TLPT #12- Follow your Heart

6.2K 228 5
                                    


Chapter 12- Follow your Heart

Nylla POV

Nandito na kami sa Wagners Academy. Ginamit namin yung portal ni Raven. Hindi ko nga alam na may portal pala siya. Tsk. Ramdam mo na agad yung kakaibang aura dito sa academy. Halatang nakakatakot. Malalaki din naman yung mga buildings at malawak din naman katulad nang Harvard. Kaso nga lang, mas creepy dito.

"Dito ka lang" sabi niya sabay turo sa isang bench. Napagasp naman ako. Nasa field kasi kami kaya mahangin ngayon na mas nakakadagdag pa nang takot o kaba sa paligid. Pero hindi ako natatakot =_____=

Nakakapagtaka din pala na walang mga estudyante na nagkakalat sa hallway o kahit dito ngayon sa field. Parang kaming dalawa lang ni Raven yung mga tao dito sa Academy. Pero feeling ko, may mga mata din na nakatingin sa amin sa malayo o hindi lang makita in naked eye?

"Ayoko. Gusto ko sumama sayo" matigas na sabi ko. Kumunot naman yung noo niya.

"Bawal. Sinama na nga kita dito eh. Makuntento ka na lang muna. Sige na" sabi niya at hinalikan ako sa noo at umalis na.

Tss. Wala na akong nagawa kundi sumunod sa inuutos niya. Umupo na ako dito sa isa sa mga bench. Nilibot ko na lang yung paningin ko sa buong paligid. Kung titingnan mo ito, normal na school lang ang makikita mo. Pero kakaiba ang mararamdaman mo kapag nandito ka na.

"Iha" nagulat ako nang may humawak sa balikat ko galing sa likod. Napatingin naman agad ako sa likod, isang babae. Hindi naman masyadong matanda. Mga nasa 30's? Or 40's Ewan.

"May ipapayo lang ako sayo" sabi niya at ngumiti.

Ewan ko pero parang nakakabahan ako sa mga ngiti niya. Tss. Tumango na lang ako dahil hindi ko alam sasabihin ko. May galang din naman ako sa mga nakakatanda sakin kahit minsan, Kaya ayokong bastusin siya. Kaso lang, wala naman akong pakielam sa ipapayo niya. Hindi ko kailangan nang payo. Tsaka san ba siya nanggaling? Hindi ko naramdaman yung presensiya niya na paparating ah.

"Gusto ko lang sabihin na, lagi mong sundan ang tinitibok ng puso mo. Alam kong kailangan din natin gamitin ang utak sa paggawa nang desisyon ngunit kapag nagisip ka, malilito ka at pwedeng hindi ka pa sigurado sa desisyon mo. Pwedeng magsisi ka pa sa huli. Pero kapag sinundan mo ang tibok ng puso mo, magiging masaya ka. Dahil tumitibok lang ang puso sa tama at hindi sa mali" sabi niya. Mas lalo namang kumunot yung noo ko. Ano bang mga pinagsasabi niya? Tsaka bakit niya ba ako kinakausap? Tss. Pero parang napaisip ako sa sinabi niya ah =____=

"Alam kong maaring naguguluhan ka pa ngayon. Pero alam kong dadating ang tamang panahon kung saan magdedesisyon ka kung alin sa puso o sa isip mo ang susundin mo. Gusto ko lang din sabihin na kung magiisip ka, isipin mo yung ikasasaya mo. Dahil hindi parati tama ang ating mga iniisip. Pwedeng ang akala natin ay tama ang gagawin natin, pero mali pala" paliwanag niya pa. Tsk. Bakit parang kinakalibutan ako sa mga sinasabi niya? Aissh.

Ngumiti na naman siya at bigla na lamang naglaho sa harapan ko. Ang bilis naman niya?! Yun ba yung ability niya? May ability nga ba siya? Damn. Gulong gulo na ako. Ugh. Bakit ko ba iniisip masyado yung payo nung babae? Eh alam ko namang hindi totoo yun. Baka nantritrip lang. Syempre nandito ako sa Wagners Academy. Malay mo lahat nang estudyante dito mahilig mantrip -_____-

"Hey, are you okay?" Tanong bigla ni Raven na nasa tabi ko na pala. Ngumiti na lang ako nang tipid at tumango.

"Tara na" sabi niya at nilapag na ang portal na hawak niya sa kabilang kamay. Napakunot ulit yung noo ko nang may napansin.

"Akala ko ba may naiwan ka? Bakit wala ka namang ibang dala kundi yung dala mong portal kanina?" Tanong ko.

Nakita ko namang natigilan siya at umiwas ng tingin. Automatic namang lumiit yung mga mata ko na parang sinusuri siya. May tinatago ba siya sakin?

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon