TLPT #10 -Acquaintance Party

5.9K 257 24
                                    

A/N: Guys, pwede niyo pong balikan yung mga ibang previous chapters. Especially po sa book one dahil naglalagay po ako nang mga pictures po ng mga characters. Hahaha. Yun po yung ginagawa ko kapag natatamad ako magUD. Pero kung ayaw niyo naman po, ayos lang naman po sakin. Lels.

Enjoy Reading! Mwuaps! :*

Chapter 10- Acquaintance Party

Nylla POV

"Omygod, Ny--este Shea! Ang ganda mo! Sobra! Kainggit kaaa! Haha" Sabi ni Ynnah habang pareho kami ngayong nakaharap sa salamin.

Inayusan niya kasi ako dahil hindi ako marunong magayos. Actually, pinilit lang ako nila Majoy. Nandito din kasi ngayon sa room namin si Majoy. Dito na din siya nagayos dahil hindi niya daw gusto yung ugali ng karoommate niya. Ang alam ko siya yung babaeng slut nung first day ko dito.

"Nakuu! Mas lalong mahuhulog  niyan sayo si King Jared! Hahahaha" pangaasar na sabi ni Majoy.

Tss. Napairap na lang ako. Blinackmail na naman kasi nila sakin na papaalisin nila ako sa grupo ng The Shadow Devils kapag hindi ako nakaayos at nakacocktail dress. Ayoko namang mangyari yun dahil buo na yung desisiyon ko na sasali ako sa Tradition Game. At kapag sinabi ko na, wala nang atrasan pa. Pero ang nakakainis lang, wala akong magawa kundi sumunod sa kanila. I can't believe that someone already bullied me for the fvcking first time and now, someone is blackmailing me. I should be the one who suppose to do those bullying and blackmailing stuffs to them!

*Tok Tok Tok*

"Ohemgee! Nanjan na ang prince charming mo!" Kinikilig na sabi ni Ynnah. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan tsk.

Inhale. Exhale. Si Jared lang iyan Shea. Wag kang kabahan. Paglingon ko sa pintuan, halos mapanganga ako. Inaayos niya yung necktie niya pagkatapos ay tumingin sakin. A-Ang g-gwapo niya. Sobra. Nakatuxedo siya at nakablack na slacks. Bakit parang lumiliwanag yung lahat? Bakit parang siya lang yung nakikita ko? Bakit nagslow motion yung pagsmirk niya? Aissh. Nababaliw na yata ako. And here it goes, my never ending fast heartbeat.

"Hoy, Shea! Ano, natulala sa kapugian ni prince charming?" Bulong sakin ni Ynnah na nakapagbalik sakin sa katinuan. Bigla naman akong umiling iling.
Pero tinulak naman ako bigla ni Majoy ng malakas sa likod ko. At dahil nakaheels ako, naout of balance ako at patumba na sana nang--- saluhin ako ni Jared. Nasa likod ko ang dalawa niyang kamay habang ang mga mukha namin ay malapit sa isa't isa. Napalunok ako nang wala sa oras nang tingnan ko ang labi niya.

"Yiiieee! Omyghad! I can't breathe!! Kelegoverload!!! Kyaaah!" Tili nila Ynnah at Majoy. Psh. Tinayo naman agad ako ni Jared. Inayos ko na lang yung damit ko. Bakit parang nahiya ako sa kanya? Tch.

"Let's go" walang kaemo-emosyon na sabi ni Jared at nauna nang maglakad. Psh. Manyak na, hindi pa gentleman. Aissh! Bahala nga siya sa buhay niya! Bwisit!

"Hoy! Pwedeng bagal-bagalan mo yung lakad mo?! Nakaheels ako for pete sake!" Sigaw ko. Pero tuloy tuloy lang siya sa paglalakad sa hallway papuntang Main Hall kung saan gaganapin ang Acquaintance Party. Aba aba! Makakatikim talaga sakin ang lalaking ito! Napupuno na ako sa kanya! Kinuha ko yung heels ko sa kaliwa kong paa at binato sa kanya. Ayun! Tumama sa likod niya. Bigla naman siya tumigil at lumingon sakin na nakanuot ang noo.

"God! Sa wakas, tumigil ka din sa paglalakad!" Sabi ko. Pero sigurado, masakit yun. Tumama ba naman yung takong ng heels sa likod niya. Pfft. Hahaha. Bigla naman siyang lumapit sakin at binuhat ako. Yung parang nagbubuhat siya ng sako ng bigas sa balikat niya =____=

"H-Hoy! Anong ginagawa mo?! Ibaba mo nga ako!" Sigaw ko habang pinagsusuntok yung likod niya. Pero hindi parin niya ako binababa! Nakakahilo kaya! Yung feeling na yung ulo ko nasa likod niya at nalulula ako dahil ang tangkad niya.

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon