Chapter 25

19 3 23
                                    

Denxel Santos

Dae-Hyun Sang


Bakit hindi sinabi sa akin ni Denxel ang totoo niyang pangalan? At paano siya nakapasok sa Ace Academy as Denxel Santos? 

He kept a biggest secret from me and everyone. So hindi lang pala ako ang masikreto sa aming dalawa?

But why he didn't tell me? I thought I know him better than anyone else.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinignan ang Facebook profile ni Denxel na hanggang ngayon ay walang profile picture. He joined 2018 sabi sa kaniyang info. Nag scroll down ako sa profile niya pero walang posts available. Naka private rin lahat ng friends niya at naka mutual naman sina Zach at Rachel. 

I went to see Zach's profile naman for more information dahil naka-public din ang account niya since palagi niyang mina-myday si Rachel at pics nila together. Nag scroll ako sa profile niya at buti naman naka-public ang friends niya kaya I searched Dae-Hyun Sang pero wala namang results na lumitaw. Alam ba ni Zach?

Biglang nag-alarm ang cellphone ko at na-realize ko na hindi pa ako natulog. I heaved a deep sigh at bumangon na sa kama ko dahil wala akong choice.

Nang makarating na ako sa school ay kinakabahan akong pumasok na baka makita ko si Denxel pero at the same time gusto ko siyang harapin at itanong kung bakit hindi niya sinabi sa akin ang totoo niyang pangalan. Wala ba siyang tiwala sa akin?

Pumasok ako sa classroom at marami na ang mga students na nasa room namin dahil na late kasi ako ng konti.

"Akala ko hindi ka papasok." Wika ni Rachel habang pa-upo ako sa seat ko.

"Na-late lang." Matipid kong sagot sakaniya.

Wala ako sa mood ngayon para makipag-usap kung kani-kanino and on top of that lack of sleep ako ngayon. Let's see what will happen throughout this day at every lessons.

Napalingon ako para makita ang last row ng seating arrangement namin at wala si Denxel. 

"Nasa hospital pa ata si Denxel." Napatingin ako kay Rachel while she just shrugged her shoulders.

Tumango-tango lang ako sa sinabi niya at humarap ulit sa harapan. Tuwing na-aalala ko yung nangyari sa hospital I felt like breakingdown in this classroom.

Pagkatapos ng 2nd lesson namin ay agad akong pumunta sa classroom kung saan nandun sina Zach at Ethan. Naghihintay ako ngayon sa labas ng classroom nila para maka-usap si Zach tungkol sa real name ni Denxel. But instead nakita ko si Ethan na lumabas at agad itong lumapit sa akin.

"Bakit ka nakatayo diyan?" Kunot-noo niyang tanong sa akin.

Napatitig ako sakaniya ng ilang minuto, kung mapagsalita ang lalaking ito ngayon parang walang nangyari kahapon nasa library kami. Bakit ba ang hilig umarte ng lalaking ito na para bang walang nangyari?

"Nandito ba si Zach?" Kaswal kong tanong sa kaniya.

"Zach?" Agad itong bumalik sa loob ng classroom nila at narinig ko pa ang sigaw na pagtawag niya kay Zach.

"He's coming." Sabay nilagpasan ako pa-alis. 

Napalingon ako at napa kunot-noo. What the hell??

"Hey Hyuna, hinihintay mo daw ako dito?" Napaharap ulit ako sa classroom nila at nakita ko si Zach na nakatayo sa harapan ko.

"Oo, actually may tanong ako sayo."

"Ano yun?" Seryosong tanong niya sa akin. 

Tumingin-tingin muna ako sa paligid ko to make sure na walang masyadong tao sa paligid namin na baka makarinig sa amin. "Tungkol kay Denxel, may totoo pala siyang pangalan?" Mahinang tanong ko sakaniya.

My Ideal GamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon