TLPT #4- Training

8.1K 288 22
                                    

A/N: Sorry sa mga typos or wrong grammars kung meron man. Hahaha. Enjoy Reading! Mwuaps! :*

Chapter 4- Training

Daniel POV

Haay. Kagagaling ko lang sa cafeteria, naglunch lang ako. Thursday ngayon kaya Training Day. Dapat lunch na ngayon pero awasan na agad dahil training day nga. Ha ha. Pero natatamad akong magtraining. Sila Tricia at Shaina kasi nagtretraining, si Veronica at Brian naman ay PDA. Psh. Hindi ba sila nasasawa sa mga pagmumukha ng isa't isa? 24/7 na yata sila laging magkasama. Hahaha. Syempre joke lang yun. May curfew kaya sa school nato.

"Wawa naman si bro! Nagsesenti! Hahahaha" pangaasar sakin ni Brian nang nakita niya akong nasa soccer field dito sa may bleachers. Umupo ako dito sa may pwesto namin dito ni Nylla sa may gilid. Mukhang may practice sila Brian ng soccer ngayon.

"Sus! Naging inlababo ka lang inaasar mo na ako, baby!" Sabi ko at nagpout. Nakita ko namang mukhang nandiri si Brian sa akin! Hahahaha ang epic ng mukha niya!

"Mandiri ka nga, Daniel. Ano na lang sasabihin ng mga babae mo niyan? Yung kabedmate nila ay isang gay? Hahaha!" Pangaasar ni Brian. Baliw talaga ang isang toh. Kabedmate agad? Hahaha

"Gago! Maglaro ka na nga dun! Iniistorbo mo yung pagsesenti ko e!" Sigaw ko. Tumawa naman siya at umiling iling pero pumunta na rin naman siya sa mga kateammates niya.

Napabuntong hininga na lang ulit ako. Ang boring naman. Tumingin tingin ako sa paligid dahil baka may chiks na nakatingin sakin. Nuks. Hahaha. Pero natigilan ako at napako ang isang tingin ko sa isang babaeng naglalakad papunta dito sa soccer field.

S-Si Faith! S-siya yung taong mahal ko! A-Anong ginagawa niya dito?! Napatingin siya sa direksiyon ko. Mukhang natigilan din siya at napako rin ang mga tingin sakin. Pero parang may mali sa mga mata niya. Parang walang kabuhay buhay. Unti unti naman itong ngumiti sakin at lumapit. Putapetes! Anong gagawin ko?! Ang lakas ng tibok ng puso ko! Shet! Ayokong maging bakla!

"Hi, Daniel" bati niya sakin pagkalapit at tumabi.

"H-Hi" sabi ko naman. Tungunu. Anong gagawin ko guys?!

"Kamusta ka na?" Tanong niya sakin habang nakangiti. Pero iba talaga yung mga mata niya eh. Walang kaemosyong emosyon na makikita.

"A-ayos lang. Ikaw?" Tanong ko.

"Same" sabi niya. Napabuntong hininga ako. I have the rights to know naman diba kung bakit siya nandito? Amputek. Conyo na ba ko? Tsk.

"A-Anong ginagawa mo dito? W-wag mong sabihing may abilities ka din!" Sabi ko. Ngumiti naman siya ng tipid at marahang tumango.

"Oo. Nagsinunggaling ako sayo dati. Galit ako sa mga power users pero sa mga Wagners lang. Alam kong isa kang mabuting power user. Sinabi kong galit ako sa inyong lahat dahil gusto kitang protektahan. Ayokong madamay ka sa problema ko. Ayokong mapatay ka rin ng mga Wagners. Alam kong hindi mo ako lalayuan kung sasabihin ko sayong gusto kitang protektahan. Alam kong mas gusto mong ikaw ang proprotekta sakin at hindi ako" paliwanag niya.

"Eh b-bakit ka ngayon nandito sa Dream High?" Tanong ko.

"Nalaman ng Hari na pinatay ng mga Wagners ang mga magulang ko. Sinabi ko sa kanya yung totoo. Espiya kasi ng kaharian ang mga magulang ko sa palasyo ng Wagners noon. Kaya heto, pinagaral niya ako dito sa Dream High" sabi niya. Tumango tango naman ako.

"Namiss kita" sabi niya. Napangiti naman ako.

"Namiss din kita" sabi ko at niyakap siya. Naramdaman kong niyakap niya rin ako pabalik. Ang saya ko ngayon. Makakasama ko na ulit siya sa wakas.

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon