Chapter 1

128 7 0
                                    

5:35 a.m na ng umaga, habang nag ri-ring ang alarm clock ko sa cellphone ay biglang may bumato ng unan sakin. Agad ako nagising at napa upo sa kama, yung akala mo na deja vu ka sa jumpscares mula sa panaginip mo. Legit naputol panaginip ko bigla. 

Pinatay ko ang alarm clock sa cellphone at napatingin ako kay Ate Kyla, my eldest sister na naka-tayo sa tabi ng pintuan ko, mukhang na gising sa sobrang ingay ng alarm ko at wala sa mood. Sino ba naman ngi-ngiti at matutuwa pag-kagising.

"Oh, nagising ka? Katabi mo lang yung cellphone mong nag a-alarm tapos na nanaginip kapa! Ako na nasa kabilang kwarto nagising tapos natutulog kapa?! Pati siguro yung anak ni tita Josephine magigising ng maaga sa sobrang ingay ng alarm mo!" Mabilis at pasigaw na wika ni ate saakin. Dinaig pa si Gloc-9 sa bilis ng pag ra-rap.

Si tita Josephine ay kapatid ng tatay ko na ka-close ni mama at kapit-bahay namin. At yung nag-iisang anak niya na si Jomari ay mahilig mag laro ng Roblox at iba pang games. sa sobrang addict niya sa paglalaro ng mga online games ay madaling araw natong natutulog at tanghalian na nagigising. pang hapon kasi ang pasukan niya, buti pa siya.

Umalis na si ate at bumalik na sa kwarto niya. Hindi man lang sinarado yung pintuan ng kwarto ko! Pero ilan segundo ay bumalik nanaman siya.

"Bato mo nga sakin unan ko!" 

Ay wow! Ang demanding din ng ate ko, siya nag bato sakin siya rin dapat ang kukuha!

Ibinato ko pabalik sakanya ang unan niya, sobrang bigat pwedeng gawin punching bag ng mga bata. 

Umalis na ulit si ate Kyla at nakalimutan niya nanaman i sarado ang pintuan ng kwarto ko. Akala ko naman bumalik siya para i sarado tapos na alala niya pa unan niya.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko 5:50 a.m na, kaya tumayo nako at inayos ang higaan ko pagkatapos ay inihanda kona ang uniform ko at inilapag sa kama. Kinuha ko na rin ang tuwalya ko at pumunta nako sa banyo para maligo.


************


Natapos na rin ako mag-ayos sa sarili ko at sa mga gamit ko. 8:30 a.m pa pasukan namin kaso 7:00 palang, matagal din bago ako nakapag-ayos  kaso anong gagawin ko niyan mahigit isang oras! Ay oo nga pala nagluluto ata si mama, kain muna ako bago umalis. Kaya bumaba nako sa hagdaan namin at nakita si mama na nag a-ayos sa lamesa, yun oh! Ano kaya ang foods natin for today.

"Hi Ma! Good morning po!" Masiglang bati ko kay mama at umupo na ako agad sa upuan malapit sa lamesa namin.

"Hi nak, anong oras pasok mo? kain kana baka ma late kapa." sagot ni mama sakin, sabay abot ang pagkain na fried rice at meat loaf saakin.

"Thank you ma" At sinimulan kona ang pag kain.

"Si ate mo gising na ba?" Tanong ni mama saakin.

"Natutulog pa po siguro-"

"Good morning!!." Pagputol ni ate sa sasabihin ko. Sabay tingin sakin from head to... basta! hindi naman siguro titignan ni ate paa ko noh, weird.

"Oh, you're still here? Anong oras pasok mo?" Tanong ni ate sakin, mukhang good mood siya ngayon huh?

"Um, 8:30 pa" sagot ko sakanya, sabay subo ko sa isang kutsara ng fried rice na may meat loaf.

"Ha-ha, galing ng sistema mo pati ako nagising ng maaga" sabi ni ate sakin na mukhang disappointed pero nakakatawa ang mukha niya. kumuha rin siya ng fried rice at meat loaf pagkatapos ay tumingin ulit siya sakin.

"Hindi kana high school beh, senior high kana hmm." sabay na ikiniling ang ulo niya patungo sakin at ngumiti. 

Minsan na wi-wirduhan ako kay ate pero ang cute niya. Kamukha niya si papa..

Patapos nako sa pag kain at 8:00 am na, tumayo nako at kinuha ko na ang bag ko 

"Alis napo ako, i'll be back 3pm" sabi ko kay mama at ate.

"Ingat bunso!" Sabi ni ate sakin.

"Ingat nak!" Sabi rin ni mama sakin.

"Mag-aral ka ng mabuti! Wag ma inlove sa school!" Singit pa ni ate bago ako umalis.

Luh, syempre hindi ako ma i-inlove! For sure ako 100%. Loyal ako sa mga fictional characters katulad ni Kou, Kuroo, Katsuki, Tsukishima and 99 others... kasama na mga k-drama male lead's. And first of all, ang mga lalaki sa totoong buhay ay hindi katulad ng mga lalaking fictional character. They're the standard.

 Lumingon ako ulit kina ate at mama.

"Never!" Mataray kong wika pabalik kay ate.

"Talaga lang." Bulong na wika ni ate habang nakataas ang isa niyang kilay.

At ayon na nga, finally naka alis nako sa bahay.


-END OF CHAPTER 1

My Ideal GamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon