TLPT #36- After One Week

6.3K 252 17
                                    

A/N: Guys, bakit po ang daming reads pero ang unti ng votes? Huhu. Napapangitan na po ba kayo sa takbo ng storya? T^T

PS: Lame Update XD

Chapter 36- After one week

Nylla POV

1 week have passed. Sa 1 week na yun, walang dumating na problema. Kumbaga, naging payapa ulit ang mga buhay namin. Pero alam ko.... Alam kong hindi pa tapos ang lahat...

"Care to share your thoughts, woman?" Tanong ni Jared habang nakaakbay siya at nakasandal naman ako sa dibdib niya.

Hinihimas himas niya rin yung buhok ko habang pareho kaming diretsong nakatingin sa lake. I smiled. I miss this.

"May kasalanan ka pa sakin" sabi ko at iniangat yung mukha ko para makita ko yung mukha niya. Tumawa naman siya.

"How many times do I have to tell you that I thought your still Shea that time that's why I chose her. But fine, I will accept whatever your condition is. For the woman I love who can't still move on to that even I told her the whole story a million of times" sabi niya habang nakangiti at tumingin na rin sa mukha ko. Mas lumawak naman yung ngiti ko at pinisil siya sa magkabilang pisngi.

"A-Aray naman!"

"Hmpf! Ewan ko sayong lalaki ka!" Sabi ko at tinigilan na ang pagpisil sa magkabila niyang pisngi. Kung makaaray naman eto.

"Your so beautiful" sabi niya at pinisil naman ang ilong ko.

"O-oy! Ano ba! Anong connect nun? Tss!" Sabi ko at inirapan pa siya. Pero deep inside... Okay fine. Kinilig ako dun kahit walang kakilig kilig sa sinabi niya. Abno lang. Haha.

"Tsk. Kinilig ka naman. Anong connect nun? Maganda ka, gwapo ako kaya bagay talaga tayo" sagot niya. Umiwas na naman ako ng tingin sa kanya. I bet my face is already red right now. Pero medyo natawa ako sa sinabi niya. Ang corny talaga.

"Edi wow" kunlaring sabi ko. Mahirap na, baka mas lalong lumaki ang ulo niyan kapag makitang kinilig ako ng 1% sa banat niya. Nagpout naman siya kaya napairap ulit ako. Ang childish pero mas lalo lang ako napapamahal sa kanya. Tsk.

Seryoso, sa 1 week na din yun. Lagi na lang nasa tabi ko si Jared. Kahit nasa matao kaming lugar, minsan bigla bigla na lang yan yayakap sa likuran ko o kaya magnanakaw ng halik sa pisngi. Tapos kapag maglalakad kaming dalawa, kailangan laging magkaholding hands. Kapag namang tumanggi ka, WAGAS MAKAPAGTAMPO. Ni hindi ko maimagine na si Jared itong laging kong kasama. But I always smile whenever I see that side of him.

"I want to court you" bigla biglang sabi niya pagkatapos ng mahabang katahimikan. Napakunot naman yung noo ko at napatingin ulit sa kanya.

"Pero tayo na diba?" Naguguluhang tanong ko.

"Yeah, I know. But still, I want to court you. Kahit pa tumanggi ka" sabi niya habang nakatingin na rin sakin and this time, hinimas niya naman ngayon yung kaliwang pisngi ko hindi na yung buhok ko.

"God knows how much I want to kiss you every second. Hug you every minute. Hold your hand every hour. And be with you everyday" sabi niya pa habang diretsong nakatingin sa mata ko. Bago pa ko makapagsalita, siniil niya na ako ng halik. And hell yeah, I respond. Bakit naman ako hindi tutugon diba?

Ang lambot talaga ng labi niya. Nakahawak na ako ngayon sa leeg niya habang yung isa niya namang kamay ay nasa bewang ko at yung isa niya pang kamay ay nasa pisngi ko parin. Pagkatapos ng isang malalim na halik, dinikit namin ang mga noo namin sa isa't isa habang pareho kaming nakapikit parin at hinahabol ang mga hininga. Sana hindi na talaga matapos ito. Sana panghabambuhay na ito. Please.

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon