Walang ka tao-tao ngayon sa loob ng Delux Milk-Tea shop at nasa counter ako ngayon habang pinapanood ang isang babaeng nag de-demonstrate ng mga machine sa pag-gawa ng milk tea kagaya ng pag-lalagay ng flavors (especially sa cup for design ba), pag add ng milk and cream just in case. And most importantly the tapioca pearls.
At ito na ang pinaka ayaw ko dito ang pag m-measure ng sugar huhu. Ayoko ng maths please.
At pinakang huling step na tinuro sa akin ang mga lists na dapat kong itanong sa mga bibili.
Kagaya ng:
𝘎𝘰𝘰𝘥 𝘈𝘧𝘵𝘦𝘳𝘯𝘰𝘰𝘯/𝘌𝘷𝘦𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘰 𝘔𝘢𝘢𝘮/𝘚𝘪𝘳 𝘞𝘦𝘭𝘤𝘰𝘮𝘦 𝘵𝘰 𝘋𝘦𝘭𝘶𝘹 𝘔𝘪𝘭𝘬-𝘛𝘦𝘢 𝘮𝘢𝘺 𝘐 𝘵𝘢𝘬𝘦 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘰𝘳𝘥𝘦𝘳?
𝘈𝘯𝘰 𝘱𝘰𝘯𝘨 𝘧𝘭𝘢𝘷𝘰𝘳?
𝘈𝘯𝘰 𝘱𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘻𝘦?
𝘈𝘯𝘰 𝘱𝘰𝘯𝘨 𝘢𝘥𝘥 𝘰𝘯𝘴 𝘯𝘪𝘺𝘰?
𝘈𝘯𝘰 𝘱𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘨𝘢𝘳 𝘭𝘦𝘷𝘦𝘭 𝘯𝘪𝘺𝘰?
"By the way my name is Elaina, you can call me Elay nalang. And starting tomorrow 1pm to 6pm ang duty mo, gets mo ba lahat ng mga ginawa natin today?" Wika at tanong ng babae sa akin.
Tumango ako sa sinabi niya. "Yes po." Sagot ko sa kaniya sabay ngiti.
Ngumiti ito pabalik. "Great! See you tomorrow!"
"Thank you po!" Sabay alis ko sa counter with an assuring smile on my face.
Nadatnan ko si Denxel na naka-upong nag-hihintay sa akin habang abalang may tinitignan sa kaniyang cellphone.
Nang malapitan ko ito sa likod niya ay bigla itong lumingon at napa-tingin sa akin.
"Done?" Tanong niya sa akin.
"Yup." Sagot ko sa kaniya. "May ginagawa kaba?" Tanong ko naman sa kaniya.
Umiling ito. "Just checking out social media. Let's go?" Sabay tayo neto sa kina u-upuan niya.
Tumango ako sabay hawak sa kaniyang kamay pa-alis ng Delux Milk-Tea shop.
"So kamusta naman?" Tanong ni Denxel habang nag-lalakad kami sa labas.
"Okay lang, it's fun pero at the same time nakaka-kaba." Sagot ko sa kaniya.
"You seem happy today?" Naka-tinging tanong sa akin ni Denxel.
I chuckled. "Ang bait kasi nung babaeng tumulong sa akin." Sagot ko while sighing in relief.
Napa-ngiti si Denxel at tumango-tango. "That's good. It's a nice Milk-Tea shop by the way."
The Next Day...
"Ang busy person mo na ah?" Wika ni Ate Kyla na kakalabas palang ng kwarto.
Kakatapos ko lang mag-ayos sa sarili ko bago pumasok sa trabaho at ngayon ay naka-upo ako habang kumakain ng luto ni mama na Adobong Manok. Napa-lingon ako at nakita si Ate Kyla na papunta sa sofa.
"Mas busy person ka kaya Ate." Sagot ko naman pabalik sa kaniya.
"Yo, pray for me kaka-submit ko lang ng application." Sabay tamad niyang itinaas ang kaniyang kamay na naka cross fingers.
"Amen." Sabay subo ko ng kutsara na may kanin at pirasong manok.
Agad na akong tumayo at natapos nang kumain. "Ma alis na po ako!" Sigaw ko bago pa man ako maka-alis.
BINABASA MO ANG
My Ideal Gamer
RomanceWe are all delusional when it comes to love. Similar to Hyuna Bonifacio who likes to watch Anime and K-drama; For her The Man of Her Dreams only exists with fictional characters. Then she met Denxel Santos, a half Korean and half Filipino guy from t...