Chapter 3

63 5 0
                                    

Nagulat ako nang makita ko si Denxel na naka tayo sa harapan ko, mukha rin siya nagulat nang makita niya ako. Omg Hyuna, anong ginagawa mo sa buhay mo!

Agad ako tumayo at tumingin sakanya. 

"Hala! I'm so sorry! Akala ko kasi kung sino atsaka masyado akong naka-focus sa game kaya hindi kita na pansin!" Agad kong wika sakanya, habang nag titinginan kami sa isa't-isa.

Napa tingin si Denxel sa hinahawakan kong PSP, na para bang ngayon palang siya na ka kita ng ganito sa buhay niya.

"Sayo ba to?" Tanong niya sakin sabay turo sa PSP na hawak ko.

"Hindi! nakita kolang ito sa sahig katabi ng mga lockers, malay ko ba kanino toh." Sagot ko sakanya at napa tingin din ako sa PSP.

Biglang napa ngiti ng konti si Denxel na para bang nahihiya ang kaniyang ngiti.

"Actually... That's my PSP." Sagot niya saakin.

"Hala!? Sayo toh?" Tanong ko sakanya. Kaya pala nag wo-worry siya kanina kasi nawawala yung PSP niya.

Tumango nalang siya saakin. 

Hay nako Hyuna! Kakasabi niya palang nga na sakanya itong PSP tapos tinatanong mopa? Nakakahiya ka talagaaaaaa!

"Pangatlong beses mo na yan." Sabi sakin ni Denxel sabay ngiti na may konting tawa.

"Huh? Yung alin?" Tanong ko sakanya, naguguluhan ako sa sinabi niya, anong tatlong beses?

"Hala?" Sagot niya sakin na para bang ginagaya niya yung ekspresyon ko.

"Ahh, Binilang mo pa talaga?" Sagot ko sakanya, napapa ngiti ako ang cute niya kasi eh. Oops! 

Tumango siya at ngumiti.

Napa tingin ulit ako sa PSP at na alala ko na sakanya pala ito.

"Ay ito pala PSP mo, I'm sorry kanina. Ginamit ko ito nang walang pahintulot mo."  Sabi ko kay Denxel sabay abot ko sakanya ng PSP.

"It's okay." Sabay kuha niya sa PSP niya. "Thank you.. And by the way, ano ang 'pahintulot'?" Tanong niya saakin.

"Um, ibig sabihin non 'permission' I used it without your permission." Sagot ko sa tanong niya. 

"Oh.. It's fine." Sabi niya sa akin habang naka ngiti ng konti.

"So may lahi ka?" Tanong ko sakanya habang naka tingin sa mukha niya. Hindi kona mapigilan mag tanong! atsaka wala naman masama sa pag tatanong diba?

Tumago siya saakin. "Half korean, half filipino." Sagot niya sa tanong ko.

I knew it! Sabi na nga koreano eh! sa mata niya at height palang obvious na, atsaka medyo nag e-english. But let's see kung pasok siya sa standards ko!

"Gusto mo turuan kita?" Sabi sa akin ni Denxel, biglang bumalik ang utak ko sa realidad. Dami kong iniisip these days!

"Huh? Anong ituturo mo saakin?" Tanong ko sakanya.

"This." Sabay taas niya sa PSP. 

"You will teach me how to play?" Tanong ko ulit sakanya. "Sure ka? Medyo hindi ako fast learner pag dating sa mga games, especially pag laban laban." Sagot ko sakanya.

Tumango siya sa akin. "Easy lang ito, don't worry" Pag assured niya saakin. "So, payag ka na turuan kita?" Tanong niya ulit sa akin.

"Sige.." Sagot ko sakanya. Bigla siyang ngumiti at umupo sa sahig katabi ng mga lockers kung saan naka upo ako kanina habang nilalaro ang PSP niya.

"Come, upo ka sa tabi ko. I'll show you how this game works." Sabi niya sa akin habang hinihintay akong umupo.

Dahan dahan akong lumapit sakanya at umupo sa sahig katabi siya. Hindi naman kami ganon ka-close mag-katabi.

My Ideal GamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon