TLPT #13- The Start of the Game

5.9K 228 6
                                    


Chapter 13- The Start of the Game

Third Person POV

"LET THE GAME BEGINS!"

Pagkasabi na pagkasabi nang isa sa mga namamahala sa laban o laro na ito ay bigla na lamang nagbago ang lugar o ang paligid at nasa tapat na nila ang mga estudyante nang Yamashida Academy. Pero may malaking distansya parin sa pagitan nila.

"N-Nasan tayo?" Tanong ni Majoy habang tumitingin tingin sa paligid.

Parang nasa ibang planeta sila. Walang mga puno sa paligid subalit may mga parang maliliit na bulkan sa lupa. May lumalabas din na usok sa mga ito pero hindi lang iyon ordinaryong usok. Masyado itong mainit na kapag madikit ang balat mo ay masusunog agad ito. At ang kalangitan naman ay madilim. Tanging ang liwanag lang sa buwan ang makikita mong liwanag.

Dahil pangapat sa pinakamagaling na school sa Magic Word ang Harvard Academy, makakalaban muna nito ang panglimang school. Ito ang Yamashida Academy. Kung sino ang magwawagi sa kanila, siyang makakalaban sa isa pang naglalaban na eskwelahan. Ang Kshatriya Academy na pangatlo at ang Wagners Academy na alam naman nating pangalawa sa pinakamagaling na school sa Magic World. At kung sino man ang napakaswerte na school na makakatalo sa tatlong school na iyon ay siyang makakalaban sa pinakamagaling na school sa lahat ng schools sa Magic World. Ang Dream High.

Hindi na sila nagpaligoy ligoy pa, nagsimula nang maglaban ang Harvard at Yamashida. Nasa tapat ni Raven ang isang babae na laser ang kapangyarihan. Nagsmirk si Raven ngunit umirap lamang ang babae. Lalapit pa sana ang babae kay Raven pero naguluhan siya bigla kung bakit hindi siya makagalaw. Isa nga kasing Shadow Controller si Raven. Kinokontrol ni Raven ang anino nang babae upang hindi siya makagalaw. Sinasamantala naman iyon ni Raven at kapag nakakahanap nang pagkakataon ay binabato niya ng swiss knife o ng dagger ang babae. Hindi magawang umiwas nang babae kaya nagkakasugat siya. Ngunit hindi niya ito iniidya sapagkat ay tuloy tuloy lang siya sa pagpapalabas nang mga laser sa palad niya.

Si Majoy naman, sinimulan niya nang ipalabas ang kinakatakutan nang lalaking kaharap niya. Napasmirk si Majoy nang makita niya ang takot sa mga mata nang lalaki. Nagpalabas kasi si Majoy nang maraming ahas habang pinapalibutan ang lalaki na nanigas na ngayon sa kinatatayuan niya. Gustong matawa ni Majoy dahil ang laking lalaki nang kaharap niya ngayon at may mukha din naman pero takot sa ahas. Pero pinigilan niya ito dahil baka mawala siya sa concentration. At dahil nanigas lang sa kinatatayuan yung lalaki, natuklaw na lang siya basta basta nang mga ahas at umalingawngaw na rin sa paligid ang ungol nang lalaki dahil sa sakit.

Si Third naman, Doll Manipulator ang ability nang kalaban niya. Nagpalabas ng mga sampung manika ang babaeng kaharap niya. Hindi ito basta bastang manika dahil kasing laki ito nang tao at nakakatakot din ang itsura. Hindi rin ito basta basta namamatay dahil hindi naman talaga sila namamatay dahil una pa lang, wala talagang buhay ang mga manika. Nagdradrawing lang si Third at pinapalabas sa papel ang mga drinawing niya. Mga sampung zombies ang drinawing niya para patas sa mga manika ng kalaban niya. Gusto niyang makipaglaro. At nagpalabas din nang isang nakakatakot na halimaw si Third upang atakihin ang babaeng kaharap niya. Inaatake lang ito nang babae ng mga kunai na dala niya. Ngunit mabilis gumalaw ang halimaw na drinawing ni Third kaya nabigla na lang ang babae nang bigla siyang sinunggaban ng halimaw at kinain.

At si Shia o alam naman nating si Nylla, super speed ang ability nang kalaban niya. Kanina niya pa ito tinitira nang mga water balls at water spikes pero hindi man lang matamaan ang lalaki na kalaban niya. Mabilis kasi itong gumalaw. Halos hindi niya na makita yung bawat kilos nang lalaki. Natatamaan na rin si Nylla dahil binabato siya nang lalaki ng mga blades. Actually nagtataka siya kung bakit hindi siya nagkakasugat man lang kahit natatamaan siya nang ibang blades. Nakakaiwas naman si Nylla sa ibang blades pero minsan hindi dahil sa sobrang bilis nito. Hanggang sa nakaisip siya nang paraan. Nagfocus siya at pinagaralan ang bawat galaw nang lalaki. Nang maaral niya na ito, nagpalabas si Nylla nang maliit na tubig sa lupa at tama ang iniisip niya, nadulas ang lalaki dahil hindi niya inaasahan na maglalagay nang tubig si Nylla sa dadaanan niya. Hindi na pinalampas pa ni Nylla ang pagkakataon na iyon, kinulong ni Nylla ang lalaki sa isang malaking water ball. Pumapalag ang lalaki dahil nalulunod na siya at hindi makahinga pero wala siyang napala. Hanggang sa tumigil na ito sa pagpalag dahil nalagutan na talaga ang lalaki ng hininga.

Nang matapos na sila Raven, Majoy, Third at Nylla sa pakikipaglaban. Napaupo na lang sila sa kapaguran. Hinahabol din nila ang hininga nila dahil sobrang bilis nang tibok nang mga puso nila. Habang nagpapahinga sila, may lumiwanag sa hindi kalayuan. May isang pinto ang nagbukas. Iyon ang hudyat upang magpatuloy sila sa paglalaban. Limang minuto lang ang binibigay na oras upang makapagpahinga.

Walang nagawa sila Raven kundi tumayo na at pumasok na sa pinto. Kung magpapahinga pa sila, magdidisqualified sila sa game. Pagkapasok nila sa pinto ay ganun parin ang paligid. Pero iba nang mga power users o mga estudyante ang kaharap nila. Nanalo ang Wagners Academy laban sa Kshatriya Academy kaya ang Wagners at ang Hardvard naman ngayon ang maglalaban. Kahit parehong pagod na ang magkabilang panig ay kailangan nilang maglaban na agad.

Ngayon naman, lalaki na ang kalaban ni Raven. Tulad naman kanina, kinontrol din ni Raven ang anino ng kalaban niyang lalaki sa harap niya. Pero lumabas sa palad nang lalaki ang kulay green na bilog na usok at binato ito sa pwesto ni Raven. Mabilis namang umiwas si Raven dahil kapag natamaan siya nito, maari siyang mamatay dahil isa iyong poison. At Poison Manipulator ang ability nang lalaki na kaharap at kalaban niya ngayon.

Samantala, si Majoy naman ay sinimulan niya nang ipalabas ang kinatatakutan nang babaeng kaharap niya din ngayon. Napasmirk naman ulit si Majoy nang marining niya ang tili nang babae, kita din ni Majoy ang takot sa mga mata ng babae.
Ano ang kinatatakutan nang babae? Heights. Nakaangat ngayon ang babae sa alipaap at takot na takot.

"Aww. Afraid of heights, huh?" Pangaasar na sabi ni Majoy. Sinamaan naman siya ng tingin nang babae.

"Arggh! Ayoko na!" Sigaw nang babae. Ang bilis nang tibok nang puso niya dahil sa kaba at takot na baka mahulog siya bigla.

"Ayaw mo na? Edi ibababa na kita" sabi ni Majoy at ginawa na ang mas lalong kinatatakutan nang babae. Ang mahulog siya. Pero bago siya mamatay sa pagkalaglag, hindi mawawala ang malakas na sigaw nang babae dahil sa takot. Ayaw man ni Majoy na makapatay, pero kailangan.

Si Third naman, Web Manipulator ang ability nang kalaban niya ngayon. Parang siya si Spider Man sa normal world na pinapanood sa palabas. Nagdradrawing nang iba't ibang klaseng halimaw si Third sa Sketch Pad niya at as usual, pagkatapos niya magdrawing ay pinapalipad niya ang drinawing niya sa ere. Nagpalabas naman ang lalaking kalaban ni Third nang isang malaking sapot at binalot iyon sa buong katawan nang isang halimaw na nakapalibot sa kanya ngayon. Yung iba namang halimaw na nakapalibot din sa kanya ay binubulag niya gamit ang sapot. Pero masyado silang madami at padami pa nang padami dahil drawing lang ng drawing si Third. Pinupuntirya nang lalaki si Third pero hinaharangan iyon nang mga halimaw na drinawing ni Third. Prinoprotektahan siya nang mga ito. Hanggang sa medyo bumagal ang galaw nang lalaki dahil medyo nakaramdam na rin ito nang pagod kaya nasunggaban na lang rin siya sa huli nang mga halimaw.

At sa kabilang banda naman, nakaupo lang si Nylla na mas kilala naman nating si Shia sa isang tabi. Hindi niya pa kayang kumontrol nang kapangyarihan nang iba kapag hindi niya ito nahahawakan. At hindi niya pa kayang magshield nang madami, hanggang dalawang tao pa lang at kasama na doon ang sarili niya. Naninibago pa kasi siya sa kapangyarihan niya at naiinis siya dahil mabilis lang na natuto si Nylla sa paggamit nang kapangyarihan niya hindi tulad niya. At ang sarili niya at si Nylla ang prinoprotektahan niya ngayon. Tinulungan niya din pala kanina si Raven doon sa babaeng laser ang kapangyarihan dahil nahihirapan kanina doon makipaglaban si Raven. Hindi naman siya nagkasugat dahil shinield niya ang sarili niya. Mabuti na lang din at apat lang ang mga representative nang Yamashida at Wagners Academy. Pero alam niyang lima ang representative nang Dream High. Alam din ni Shia na mananalo sila ngayon laban sa Wagners dahil nakaplano na ito. At kailangan niyang maghanda dahil mapapalaban siya nang one on one.

Si Nylla naman ngayon ay Earth ang ability nang kalaban niya ngayon. Nahihirapan siya ngayon dahil niyayanig nang kalaban ang kinatatayuan niya. May mga tipak nang lupa din ang pumupunta sa direksyon niya dahil sa kalaban. Pero tulad kanina, hindi man lang nagkakasugat si Nylla. Nagpapalabas din siya nang mga water balls habang umiiwas. Napapaluhod din kasi siya kapag niyayanig nang kalaban niya ang kinatatayuan niya kaya hindi siya masyadong makaconcentrate. Hanggang sa may naisip siyang paraan at ngayon niya lang gagawin ito. Nagfocus si Nylla kahit hindi na siya makatayo dahil sa malakas nang pagyanig nang kinatatayuan niya. Sinakal niya ang lalaking kalaban niya gamit ang tubig. Tumigil ang pagyanig kaya mas lalo siyang nakapagconcentrate sa pagsasakal sa kalaban hanggang sa nalagutan na din ang kalaban nang hininga.

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon