TLPT #33- King Jared vs King of Death

6.5K 227 15
                                    


Chapter 33- King Jared vs King of Death

Third Person POV

Nakikipaglaban na ngayon ang mga kawal o mga alagad sa Wagners Kingdom laban sa ilang tagaDream High at tagapalasyo. Nasa openfield ang iba samantalang ang iba ay nasa tapat lamang ng palasyo malapit sa Garden. Meron ding ilan na nakikipaglaban sa Main Hall ng palasyo. Hindi inaasahan nila Madam Sofia na sobrang dami pala ng mga alagad/kawal ng Wagners. Mukhang natunugan na talaga ng Wagners na susugod sila ngayon. Parang walang katapusan ang mga kalaban. At ang iba pa ay mga mukhang estudyante pa lamang. Pero kapag titingnan mo ito ng mabuti sa kanilang mga mata, mababakas mo na mukhang nahypnotize sila.

Imbis na matulungan ni Sir Baltazar si Jared, nastuck siya sa isa sa mga corridor ng palasyo dahil sa daming sumusugod sa kanya. Hindi niya na nasundan pa si Jared dahil maraming humarang sa kanya. Bigla naman lumitaw si Jonas sa tabi nito.

"Sorry, im late" sambit nito at tinulungan siya sa pakikipaglaban laban sa mga Wagners.

"Tsk. Ikaw na ang tumulong sa kapatid mo. Ako ng bahala dito..." hingal na hingal na sabi ni Sir Baltazar kay Jason.

Naglabas muna ng isang malaking pasabog si Jason sa medyo malayong corridor na kinatatayuan nila. Habang mas tumatagal kasi ay mas dumadami pa ang mga lumalapit sa kanila at nakikipaglaban. Mabilis namang dumapa si Jason at Sir Baltazar bago sumabog yung bomba na inihagis ni Jason. Halos mabiak at gumuho din ang pathway at dingding ng corridor dahil sa ginawang pagsabog.

"Ayan ah. Madami na akong napatay kaya malaki na yung natulong ko sayo" pangaasar na sabi ni Jason kay Sir Baltazar bago tumakbo paalis at hanapin na ang kapatid.

Wala na silang pakielam kung magkaroon ng malaking damage ang Wagners Kingdom dahil lamang sa mga kapangyarihan nila. Alam na naman nilang sinusugod na sila. Napatumba naman si Jason ng yumanig yung tinatapakan niyang sahig. Mukhang isa sa mga nakikipaglaban ngayon ay may kapangyarihan na lupa.

Nagpatuloy siya sa pagtatakbo o paglalakad ng mabilis upang mahanap ang kapatid. Pero nang makarating siya sa gilid na parte ng Wagners Kingdom, marami agad ang sumalubong sa kanya na mga kalaban.

Samantala, napagising sa mahimbing na pagkakatulog si Nylla nang makarinig ng isang malakas na sabog. Napakunot ang noo niya. Akala niya ay wala lang yung mga ingay na naririnig niya kanina pa. Bumangon siya sa kama at pumunta sa pintuan ng kwarto upang silipin ang mga nangyayari sa labas. Ngunit hindi niya pa nahahawakan ang door knob ay napatumba na lang siya sa lakas ng pagyanig ng lupa. Halos mahilo din siya pero mabuti naman at hindi ito masyadong nagtagal.

Tatayo na sana ulit siya para makalabas pero kusang bumukas yung pinto at pumasok ang isang maskuladong lalaki na nakamaskara. Isa ito sa mga kawal o alagad sa Wagners pero anong ginagawa nito dito? Mas lalo namang kumunot yung noo niya ng pwersahan siyang nilagyan ng handcuffs.

"H-Hey! What are you doing?! Where are you taking me you asshole!" Inis at galit na tanong ni Nylla nang pwersahan siyang pinatayo at pinalakad papaalis ng kwarto. Ano bang nangyayari?! Tanong niya sa kanyang isip.

Alam niyang hindi maganda kung anoman ang nangyayari ngayon. Pero hindi niya parin alam ang dahilan dahil nararamdaman niya lang. Halos mapadasal din siya na sana walang mangyaring masama sa gabing ito kahit impossible nang mangyari iyon. Pagod na pagod siya sa utak, katawan at sa loob at sa labas. Hindi niya alam kung saan niya pa nakukuha ang enerhiya niya ngayon pero nararamdaman niyang pwede siyang mahimatay ngayon kahit anumang oras.

Mas lalo pang napakunot ang noo niya ng makakita siya ng wasak na corridor. Nakita niya rin si Sir Baltazar na halatang napapagod na sa pakikipaglaban pero napakadami parin ng kalaban niya. Mukhang hindi sila napansin nito nang dumaan sila Nylla dahil sa sobrang seryosong pakikipaglaban.

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon