TLPT #22- Questions

5.3K 220 7
                                    

A/N: Yung pangalan po ni Shea ay Shea po talaga. Minsan po kasi nagagawa kong Shia. Hahaha.

Chapter 22- Questions

Nylla POV

"Hoy, Shea! Gising naaaaa!"

"Ughh, ano ba! Natutulog pa yung tao eh"

"Anong ano ba! Isang oras na lang laban mo na!"

"Aissh. Fine! Babangon na!" Inis na sigaw ko at tamad na bumangon sa kama. Kainis naman itong si Andrea eh!

"Good!" Nakangiting sabi niya at nagsalampak ng earphones sa tenga niya. Tss. Pumasok na naman ako sa banyo.

"Uy, Congrats pala. Sorry kung nalate ako" sabi ni Jared pagkapanalo ko.

"O-Okay lang" sabi ko at ngumiti ng tipid.

"Teka, diba laban din ngayon ni Nylla?" Tanong ko.

"Uhh oo nga pala. Inextend kasi ng 30 minutes yung laban nila kanina kaya sabi ko, manonood muna ako ng laban mo. Sige, alis na ako ah. Congrats ulit" sabi niya habang nakangiti at umalis na.

Hindi ko alam pero nalungkot na naman ako nang maalala ko yun. Hayss. Bakit ba nalulungkot ako na kahit pumunta siya sa laban ko, si Nylla parin pala yung pipiliin niya saming dalawa? Na kung hindi inextend yung laban nila Nylla hindi siya makakapunta sa laban ko. Alam ko naman na si Nylla talaga yung pipiliin niya pero bakit ganito yung nararamdaman ko? Aissh.

"Hoy. Tulala ka jan?" Sabi ni Andrea habang naglalakad na kami ngayon sa hallway.

"Wala" bagot na sabi ko at mas binilisan pa ang lakad. Pero napatigil ako nang may humarang sa dinadaanan ko. Napakunot naman yung noo ko nang mapagtanto kung sino ito.

"Hi Shea! Congrats kahapon! At goodluck mamaya! Chicheer kita!" Sigaw niya at niyakap pa ako.

"H-Hindi a-ako ma-makahinga" sabi ko. Kumawala naman din siya agad sa yakap ng sinabi ko iyon.

"Hehehe peace ^____^v" sabi niya. Tss, ano na naman bang trip niya ngayon sa buhay?

"Aalis na ako" sabi ko at nilampasan na siya. Pero naramdaman kong bumigat yung balikat ko kaya napatingin ako sa katabi ko. Napakunot ulit yung noo ko. Mambubwisit na naman ba siya?!

"Hoy Jason! Wala ako sa mood makipagbiruan sayo!" Inis na sabi ko at marahas na tinanggal yung braso niya sa balikat ko. Pero hinawakan ko muna yung wrist niya at inikot o binaliktad yung braso niya.

"A-Aray, Shea!" Angal niya.

"Sinasabi ko sayo, Jason. Wag na wag mo kong guguluhin kung ayaw mo pa sumakabilang buhay" malamig na sabi ko at binigyan siya ng death glare. Nakita ko namang napalunok siya.

"Hehehe. S-Sino bang may s-sabi na g-guguluhin kita? Hehehe" pinagpapawisan na sabi niya. Kung hindi lang ako badtrip, baka natawa na ako sa itsura niya. Ewan, bakit ba kasi naiinis ako?! Bago ko pa mabuntungan ng inis si Jason ay binitawan ko na yung wrist niya at naglakad na palayo. Pero bago ako makalayo, narinig kong bumulong si Jason kay Andrea.

"Anyare dun? Beast mode?"

"Aba'y ewan. FC lang? Hmpf!"

Tss.

"Ghad! Akala ko malelate ka naman!" Bungad sakin ni Veronica pagkadating ko sa bleachers ng players dito sa Archer's Field.

"Maraming namamatay sa akala" malamig parin na sabi ko at kinuha na yung vintage bow sa lamesa pagkatapos kong maglagay ng mga protective guard.

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon