TLPT #35- Im Not The Lost Princess

6.6K 255 12
                                    


Chapter 35- Im not the Lost Princess

Nylla POV

Unti unti akong napamulat ng maramdaman ang sinag ng araw sa mukha ko. Tumambad naman sakin ang isang magandang mukha ng aking ina habang nakangiti. Hmm, nakatulog pala ako. Tumingin ako sa bintana ng kwarto, mukhang tanghali na. Ano ba yan, sabi ko iidlip lang ako. Siguro nakatulog din ako agad dahil sa kapaguran.

"Goodmorning" bati niya. Ngumiti naman ako at tumango bilang tugon. Umupo na rin muna ako sa kama ko at sumandal sa headboard ng kama. Parang sumakit yata yung ilang parte ng katawan ko ah. Samantalang kanina wala akong maramdaman kahit katiting na sakit.

Nakauwi na pala kami ngayon dito sa palasyo pagkatapos yung nangyaring labanan. Gusto kong bumalik ngayon sa Dream High. Hindi ko nagawang makausap si Shaina nung nasa Wagners pa kami dahil busy siya sa paggagamot. Tapos hindi ko rin nakausap si Tricia dahil hindi ko siya makita kahapon. Ang mga nakausap ko lang ay sila Brian, Veronica, Liam, Jason at Collin.

"K-Kamusta po ang kalagayan nila Jared at Raven?" Tanong ko.

Nakita rin kasi namin si Raven sa isang underground na parte ng palasyo. Duguan ito. Puro sugat at pasa pa. Hindi ko nga rin siya nagawang tingnan ng maayos kahapon dahil sobrang naawa ako sa kalagayan niya. Nung nakita ko rin si Raven na ganoon ang sitwasyon, mas lalo akong naguilty dahil naalala ko yung mga sinabi ni Shea sakin. Na maraming ginawang sakripisyo si Raven para lang sa akin. Para lang sumaya ako. At alam kong dahil din sakin kung bakit siya duguan at halos wala ng malay kanina.

"Ayos na naman silang dalawa dahil nagamot na sila pero hindi parin sila nagigising pareho" sagot ng ina ko. Tumango tango naman ako at medyo nakaginhawa. At least okay na sila.

Pagkatapos pala mawalan ng malay si Queen Hartley na isinalo ni Collin ay inuwi niya na ito agad sa palasyo. Kasama na rin dito si Shea kaya sumama na lang rin ako.

"C-Can I ask you something? I just want to have a clarification" Tanong ko at napalunok. Tumingin naman siya sakin ng diretso at ngumiti.

"Go ahead" sabi niya.

"A-Are you really my mom?" Tanong ko. Ngumiti naman ulit siya at tumango bilang sagot. Halata rin sa mukha niya na nagiintay pa siya ng mga tanong.

"Okay... I-Is the King of Death really my father?"

"...Yes"

"Is Shea my sister in mother/your side?"

"Yes"

"So, Shea is the lost princess not me?"

"....Uhh. Y-Yes"

"Can I have some explanations please?" Huling sabi ko na nagpabuntong hininga sa kanya.

"Nagmamahalan kami dati ng Dad mo na si Miguel. Part siya ng Wagners pero hindi pa siya yung King of Death noon. Naging parte ako ng Wagners dahil nagrerebelde ako noon dahil sa mga magulang ko. They want me to get married to a man I don't love! Syempre nung una hindi ako pumayag dahil mahal na mahal ko ang Daddy mo. P-Pero tinakot nila akong papatayin nila lahat ng Wagners at kabilang na doon ang tatay ng Daddy mo at siya. Napamahal na ako sa mga Wagners dahil hindi naman lahat sila ay talagang masasama kaya wala akong nagawa kundi ang pumayag. I have no choice but to agreed to them!" Kwento niya at napapatawa pa habang napapailing. Bakas ko rin sa kanya ang mga emosyon. Para bang bumabalik lahat ng mga alaala at nararamdaman niya habang nagkwekwento siya. Tsaka sa pagkakatanda ko, some of the parts here are already said to me by the Dad of Shea. Yung mga panahon na ikinwento sakin ng tatay ni Shea yung lovetory nila ng Queen.

"Well, you see. I got married with the father of Shea. At alam mo ba bago ako ikasal, pinanganak kita. May nangyari kasi samin ng ama mo mga araw bago ako lumayo at iwan siya. Pero hindi yun alam ng Dad ngayon ni Shea. Nung nalaman kasi ng mga magulang ko na buntis ako at yung ama mo yung ama, gusto nila ipalaglag yung batang idinadala ko. Pero hindi ako pumayag dahil sabi ko, ikaw na lang ang tanging simbolo ko sa pagmamahalan namin ni Miguel noon. Kaya walang nagawa sila kundi iextend ang kasal hanggang sa manganak na ako. At pagkapanganak ko, sinabi ng mga magulang ko na ipapalabas nila na anak ka ng isang matapat na katulong ng palasyo na kinilala mo ngang ina na si Yvette"

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon