Chapter 5

54 6 0
                                    

Ilang minuto na ang nakalipas at wala pa si ma'am Michelle sa homeroom class namin, lahat ng mga kaklase ko ay nag-iingay at wala sa mga proper seats nila. At eto ako, ina-antok sa klase. Yumuko at pinatong ko ang aking ulo sa desk ko para umidlip ng konti, hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit sobrang pagod ko ngayon at gustong gusto kong matulog. Pero ilan segundo ay may naramdaman akong kamay sa aking ulo. It is warm and the touch is also comfortable.

"Rachel.. Ikaw ba yan?" Mahinhin kong tanong kung si Rachel ba itong tumatapik sa aking ulo.

"Yes, it's me. Okay ka lang ba?" Sagot at tanong niya sa akin habang tinatapik niya ang akin ulo.

inangat ko ang ulo ko sa desk at tumingin sa likod ko para makita si Rachel.

"Okay lang, ikaw ba?" Sagot at tanong ko pabalik kay Rachel

Tumango lang siya sa tanong ko. 

Ngumiti ako sakanya at bigla naman ako napa-tingin kay Denxel sa likuran. Naka-tingin siya sa akin nung ka kita ko sakanya pero agad din siya napa-iwas ng tingin sa akin ng ilan segundo. Was he staring at me habang kausap ko si Rachel?

"Good morning class." Biglahan entrance at bati ni ma'am Michelle sa aming lahat.

Lumingon ako agad at nakita si ma'am. Pati na rin ang mga ka-klase ko, agad silang bumalik sa mga assigned seats nila at tumahimik. 

"Well, I'm so sorry for being late this time. We should quickly get started for today's agenda..." At nag-patuloy na si ma'am sa pag di-discuss.

Nawala agad antok ko nang dumating si ma'am, but I still feel tired and lazy. Gusto ko nalang umuwi at mag-pahinga.

"Okay everyone, next class ninyo ay P.E so better to change and get ready. We still have 10 mins so you can all go to prepare." Biglang anunsyo ni ma'am Michelle.

Lahat ng mga kaklase ko ay nag si-tayo at lumabas para pumunta sa changing roooms. Kasama ko si Rachel at palabas na kami ng classroom para pumunta sa changing room ng mga babae.

"Ayokong mag P.E I'm so tired..." Sabi sa akin ni Rachel na mukhang walang gana habang nag-lalakad kami sa hall.

"Same." Sagot ko sakanya habang nag lalakad, wala rin gana at tinatamad.

Nakatarating na kami sa changing room ng mga babae at pumasok na kami sa loob.


********************


Nasa gym kami ngayon, naka suot kaming lahat ng jogging pants na black na may yellow stripes sa gilid ng hita namin at oversized na polo shirt na yellow at black. Lahat ng mga kaklase ko ay naka-upo sa bleachers, mga iba naman naka-tayo at nag-tatakbuhan o kaya naman nag-aasaran. Ang gagaslaw! Parang mga elementary!

"Hyuna?" Pag tawag sa akin ni Rachel. Katabi ko siyang naka upo sa bleachers at nasa harapan kami.

"Hm?" Sagot ko sakanya.

"Alam mo ba? Ang ganda mo ngayon." Sabi ni Rachel sa akin habang naka-tingin sa akin.

Medyo namula ang aking mukha at kinilig ako ng konti sa sinabi ni Rachel sa akin.

"Huy! Di naman, ikaw kaya ang ganda mo!" pabalik kong pa puri sakanya.

Napa-ngiti at napa-tawa nalang kaming dalawa at nag k-kwentuhan habang wala pa P.E teacher namin. Pero ilang segundo ay may lumapit sa amin.

"Hey Hyuna." Bati ni Denxel sa akin.

Bigla akong napa-tingin kay Denxel pati na rin si Rachel.

"Hi." Sagot ko kay Denxel sabay iwas ko ng tingin sakanya.

My Ideal GamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon