami sa destinasyon namin sa other side nang zipline.

"Hey, don't be scared to fall. Just always remember that someone will save you or catch you if you fall" sabi niya.

"What if someone didn't catch me?" Hamon na tanong ko sa kanya.

"Then I will" sabi niya at nagsimula nang maglakad kaya napalakad na din ako. Pero yung isip ko, lumipad yata. A-Ano daw sabi niya?

"Let's eat first. Where do you wanna eat?" Tanong niya sakin habang natingin tingin sa paligid. Lumiwanag naman agad ang paligid ko nang may makita akong nagtitinda nang mga sweet japanese corn, kwek kwek, isaw at iba pa.

"Tara!" Excited na sabi ko at hinila si Jared doon.

"Tch. What kind of food is that? And don't you wanna eat rice?" Sabi netong lalaki na katabi ko na parang ngayon lang nakita ang mga paborito kong mga pagkain.

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon