Chapter 9

40 4 13
                                    

"Magka-kilala kayo?" Tanong ni Denxel sa amin, pati siya rin ay nag-taka sa aming dalawa.

"Actually I've never met this girl." Sagot ni Ethan kay Denxel.

"Hindi rin kita kilala!" Sagot ko sa lalaki. "Pero sigurado ako na ikaw yung mayabang na lalaki sa game!" Dagdag ko pa.

Kumunot noo ito. "By the way I'm Ethan Ocampo. What's your username?" Tanong neto sa akin.

"Yunaa dot twelve fifteen." Kalmadong sagot ko sa tanong neto. Ethan Ocampo? Mayabang nga sa pangalan palang.

Tumahimik ang paligid habang nag-iisip isip si Ethan sa sinabi ko. Pag-katapos ay biglang napa-taas ang dalawa niyang kilay sabay pinagmasdan ako ng ilang segundo.

"Ohh I see.. So ikaw yung babaeng sunod nang sunod sa akin sa game?" Kalmadong tanong niya sa akin.

"Opo, ako po yun." Panunudyo kong sagot sa kanya.

"Ahh.. I didn't know I was playing with a 12 years old last night. Kaya pala" Wika ni Ethan habang naka-tingin pa rin sa akin na walang ka-emosyon.

Biglang napa-taas ang dalawa kong kilay sa sinabi niya. 12 years old!?

"Hey man don't tease her." Wika ni Denxel kay Ethan.

"Why? Girlfriend mo ba to?" Tanong ni Ethan kay Denxel.

Bigla akong nagulat sa sinabi ni Ethan kaya napa-tingin kaming dalawa ni Denxel sa isa't-isa.

"No! It's not like that, she's just my friend." Pag-paliwanag ni Denxel sa tanong ni Ethan.

Medyo namula ang aking mukha sa tanong ni Ethan Kay Denxel. Kita ko rin kay Denxel ang bakas ng kahihiyan sa kayang mukha.

"Anyways we have to go in class before the bell ring." Pag-papaalam ni Denxel kay Ethan sabay pasok niya sa loob nang classroom, sumunod naman ako sa likod niya.


Few Moments Later...


Nasa gym ako ngayon kasama si Rachel habang pina-panood naming mag-laro sina Denxel, Zach at yung iba nilang team mates. 

"Woah.. Ang lakas ng spike ni Zach dun!" Wika ko kay Rachel. 

"He's so amazing..." Sagot naman ni Rachel sa akin.

Napa-tingin ako kay Rachel, naka-focus ang tingin niya kay Zach na nag-lalaro at kita sa kaniyang mga mata ang bakas ng sobrang hanga at admiration. Na imagine ko si Rachel na may star eyes.

Bumalik ulit tingin ko sa mga nag v-volleyball, palaging na sa tabi ng net si Denxel at alam ko na ang posisyon niya. Setter siya katulad ni Kenma. Tumalon siya sabay na ipinasa ang bola sa ka-team niya at agad na spike ang bola pero na block ito ng kalaban nila kaya pumasok ang bola sa kanila at walang naka-sapo. Biglang nag-whistle ang kanilang coach at tapos na rin silang mag-practice. Agad na lumapit ang dalawa sa amin. 

"How was that?" Masiglang tanong ni Zach kay Rachel.

"You're so amazing!" Masayang sagot ni Rachel kay Zach sabay abot sa kanya ng malamig na orange juice. "Here, take this captain." Naka-ngiting wika niya kay Zach.

Agad na kinuha ni Zach ang orange juice mula kay Rachel. "Thank you!" Sabay tapik niya ng mabilis sa ulo ni Rachel habang namumula ang kanilang mukha, kita ang bakas ng kahihiyan kay Rachel at bakas ng kasiyahan kay Zach.

Naka-tingin ako sa dalawa habang naka-ngiting kinikilig sa kanila at nang may biglang bumulong sa likod ko.

"You want head pats too?" Mahinang tanong ni Denxel sa akin.

My Ideal GamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon