Chapter 21

24 4 14
                                    

"What!? Gustong makipag kaibigan nung Ethan sayo?!" Gulat na wika ni Rachel habang naka-taas ang dalawa nitong kilay sa akin dahil sa gulat.

Tumango tango lang ako habang naka-ngiwi. 

Nasa classroom kami ni Rachel and there are just few students na nag-iingay kasi napa-aga nanaman ang dating ko sa school kahit si Denxel ay wala pa rin.

Nag-titigan lang kami and then she sighed. "Pumayag ka ba?" Tanong niya sa akin.

"Sabi ko sa kaniya pag iisipan ko." Sagot ko sa kaniya at agad naman itong umiling.

"Hyuna pagkatapos ng nangyari sainyong tatlo do you think na okay lang na basta bastang maki pagkaibigan ulit sa kaniya?" Seryosong tanong ni Rachel.

"Alam ko naman na mali, pero para sa kaniya wala lang lahat ng yon-"

"It's because he likes you nga!" Pagputol ni Rachel sa akin. "And I think ginagawa niya ito para hindi ka lumayo sa kaniya and he wants to be with you." Dagdag pa niya.

Napatitig lang ako kay Rachel. Nakalimutan ko nga palang may gusto sa akin si Ethan.

"At ayaw mo naman saktan feelings ni Denxel right? It's better na iwasan mo siya Hyuna, I hope he'll understand that." Pagpapahayag at assured sa akin ni Rachel.

Tumango nalang ako sa sinabi ni Rachel. She's right. Hindi ko kailangan makipag kaibigan sa kaniya. It's just wrong, but I still wanted to be friends with him because of our common interests and vibes are same. At tingin ko lang sakanya ay kaibigan lang naman. But for Denxel's sake I will do anything for him as he does it to me.

"Please, layuan mo siya. Don't get attached so easily." Napa-ngiti nalang si Rachel sa akin.

Tumango ako at ngumiti sa kaniya. "Thank you talaga." 

Bigla nalang namin narinig bumukas ang pinto ng classroom namin and Denxel suddenly came with an excited smile and expression on his face dahil nakita niya kami ni Rachel agad. Lumapit din ito agad sa amin.

"Hey Rachel and Hyuna, guess what?" Dimples forming in his cheeks, ang cute niya talaga pag naka ngiti!

"Hm? What happened bat mukha kang excited?" Tanong naman ni Rachel habang naka-tingin sa amin ni Denxel.

"It's her performance tomorrow, and our match as well with Orvilles volleyball team." Sagot niya kay Rachel at napa-tingin naman ito sa akin and he leaned closer to me. "Are you excited?" Mahinang tanong niya sa akin. I almost forgot na bukas na pala ang performance namin ng cheerleader.

Tumango tango nalang ako kahit na kinakabahan man ako, ayokong sirain ang mood ng lalaking ito of course.

"Omg really!? I couldn't wait na mapanood kayo!" Sabay mahinang palakpak ni Rachel habang naka-ngiti.

Napa-ngiti lang kaming tatlo. "Anyways see you guys." Sabay alis ni Denxel sa harapan namin at pumunta na sa likod.

"Hey Hyuna." Bulong ni Rachel sa akin at agad akong humarap sa kaniya. "Alam mo bang hindi marunong ngumiti dati si Denxel?" Bulong niya sa akin sabay tingin kay Denxel.

"Talaga? Eh simula nakilala ko siya he sometimes smile tho, especially pag magkasama kami." Wika ko naman kay Rachel.

Bumalik ulit tingin niya sa akin habang naka-ngiti ng konti. "Nung junior highschool pa kami he doesn't smile at all kahit na ang daming nagka-kagusto sa kaniya, not until he met you I guess?" 

My heart just soften by her words about Denxel. Napa-ngiti ako knowing how much I am that important and loved by him.

"But one thing that really hasn't changed him at all." Napa-tingin ulit kami ni Rachel kay Denxel na hawak-hawak ang cellphone niya at naka rotate ito pa-landscape. "He will always be a gamer." Wika ni Rachel.

My Ideal GamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon