TLPT #42- Gonna Break His Heart

5.2K 173 13
                                    


Chapter 42- Gonna Break His Heart

Nylla POV

"Oh? Ba't gising ka pa?"

Napalingon ako sa kanan ko ng may nagsalita. Inirapan ko na lang siya.

"You think I can sleep after what your evil Mom told me to do?" Irita kong sabi. Uggh! And yes, siya yung isa pang anak nung Queen of Darkness na ina ni Jared. Tss.

"Pfft. By the way, my name is Scar" sabi niya at umupo sa tapat ko. Kasalukuyan kasi ako ngayong nakaupo sa isang stool dito sa kitchen. Yup, nasa bahay ako ng reyna ng kadiliman. Tch.

"Hmm, first time. May isang tao na hindi natawa sa pangalan ko" sabi pa niya at kumuha ng wine. Hindi ko alam kung saan niya nakuha yun.

"Ba't naman ako matatawa sa pangalan mo eh ang panget-panget naman?" Sabi ko at inirapan ulit siya. Ewan ko ba, parang naiinis ako na ewan!

"Ouch. Makasabi ka naman ng panget! Tsaka dapat ka matawa ka kasi nga panget! Kumbaga, katawa tawa yung pangalan ko" sabi niya at ininom na yung sinalin niyang wine sa baso. And take note, with actions pa yung pagkasabi niya ng'Ouch.' Bakla ba siya? Tss.

"Tss. Ano bang katawa-tawa sa salitang 'Scar.' Eh para ngang nakakalungkot ang pangalan na yun" sabi ko at kumuha din ng baso sa isa sa mga racks na nasa tabi ng lababo nila at nagsalin din ng wine.

Tumingin naman ako sa kanya habang nagsasalin ako sa baso ko. Hmm, nakakunot ang noo niya. Naweirduhan siguro sa sinabi ko. Tss.

"Pano mo nasabi?" Tanong niya makalipas ang mga ilang minuto. Nagkibit balikat naman ako.

"Maybe because a scar represents a bad or sad thing? Well you see, parang ito ang marka ng isang tao sa isang masalimuot na past life niya. Because a scar represents a lot of memories that you don't want to be remembered anymore" sabi ko at itinungga ng isang inom lang yung wine na isinalin ko sa baso ko. Ghad. Hindi naman kasi mataas yung tolerance ko sa alcohol kaya sumisipa tuloy sa lalamunan ko.

"You really are something. Hindi na ako nagtaka kung bakit ikaw ang minahal niya" bulong niya. Pero dahil kaming dalawa lang ang naririto at sobrang tahimik nitong lugar, narinig ko yung sinabi niya. Awtomatiko namang napakunot yung noo ko.

"Pinagsasabi mo diyan, ha peklat?" Sabi ko at tinaasan pa siya ng isang kilay habang tuloy parin ang inom. Napatawa naman siya at napailing-iling.

"Ang sweet mo naman. May endearment ka na agad sakin?" Sabi niya kaya napairap ulit ako.

"In your dreams, idiot" saad ko at sabay tungga na naman nung wine na isinalin ko. Shit nahihilo na ko.

"H-Hoy, tama na nga yan! Baka malasing ka!" Rinig kong sabi niya at kukuhanin na sana sakin yung wine pero agad ko itong hinablot sa lamesa at inilayo sa kanya. Niyakap ko pa ito para hindi niya makuha.

"Ayoko! Gusto ko pa uminom!" Tanggi ko.

"No! Akin na yan!"

"Sabing ayoko eh!"

"Isa!"

"Dalawa, tatlo, apat, lima. Marunong ako magbilang noh!"

"Aissh! Ang kulit mo naman!"

Nakita ko siyang bumuntong hininga na lang pagkatapos kaya bumelat ako sa kanya. Alam niyo yun? Yung nilalabas yung dila para maasar yung taong binebelatan mo. Haha.

"Tsk. Fine! Pero bahala ka kapag nalasing ka ah!" Sigaw niya. Tumango na lang ako habang ang lawak ng ngiti. Yey! I won!

Scar POV

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon