Chapter 36

18 3 16
                                    

"Hyuna!? Bakit nakakalat mga damit mo sa lapag maglalayas ka ba!?" Bulaslas na nagtatakang tanong ni Ate Kyla sa akin na bigla nalang pumasok sa kwarto ko palapit sa aking direksyon.

Naka-upo ako ngayon sa kama habang nakatulala sa mga kinalat kong damit kaninang naghahanap ako ng susuotin papuntang airport.

Tinabihan ako ni Ate Kyla habang nakakunot noong titig na titig sa akin. "Anyare bat ganiyan itsura mo?" 

I heaved a sigh sabay tingin ko sa kaniya na mukhang na busted. "Anong gagawin ko?" Matamlay kong tanong kay Ate Kyla since I'm not in my proper senses right now after being hit by realization. 

He's engage to someone, and we are just having an affair.

"Hugasin mo mga plato sa kusina." Sarkastikong wika ni Ate sa akin.

"Ti Kyls naman eh!" Naiinis kong sagot kay Ate. Papahugasin pa ako ng pinggan in this serious situation!

"Ano ba kasi problema mo? Mukha kang nag-aalala." Seryosong wika na ni Ate Kyla sa akin while looking at me curiously.

If I'm going to tell her about Denxel mangyayari ba kaya ulit yung nangyari noon?

"Bilib ako sayo but you proved me wrong dahil hindi ka nakinig sa sinabi ko, at kapag iniwan ka ng hayup mong boyfriend wag kang maiyak-iyak sa harapan ko!"

"Sorry mo mukha mo! At wag na wag mo kong hahawakin ng ganiyang kadiri kang-"

Oh God.. Kung sasabihin ko yung about sa amin ni Denxel ngayon she'll probably create a huge spectacle worser than before. Alam niya nang CEO at engaged na siya.

"Huy Hyuna hindi ba ito yung naging boyfriend mo noong highschool??" Sabay harap ni Ate Kyla ang cp niya sa mukha ko.

Nanlaki mga mata ko nang makita si Denxel at Bea na magkasamang dalawa sa pic na nagyayakapan dalawa along with their rings sa kamay nilang dalawa celebrating their engagement together. "Luh paano mo nalaman Ate!?" 

Inalis niya yung phone na nakaharap sa pagmumukha ko sabay tingin sa akin ng mataray at nag-taas pa ng isang kilay. "I'm wasn't born yesterday Hyuna, siya yung lalaking naglakad sayo that time na galing ka sa park nung gabing nahuli ko kayong dalawa na magkasama tapos bestfriend mo lang pala yun??" Sarkastikong wika ni Ate sa akin. What a sharp memory she got there!?

Nakatingin lang ako kay Ate hanggang ngayon, nagdadalawang isip na umamin habang nakatingin din siya sa akin at bakas sa mga mata niya na nauubusan na siya ng pasensya naghihintay sa akin na magsalita.

"Break na kami ni Ethan." Agad na lumabas ang mga salitang ito mula sa bibig ko. Whatever will happens, happen na.

Biglang napakunot noo si Ate na nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "Ha!? Bakit? May ginawa ba siya sayo?? Sinaktan ka ba niya? Niloko kaba? May iba ba siyang babae..." Sunod sunod na ang mga nakaka-anxious na sagutin questions ni Ate sa akin. 

I heaved a deep sigh at napapikit ng mga mata to control myself from those behind the contrary at nonsense na mga tanong ni Ate sa akin. "Niloko ko siya!" Sigaw kong sagot kay Ate while closing my eyes tightly. Patay na me.

Tumahimik bigla si Ate Kyla I could hear that she gasped a bit at lalong lumaki ang mga mata niya sa sinabi ko looking at me terrified right now. "What!? Ikaw!?" Hindi makapaniwalang wika ni Ate sa akin kaya bigla niya akong inupakan ng malakas sa ulo.

"Ow! Ate naman-"

"Ikaw manloloko!?"  Bulaslas ni Ate sa akin habang nakatingin sa akin na para bang tatapusin niya na ako.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa kaya inamin ko nang... "Mahal ko si Denxel Ate."  

Napakunot noo ito. "What? Yung ex mo!? Hyuna are you in your proper senses o gusto mong sampalin kong neat and clean yang pagmumukha mo to get your senses back??" Sarkastikong bulaslas ni Ate sa akin sabay na umiling-iling ito at nag face palm. 

My Ideal GamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon