TLPT #23- His

5.5K 224 12
                                    

A/N: Tanda niyo pa po ba yung real name ng lost princess sa Royal Kingdom? Isang beses ko lang po kasi yun binanggit sa book 1 kaya baka nalimutan niyo na....

Phoebe Hensely Kinsley.

Chapter 23- His

Nylla POV

"Phoebe! Laro tayo!"

"Sige ba! What game ba?"

"Tagu-taguan!"

"Sureee! Bet ko yan!"

"Princess Phoebe, kakain na daw po"

"Wait yaya magpleplay lang kami saglit ni Yana"

"Mamaya na po yan, mahal na prinsesa. Malalagot po ako kay Queen Hartley kapag hindi ko kayo napapunta sa hapagkainan"

"Hay. Fine. Sige Yana, kakain lang me ah"

"Sige. Kami muna ni Raven yung maglalaro, kain ng madami Phoebe!"

"Eww. Ayaw ko nga kumain ng madami. I don't want to get fat noh"

"Hahahaha joke lang"

Napaupo agad ako. Tumingin ako sa paligid, nasa kwarto parin ako at nasa kama. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ang sakit din ng ulo ko. Ano bang nangyari?

Panaginip. Ito yata ang kauna unahang panaginip ko na parang totoong nangyari.

Pero hindi ko makita yung mga mukha. Yung paligid naman ay medyo blurred. Tanging yung mga salita lang yung malinaw sa akin.

"Oh, Shea. Anyare sayo?! Bakit ka pinagpapawisan? Masakit ba ulo mo?! May sakit ka din ba sa puso?!"

Napalingon ako sa unahan ko nang may nagsalita. Si Andrea pala na kakalabas lang ng banyo. Nakatingin kasi ako sa baba habang hawak yung puso at ulo ko. Umiling iling lang ako sa kanya.

"A-Ayos lang ako" sabi ko.

"Eto oh, inom ka muna ng tubig. Baka makatulong" sabi niya sabay abot sakin ng isang basong tubig. Ngumiti naman ako ng konti sa kanya at tinanggap na iyon.

"Seryoso ka bang ok ka lang? Baka gusto mong pumuntang infirmary? Sasamahan kita" sabi niya pagkatapos ko uminom.

"Hindi na kailangan" sabi ko at sumandal na muna sa headboard at pumikit.

"*sigh* Kaya mo bang pumasok sa klase mo?" Tanong niya. Oo nga pala, tapos na ang foundation day ng school kaya may pasok na ulit. Well to be specific, may klase na ulit.

"Di muna ako papasok" sabi ko habang nakapikit parin.

Wala akong ganang pumasok ngayon. Besides, pagod na pagod yung katawan ko sa hindi malamang dahilan. Baka dahil sa mga nakaraang araw. Pati din utak ko pagod eh. Idagdag mo pa na natatamad din ako pumasok =____=

"Ok sige. Sasabihin ko na lang sa prof natin na masama yung pakiramdam mo" sabi niya at inayos na yung mga gamit niya sa study table niya. Tumango na lang ako bilang sagot at pumasok na sa banyo upang maligo.

Hindi ako papasok sa klase ko pero ayokong magmukmok na lang dito sa kwarto ko magdamag. Maggagala na lang ako dito sa buong school.

Pagkalabas ko nang dorm ko, nagsimula na ako maglakad lakad kung saan saan. Pero naisipan ko munang pumunta sa breakfast hall. Siguradong wala ng mga estudyante doon dahil oras na ng klase. Bawal itong gagawin ko pero wala akong magagawa. Mamaya pa magbubukas yung cafeteria at nagugutom na ako. Sabay sabay kasi nagbrebreakfast lahat ng mga estudyante dito sa Dream High. Simula first year hanggang fourth year kaya ibig sabihin, sobrang laki ng breakfast hall. Yun kasi yung kwinento sa akin ni Andrea noon.

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon