TLPT #39- His REAL Mother?!

5.8K 207 12
                                    


Chapter 39- His REAL Mother?!

Nylla POV

"Tsk. You're still stupid"

Inirapan ko na lang si Jared pagkasabi niya nun sakin.

"Umalis ka na nga! Hindi ako makapagconcentrate!" Inis na sigaw ko. Kanina niya pa kasi ako inaasar!

"Tss. Ang sabihin mo, hindi mo lang talaga kaya. Na chamba mo lang talaga yun" sabi niya pa.

"Sabing hindi yun chamba eh! Tamo, papatunayan ko yan sayo! Swear to hell!" Sigaw ko. Tumawa naman siya.

Inaasar niya kasi ako na 'chamba' o hindi naman talaga totoo yung nangyari 'daw' noon sa kaharian. Yung nakaya ko nang magkontrol ng isang ability kahit hindi ito hinahawakan. Kumbaga, sa isip lang. Kaso uggh! Bakit ba hindi ko na ulit magawa yun ngayon?!

"Okay, okay. Let's just say, hindi nga 'chamba' yun. But how come you can't do it again, huh woman?" Sabi niya habang nakangisi. Mas lalo namang kumunot ang noo ko.

Naiinis na ako sa kanya pero binabalewala ko na lang. Mga ilang oras na rin ang nakalipas bago kami nagsimula magtraining. Uggh! Pinagtretraining kasi kami ni Madam Sofia pagkatapos mamatay nung ama ni Demon kagabi. Kaya nga mas lalo kong hinahabaan yung pasensya ko sa kanya ngayon kasi sabi ko sa sarili ko kanina, baka yun yung way niya para hindi malungkot o mapakitang nasasaktan siya deep inside.

"Hey, bro! Kanina ko pa yata napapansin na inaasar mo si Nylla ah?" Biglang sabi ni Daniel at inakbayan pa si Demon. Umiwas naman ako ng tingin ng tumingin si Daniel sakin. Hanggang ngayon kasi, hindi pa kami nagkakausap simula mamatay si Faith. Matagal ko na siyang gustong kausapin pero I don't have the right words to say. Aissh. Tapos kapag handa na talaga akong makausap siya, it's either iniiwasan niya ako o hindi ko siya makita.

"Tss. Im just telling her the truth" sabi naman ni Demon.

"Pero bro, hindi mo ba nakikita? Mukhang hindi na natutuwa si Nylla sa mga sinasabi mo. Baka mamaya umiyak yan, sige ka" rinig kong bulong ni Daniel pabalik. Bulong lang yun pero dahil medyo malapit sila sakin, medyo rinig ko.

Napakuyom naman yung kamao ko at mas lalong nagtiim ang bagang ko. Uggh! Oo paiyak na ako kanina kung hindi pa dumating si Daniel at kausapin si Demon. PERO AYOKO NANG UMIYAK OKAY?! I don't want to cry just because inaasar ako ng demonyo! Ayoko nang maging iyakin! Fvck! I don't want to be that weak anymore. I need to be strong. Pero pano ako magiging matapang kung simpleng pangaasar lang sakin ni Demon iiyak na agad ako?

"Damn! Just get your shitty face away from here. Mind your own business"

Napalingon muli ako sa kanila ng sumigaw si Demon. Umiling iling lang naman si Daniel at tumingin muli sakin.

"Hey, woman! Where you think your going?!" Sigaw ni Demon nang naglakad na agad ako papunta sa pinto ng training orb para sana umalis na.

"Uhh. S-Sa cafeteria. Nagugutom na ko" palusot ko at nagtuloy na sa paglalakad.

Gusto ko lang kasi talaga makaalis doon. Umaapaw na rin kasi ang inis sa katawan ko. Baka hindi ko kayanin at sumabog na talaga ako. Uggh! Kasi naman eh! Why do I have this feeling na sinasampal talaga ni Demon sa pagmumukha ko na stupid ako? Na weak ako? Oo, dati hindi ko na lang masyado pinapansin yun. Pero shit lang! Ang babaw pero ang sakit pala kapag tinatawag kang 'stupid' at weak' ng taong mahal mo.

Lakad lang ako ng lakad. Ni hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala naman masyadong tao sa hallway dahil karamihan ay nasa mga fields para makipaglaban. Training day kasi ngayon. Pero nabigla ako ng may humigit sa braso ko papaharap...sa kanya.

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon