TLPT #21- Archery

5.6K 227 13
                                    

A/N: Eto na po yung update. Sorry kung natagalan. Hahaha. Busy po si author eh.

Gusto ko lang din po sabihin na yung rules po sa archery dito ay ginaya ko lang sa isang book na nabasa ko. Lels. Yun lang po, Enjoy Reading! Mwuaps! :*

Chapter 21- Archery

Shea POV

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa dalawang lalaking maskulado at pangknight ang suot. Galing nga pala ako sa basketball court namin dito. Pinanood ko sila Jared. Panalo nga sila eh.

Nasa tapat naman ng kwarto ko dito sa dorm yung dalawang lalaki. Aissh. Girl's Dormitory ito pero pinapasok sila?! Sabagay, siguradong utos na naman ito ng dating hari na ama ni Nylla na ama ko kunlari ngayon. Magulo ba?

"Nandito na po yung mga magsusukat at magdedesign ng gown niyo, mahal na prinsesa" sagot nung nasa kaliwa habang nakayuko silang dalawa sa harapan ko.

Napabuntong hininga naman ako. Well, may gaganapin kasi na party sa palasyo. Gusto daw ako ipakilala ng kulariang tatay ko ngayon sa lahat. Aissh. Tito Harold na nga lang tatawag ko sa kanya. Ang haba kasi nung 'kunlariang tatay.'

Pagkapasok ko sa loob ng kwarto, may nakita akong dalawang bakla sa loob. Yung isa ay hinahanda yung mga gamit na gagamitin sa table at yung isa naman ay nagbabasa ng magazine habang prenteng nakaupo sa silya. Pero pagkakita nila sakin, lumapit sila agad at magalang na yumuko.

"Magandang umaga, Mahal na Prinsesa" sabay nilang sabi. Tumango na lang ako at nilampasan sila.

"Let's get this over with" sabi ko. Mabilis naman silang kumilos at inumpisahan na ang pagsusukat sakin para sa gown na itatahi. Nakapili na rin kasi ako nang gown na isusuot.

Inaamin ko, naasiwa ako kasi alam kong dapat kay Nylla talaga ginagawa itong mga bagay na ito at hindi sakin. Hindi ko naman ugali na mangakin sa mga bagay na hindi akin. Pero wala akong magagawa, ito ang utos sakin. Sinusunod ko lamang. At kung tinatanong niyo kung pano ako naging parte ng Wagners, isa rin kasing Wagner ang pamilya ko noon. Kaso nga lang, namatay sila agad ng maaga. Nalungkot ako pero hindi gaano. Hindi ko naman kasi naramdaman na tinuring nila akong anak kahit minsan. At kung tinatanong niyo kung bakit pinagpalit kami ni Nylla nang katawan at kung bakit tinanggalan siya ng memorya at pinalitan nang bago, hindi ko din alam.

Tsaka ang weird lang din kasi nung mga oras na nandoon ako sa palasyo at kasama si Tito Harold, iba ang naramdaman ko. First time na naramdaman ko na safe ako at nasa tamang lugar ako. Kumportable din ako kapag kasama ko si Tito Harold. Parang feeling ko din, galing na ako sa lugar na iyon. Basta, hindi ko maintindihan.

"Uhh. Tapos na ba?" Tanong ko. May gagawin pa kasi ako. May laban kasi ako ngayon sa Volleyball. Ang alam ko, kalaban namin yung Yamashida Academy. Ang alam ko din, puro japanese ang estudyante doon. Pero may iba din naman na hindi.

Nylla POV

"Uuuy, papalapit satin dito si Jared oh!" Sabi ni Andrea habang sinusundot sundot pa ako sa tagiliran. Aissh. Kilala niyo na naman siya diba? Yung kaclubmate ko. Kasama ko kasi siya ngayon at kasalukuyan kaming nasa basketball court. Kakatapos lang din nung laban.

"I have eyes, Andrea. And stop that" inis na sabi ko sa kanya. Ngumisi naman siya. O-okay?

"Hmm, I wonder why are you blushing" rinig kong sabi niya. Sasabihin ko na sana ULIT na tumigil na siya at hindi naman ako nagblublush pero nakalapit na sa amin si Jared kaya sinamaan ko na lang siya ng tingin. Imbis matakot, tumawa lang siya ng mahina. Tss. Bagay sila nung kapatid ni Jared.

"Uhh, congrats" sabi ko at ngumiti ng tipid. Bakit parang nahihiya ako? Aissh. Kainis kasi itong Andrea na ito eh.

"Haha. Thanks" sagot naman niya habang nakangiti.

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon