TLPT #37- Signs of the New Enemy

6.3K 218 8
                                    


Chapter 37- Signs of the New Enemy

Nylla POV

Ang lakas ng kabog ng puso ko. Itutuloy ko na ulit sana yung pagpunta doon sa halaman na kumaluskos pero biglang dumilim yung paningin ko. May nagtakip noon. Mas lalong lumakas yung pintig ng puso ko. Tatanggalin ko na sana iyon pero narinig ko yung boses niya malapit sa tenga ko kaya natigilan ako at halos tumaas lahat ng balahibo ko.

"For you" sabi niya at tinanggal na yung nakatakip niyang kamay niya sa mga mata ko. Lilingon na sana ako sa kanya pero nabigla ako nang makakita ako nang isang human size teddy bear. Ginalaw pa niya yung kaliwang kamay nung teddy bear para kunlari naghahi sakin yung teddy bear.

"Hi! Ikaw ba yung mommy ko?" Kunlaring sabi nung teddy bear na ginagalaw ni Demon. Nakakatawa pa kasi pinapaliitan niya yung boses niya para magmukhang yung teddy bear talaga yung nagsasalita.

I smiled, another side of him.

"Oh, Baby Demon. Where did you go? Pinagworry mo si Mommy. Akala ko kung saan ka na nagsususuot kanina" sabi ko na parang pinaparinggan si Jared. Bigla na lang kasi siya nawala nung pagpunta namin dito sa palasyo galing Dream High.

Oo nga pala, si Jared pala ang kaharap ko ngayon. Hindi kasi ako makapaniwala na siya talaga ito. Tingnan mo yung teddy bear, may picture ako at siya na malaki doon sa tummy ng teddy bear tapos may nakalagay din na 'Demon's Property.'

Napakunot yung noo ko nang mapagtanto na picture namin yun sa Dream High. Yung Dragon Race. Ang ganda talaga nung background. Tapos nakaclose up pa kaya kitang kami talaga yung nasa picture. At yung mga ngiti namin, halatang hindi peke o pilit. I smiled. One of our happy and sweet memories.

"Haha. You like it?" Tanong ni Jared at binigay na sakin yung human size teddy bear. Tinanggap ko naman iyon at ikinarga. Haha. Parang baby lang.

"Nope. I don't like it" sabi ko na nagpakunot ng noo niya. Magsasalita pa sana siya pero pinutol ko na iyon agad at niyakap ng mahigpit yung teddy bear.

"I love it! Thank you!" Masayang sabi ko. Pero napatigil ako nang makitang nakakunot parin yung noo niya.

"Oh? Anong problema mo?" Tanong ko.

"Stop hugging the teddy bear that tight. Hindi mo pa nga ako nayayakap ng ganyang kahigpit tapos mas nauna pa sakin yang teddy bear? Baka naman halikan mo na rin yan. I swear im gonna throw that if that happens" seryosong sabi niya na nagpatawa ng sobra sakin.

"Oh God. Are you crazy? Pinagseselosan mo ba itong teddy bear? Malala ka na talaga. Hahahaha" sabi ko. Umirap naman siya.

"Im not jealous alright? Im just saying" sabi niya. Pfft.

"Ok seriously, yung teddy bear na ang nagsabi. Im her mommy and I assume your the daddy right? Tsaka tingnan mo oh, ang laki laki ng nakasulat. Demon's Property! Pangalan pa lang nakakatakot na" sabi ko. Nakita ko namang namula yung tenga niya at umiwas ulit ng tingin sakin. Anong problema niya?

"Hoy, bat ka namumula jan?! Hahaha. Ang cute ah! Tenga yung namumula! Pfft. Hahaha" sabi ko. Pero napatigil bigla ako sa pagtawa nang halikan niya ako. Anak ng! Nakakabigla siya! Wala man lang paalam!

Nang makarecover na ako ay unti unti ko na rin ginalaw ang mga labi ko para tumugon. Nakapulupot yung kanan kong kamay sa leeg niya habang hawak ko sa kaliwang kamay yung teddy bear. Pero hindi ko inaasahan na kakagatin niya yung labi ko kaya aksidenteng mas napabuka ko ito kaya nakapasok yung dila niya sa loob ng bibig ko na para bang sinasakop ito. Hinampas ko naman agad siya sa braso pero tumawa lang siya. Tsk tsk.

Pagkatapos nang nakakalasing na halik, dinikit muli namin yung magkabila naming forhead. Pero this time, hindi na kami nakapikit. Kitang kita ko na napakaganda pala talaga ng mga mata ng demonyong ito. Na kapag tinitigan ka niya, parang nakakahypnotize.

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon