Hindi ako makapaniwalang si Kuya Jeff ang magtuturo sa amin ng Cheerleader, ex ni Ate Kyla seryoso? Nagulat ako pero at the same time I felt relief dahil kilala ko si Kuya Jeff pero hindi ko alam na nagtuturo siya ng Cheerleading things which is nakakagulat talaga. Naka-tingin lang ako sa kaniya, naka-suot siya ng oversized t-shirt na black na may maraming design na aesthetic paintings at naka suot siya ng short na medyo mahaba na kulay puti. Napa tingin ito sa akin after few minutes nakita ko ang bakas ng pag-tataka sa kaniyang mukha.
"Hyuna?" Pag-tawag niya sa pangalan ko. Kahit siya hindi makapaniwala.
Napa-tingin lahat ng mga kasama namin sa akin pati na rin si Aminah sa tabi ko. "P-Po?" Sagot ko kay Kuya Jeff. Kinakabahan ako eh bigla ba naman akong tinawag!
Tinitigan lang ako ni Kuya Jeff pero ilang segundo ay umiling ito. "Anyways, everyone!" Sigaw ni Kuya Jeff sa lahat para humarap sa kaniya. "My name is Jeff Guilliver your coach in Cheerleading and gusto ko lang po i-announce sainyong lahat that every Monday to Friday may practice tayo after school hanggang 6pm, don't worry bukas po tayo mag-sisimula I want everyone to wear white t-shirt and black leggings during our practice. Clear puba?" Pagpapahayag ni Kuya Jeff sa amin lahat.
Tumango lang kami. At yung iba naman ay sumagot ng pag sang-ayon sa kaniya.
"Okay good, that's all for today. Right now I need all of your names written in this paper." Sabay taas ni Kuya Jeff ng 1/4 sheet of paper. "After ninyong isulat mga pangalan ninyo ipasa ninyo sa mga katabi niyo, thank you." Sabay abot ni Kuya Jeff ng papel kay Aminah.
Isinulat ni Aminah ang pangalan niya pagkatapos ay inabot niya ito sa akin. Pagkatapos kong isinulat ang pangalan ko ay inabot ko ito sa katabi ko. Ilang minuto ay natapos na silang mag sulat ng mga pangalan nila at ini-abot ulit ang papel kay Kuya Jeff.
"Okay girls, thank you so much! You may go to your classes na!" Masayang wika ni Kuya Jeff.
Agad-agad akong umalis sa Gym at si Aminah naman ay dali-daling sumunod sa akin.
"Huy! Kilala mo coach natin?" Tanong niya agad sa akin.
"Hindi!" Sarkastikong sagot ko sa kaniya habang nag-lalakad pa punta sa loob ng school namin.
"Luh bakit ka galit nag-tatanong lang naman ako eh." Wika niya habang sumusunod pa rin sa akin.
Napa-tigil ako sa pag-lalakad at lumingon ako para humarap sa kaniya. "Ex yun ng Ate ko!" Naiinis kong sagot sa kaniya.
Napa-tingin lang ito sa akin at nagulat "Ah ganon ba!" Mahinang wika niya sa akin. "Eh sorry na! Di ko naman kasi alam eh, na offend tuloy kita." Sabay tapik niya sa balikat ko.
Tumahimik lang ako at tumango.
Ngumiti ito. "Bati na tayo?" Tanong niya sa akin.
Tumango lang ako at ngumiti ng konti.
"Hyuna!" Tawag sa akin ni Rachel.
Napa-tingin kaming dalawa ni Aminah sa right side namin at nakita ko si Rachel na palapit sa akin.
"Kamusta meeting niyo?" Tanong ni Rachel sa akin.
"Sabihin ko sayo mamayang lunch." Mahinang wika ko sa kaniya.
"Hi!" Bati ni Aminah kay Rachel.
Napa-tingin ito sa kanya. "Hello." Wika niya kay Aminah sabay tingin ulit sa akin.
"Actually ito si Aminah kasama ko sa Cheerleading namin." Pagpapahayag ko kay Rachel. "At ito naman si Rachel, classmate at best friend ko." Pagpapahayag ko naman kay Aminah.
"Ah nice to meet you Rachel, ang ganda mo!" Wika niya sa kaniya.
Ngumiti ito. "Oh thanks, ikaw din." Sagot niya pabalik kay Aminah.
BINABASA MO ANG
My Ideal Gamer
RomanceWe are all delusional when it comes to love. Similar to Hyuna Bonifacio who likes to watch Anime and K-drama; For her The Man of Her Dreams only exists with fictional characters. Then she met Denxel Santos, a half Korean and half Filipino guy from t...