TLPT #40- Happy 3rd Monthsary?!

5.8K 202 9
                                    


Chapter 40- Happy 3rd Monthsary?!

Shaina POV

"Shaina!"

Napalingon ako nang may tumawag sakin. At kilalang kilala ko na ang boses na yun. Pagharap ko, siya nga. Hmm, ano naman kayang natira nito at sobrang lawak ng ngiti?

"May good news ako!" sabi niya. Napatawa naman ako. Hindi nga halata na may good news siya.

"Dalian mo. Gusto ko nang magpahinga" sabi ko at nagcrossed arms pa. Haha. Kasi naman, masyado akong naging busy kanina sa infirmary. Dahil nga training day, madaming pasyente.

Eh papasok na sana ako sa Girl's Dormitory dahil gustong gusto ko na ngang ipikit ang mga mata ko at matulog. Kaso sumingit naman itong lalaking ito! Pero ehem, nabuo din sa wakas ang araw ko. Ngayon ko pa lang kasi siya nakita ngayong araw. Nagtaka nga ako kung bakit hindi man lang siya dumalaw sa infirmary. Ayy mali! Bumisita pala. Hahaha. Ano yon, dadalaw sa patay? Hahaha. Baliw ko talaga.

Pero mas baliw si Tricia :P

Nabigla naman ako nang niyakap niya ko. Aba tsansing ang loko. Pero pagbigyan na, gusto ko rin naman. Hahahaha. Kumekerengkeng na talaga ang lola niyo. Pagpasensyahan niyo na. Hihihi. Minsan lang naman XD

"Bati na kami ni Nylla! Nagbonding pa nga kami kanina eh. Grabe pala yung feeling noh? Para akong nabunutan ng isang libong tinik sa dibdib ko" sabi niya habang yakap parin ako. Napangiti rin naman ako at tinapik siya sa balikat.

"Nuks naman! Sa wakas nalabanan mo na rin yang kabadingan mo! Hahahaha" pangaasar ko. Humiwalay na naman siya sa yakap at sumimangot.

Kasi naman, matagal na yan sakin humihingi ng tulong na gusto niya daw makausap si Nylla at makahingi ng tawad sa mga inasal niya sa kanya. Pero ang loko, laging tumitiklop. Nangingibabaw daw kasi palagi yung kaba niya. Pfft.

"Wag ka nga munang mangasar. Kitang good mood eh. Wag muna ngayon, ayoko mabadtrip" sabi niya at pilit na ngumiti. Napatawa na lang ako.

"Haha. Oh sige na, masaya ako para sa inyong dalawa. Sa wakas nagkaliwanagan na din kayo! Juskoday! Mababawasan na din ang isang pasakit ko sa buhay!" sabi ko. Ako kasi lagi ang nagiisip ng paraan para magkabati sila. Ayoko sanang pumayag nung una pero nagmakaawa ng sobra ang loko kaya wala akong nagawa kundi ang pumayag. Alam niyo namang hindi ko siya kayang tiisin eh. Tirisin lang. Hahahaha deh joke.

"Hahaha. Sige, alis na ko. Malapit na magcurfew eh. Goodnight!" sabi niya at kumaway. Tumango at kumaway naman ako pabalik.

"Goodnight! Ingat ka!" huling sabi ko bago ako tuluyang pumasok sa Girl's Dorm.

Nang marating ko ang kwarto namin, agad kong binuksan ang pinto at pumasok na dahil baka iniintay na naman ako ni Nylla. Baka nagaalala na yun dahil anong oras na naman ako nakauwi at halos umabot na sa curfew ng school.

Pero pagpasok ko sa kwarto ko, nakita ko siyang nakatulala. Unti unti akong lumapit sa kanya at winagayway yung kamay ko pero parang hindi niya ako nakikita. Ni hindi man lang siya nagblink man lang! Jusko! Anong nangyari dito?!

"Hoy, Nylla!" sigaw ko pero waepek pa rin. Nakatulala parin siya. Nasapian ba toh? Tumingin naman ako sa paligid. Wala namang ibang tao dito bukod saming dalawa?

"NYLLAAAA! HOOOOOY!" Sabi ko with matching alog alog pa sa magkabila niyang balikat. Akala ko magagalit siya pero nagkamali ako. N-Niyakap niya ako!

Naramdaman kong medyo nagtaas baba yung balikat niya habang nakayakap parin sa akin. U-umiiyak siya? Agad ko naman siyang hinagod sa likod. Mukhang hindi niya na rin mapigilan pang mapahikbi dahil medyo naririnig ko na yung hikbi niya kaya mas napagtanto kong umiiyak nga talaga siya.

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon