TLPT #32- Attack

6.6K 237 6
                                    

A/N: Paalala lang po na hindi ko ineedit yung mga inaupdate ko kaya sorry na lang po ulit kung madaming typos. Hehe.

PS: Naguguluhan na ba kayo sa takbo ng storya? Ako din eh. Hahahahaha :P

Chapter 32- Attack

Third Person POV

DREAM HIGH

Pagkatapos malaman ni Jared ang totoo sa pagkatao ni Shea at Nylla, dali-dali siyang tumayo.

"Where are you going?" Tanong ni Veronica.

"I need to see her" mariin na sagot ni Jared. Aalis na sana siya pero hinawakan siya ni Veronica sa braso kaya napatigil siya. Kunot noong tiningnan niya si Veronica pero seryosong nakatingin sa kanya ang babae kaya mukhang importante ang mga sasabihin nito.

"Kung si Nylla na nasa katauhan ni Shea ang hinahanap mo, ako na ang nagsasabi na wala na siya ngayon dito sa Dream High" sabi ni Veronica.

(A/N: Hindi pa po nila alam na pinagpalit na ulit ang katauhan nila. Na binalik na si Shea at Nylla sa dati. Ang alam pa lang nila ngayon ay si Nylla nasa katauhan parin ni Shea at si Shea ay nasa katauhan parin ni Nylla. Kumbaga, ito yung nangyayari sa Dream High noong naguusap pa lamang sa bahay si Nylla at Raven at hindi pa dumadating si Morgan para ibalik sila sa Wagners Kingdom. Yun pa lamang kasi ang nakikita nila Jared sa crystal ball)

"What do you mean by that?" Tanong ni Jared. Nakikinig lang naman sila Madam Barbara at Brian sa tabi.

"Can't you see?! Kasama niya na si Raven ngayon! Ibig sabihin nasa kamay na siya ngayon ng mga Wagners!" Sambit ng dalaga. Kumuyom naman yung mga kamao ni Jared sa narinig. Oo, alam niya yun pero hindi niya lang talaga matanggap na hindi na naman niya naprotektahan ang babang minamahal.

"Pero bakit mukhang wala pa yata sila sa Wagners? Sa nakikita ko ngayon parang pwersahan nilang pinapasama sa kanila si Nylla at Raven" singit ni Brian. Tiningnan ni Jared at Veronica si Brian dahil sa sinabi niya pero nakatingin lamang ito sa crystal ball na nasa harapan kaya napatingin na lamang din doon si Jared at Veronica.

Napakunot ang noo nilang dalawa nang napatingin sa magic ball. Kasalukuyang hinawakan ng mga nakamaskarang lalaki si Raven at Nylla. Pumapalag si Raven pero wala siyang magawa dahil ang daming nakahawak sa kanya. Pwersahan din silang ipinasok sa portal. Tumatawa at ngumingisi lang naman yung Morgan. Mas umapaw ang galit ni Jared sa nakita. Hanggang sa nawala na lang bigla ang mga nangyayari sa crystal ball. Biglang napalitan ng itim.

Wala nga din pala silang naririnig na kahit paguusap man lang sa magic ball dahil hindi abot doon ang kapangyarihan ng mahiwagang bola.

"Mukhang sapat na yata ang impormasyon na nakita niyo sa akin ngayon" sabi ni Madam Barbara.

"Jared, magiingat ka. Wag kang magpapadalos dalos. Sige na, maari na kayong umalis" sabi pa ni Madam B nang walang umimik sa sinabi niya kanina.

Biglang nagbago ang paligid nila Jared. Nasa isang field na sila na walang katao tao dahil 8:40 na at ilang minuto na lamang ay curfew na ng school.

"A-Anong gagawin natin ngayon?" Basag ni Brian sa katahimikan. Mukhang ang lalalim kasi ng mga iniisip ng dalawang kasama niya.

"Kung hawak na nga nila si Nylla ngayon, kailangan natin siyang bawiin. Hindi ako makakapayag na may gawin na naman silang kakaiba sa babaeng mahal ko" mariin na sabi ni Jared habang nakatingin ng diretso.

Kung pwede lang siya magwala ngayon, gagawin niya. Hindi niya parin lubos matanggap na nagpakatanga at nagpakabulagbulagan siya. Kasalanan niya ang lahat. Kung hindi lang siya naging mahina noon, hindi madadakip ng Wagners ang babaeng mahal niya at siguro hanggang ngayon, masaya parin silang magkasama.

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon