TLPT #25- My F-Father?!

6.1K 235 5
                                    


A/N: Gusto ko lang magpasalamat ulit sa mga nagbabasa parin neto. At syempre sa mga nagvovote at nagcocomment na rin. Sa mga silent readers, hi sa inyo! Sana naeenjoy niyo yung story ko. Hahaha. Tsaka sorry talaga sa mga typo's. Tamad po kasi talaga magedit si Author T^T

Enjoy Reading! Mwuaaaps! :*

Chapter 25- My F-Father?!

Nylla POV

"Sino ka po? Nakita niyo po ba si Raven?" Tanong ng isang batang babae doon sa nakita niyang lalaking nakatayo sa likod ng palasyo.

"Napakaganda mo namang bata" sabi naman nung lalaki. Napakunot naman ang noo ng batang babae dahil hindi sinagot nung lalaki ang tanong niya. Pero ngumiti parin siya.

"Hehe. Thank you po!" Sagot nung batang babae at ngumiti naman yung lalaki.

"Wag kang magalala, babalikan kita. At sa pagbabalik ko, kukunin na kita" sabi nung lalaki at bigla na lamang naglaho sa harapan nung batang babae.

"Huuy, Sheaa! Gising!"

Napabangon agad ako ng wala sa oras. Hingal na hingal na naman ako. Nasa kama parin ako at nasa kanan ko si Andrea na tarantang taranta.

"Ano na naman bang nangyari sayo ha? Binangungot ka ba?!" Tanong niya. Kita ko rin sa mata niya na nagaalala siya. Tss.

Hindi ko siya sinagot at pumikit muna ng mariin at humiga ulit. Maski ako, hindi ko alam ang nangyayari sakin. Ang nakita ko lang naman sa panaginip ko ay isang lalaki pero hindi ko makita yung mukha niya pero sobrang pamilyar nung boses. Pati na rin yung batang babae. Totoo kaya itong mga nangyayari sa panaginip ko? Tsk. Hindi. Impossible. Dahil kung possible silang magkatotoo, sino naman sila sa buhay ko?

"H-Huy. Seryoso, ok ka na ba? Gusto mo wag ka na pumasok ulit ngayon? Half day lang naman ngayon dahil Training Day" sabi niya. Pero umiling ako at bumango na.

"Papasok ako. Tutal sabi mo nga, half day lang naman" sabi ko at pumasok na sa banyo.

**

"Wtf?! Why do I need to wear this clothes?!" Inis na tanong ko kay Andrea. Nandito na ulit kami ngayon sa kwarto namin sa dorm.

"Haisst. Ang kulit mo. Kailangan yan kung gusto mong magtraining. Lahat ng nagtretraining dito sa Dream High ay nakacostume!" Sabi niya.

"Tsaka maganda naman yan ah. Wag ka ng maarte! First time mo na nga lang magtretraining dito sa Dream magiinarte ka pa" sabi niya pa. I just rolled my eyes.

Oo, medyo nakailang weeks na yata ako dito sa Dream High pero hindi ako nagtretraining kapag Training Day nila. Lagi akong may excuse. Like, nahihilo ako or masakit yung tiyan ko at pupunta muna akong infirmary. Pagkatapos nun, hindi na ako babalik sa Training Field. Wala lang, hindi ko kasi trip magtraining dito eh. Tsaka ayoko nga kasi dito sa school na to. Maraming kababalaghan ang nangyayari sakin.

A/N: Pero bakit ngayon gusto mo ng magtraining? Edi gusto mo na ang school na ito?

Tsk. Wag ka nga makielam Ms Author. Hindi kita kailangan sa POV ko.

A/N: Ahh ganon? Hmpf! Pahirapan kita dito sa story ko eh.

Tss. I don't care. Now, wag ka ng sumingit sa POV ko. Istorbo ka eh.

"Isuot mo na yan ah. Iintayin na lang kita sa Training Orb. Dun kasi muna tayo. Heroes vs Heroes ngayon" sabi niya at kumindat at umalis na. Tss.

Oo nga pala, kinwento niya na sakin yung mga kaartehan ng school na ito. Yung mga monster pets, sidekicks, heroes, guardians at protectors. Tch.

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon